Kabanata 05

770 39 0
                                    

Hell Pov

Tahimik lang akong nakikinig sa mahaba habang sermon ni Miss Crimson ng biglang may kumatok,"come in."

Pumasok ang isang babae na ngiting ngiti napatitig pa sya sa aming dalawa ni Higad

"Yow long time no see Miss Crimson,"pagbati ng kapapasok lang mukhang suki na ito ni Miss Crimson.

"Long time no see?hindi ba tayo nagkita sa nakaraang araw na pareho din ang lugar?,"wengya sabi na eh, umupo sya sa tabi ni Higad at tinanguan lang ako tomboy yata ang isang ito.

"Kamusta na superior?,"sabi nya at kinawayan pa si Nicholas magkakilala din ba silang dalawa.Hindi sya pinansin ni Nicholas at nanatili parin ang titig nya sa akin,"aba ang sungit ngayon ni Superior ah."

"Enough of your jokes,"saway ni Miss Crimson sa babae ang daldal nya kasi sarap lagyan ng tape ang bibig nya para tumahimik na,"as your punishment you are gonna clean every comfort room in our university except in my office, professor office and SSC council."

"Grabe naman parusa yan Miss Crimson wala bang mas madali? ,"tanong ng babae.

"Sige papalitan ko ang parusa mo, you are going to clean the whole campus,"nagpigil ako sa pagtawa.

"Di joke lang Miss Crimson okay na ako dun sa nauna,"sabi naman nya.

"Okay you may leave now,"dali dali naman naming inayos ang sarili namin at umalis na sa office ni Miss Crimson.

"Tusukin ko kaya yang mata mo,"saad ko kay Higad na kanina pa nakatingin ng masama sa akin.

"Tcs napakasungit mong babae ka hindi porket asawa mo si Noah,"I salute my middle finger to her,"tae ka talaga Hell."

"Huwag mo nga akong kausap higad, "inis na sabi ko dahil sa kadaldalan nya.

Naglakad na ako papunta sa likod ng campus may nakita kasi akong magandang spot na tulugan dun ng maramdaman ko na parang may sumunod sa akin kaya humarap ako sa likuran ko,"bat kaba sumusunod huh?,"walang iba kundi si Higad ang nasa likuran ko.

"Bakit ikaw lang ba ang may karapatang pumunta sa cafeteria?,"tanong nya na pinanlakihan ko ng mata.

"Lils huwag ka ng magkaila,ibang direksyon ang cafeteria,"nahuli ko naman sya agad dahil sa pag-iwas nya ng tingin.

"Okay you win gusto ko lang sumama sayo,"hindi ko sya sinagot, tumalikod na ako at tuluyang naglakad,"hmnm Hell?!,"pagtawag nya sa akin pero tahimik lang ako,"pasensya hindi ko naman sinasadyang saktan ka sa totoo lang inuutos lang sa akin ito ni Cristina."

Dun na ako napatigil sa paglalakad at puwersahang humarap sa kanya,"at sino naman yung Cristinang yun?,"mataray na tanong ko.

"Sya ang hearttrob queen dito sa Crimson University at matagal ng may gusto iyon kay Nicholas,"sabi nya mukha namang totoo ang pinagsasabi nya,"nung malaman nyang ikaw ang asawa ni Nicholas kinausap nya ako at sinabing ibully ka pagkarating mo palang ng school, kapag hindi naman ako nagtagumpay baka pagtripan nanaman nila ako.

"Chelsea!,"parang takot na nagtago si Higad sa likuran ko ng may tumawag sa pangalan nya.

"Ikaw ba si Cristina?!,"walang ganang tanong ko sa babaeng nasa unahan.

"It's none of your business, "mas mataray na saad nya aba matapang ang kapal kapal naman ng lipstick sa labi nito.

"It's none of my business kung anong trip mo Cristinang hilaw pero don't ever mess up with me Cristinang hilaw kung ayaw mong manatili ng ilang buwan sa hospital isama mo narin yang nga hipon mong alaga,"mahina man ang boses ko pero maawturidad naman ito.

Umabante naman ang isa bang babaeng tinalbugan si Gretchen Barreto sa kilay. Mukang hipon na talaga.

"How dare you! Di mo ba kami kilala?!"panghahamon nya. I clenched my jaw and made my chin up.

"Eh ikaw, kilala mo ba ako?" Nakakatakot kong tanong na effective naman ata dahil napalunok sya saglit pero di na nya pinahalata.

"Enough." Napatingin ako sa lalaking nakatingin din saakin.Wait kailan pa ito nakarating sa likuran nung nga hipon?waw amazing..

"But—?!" aangal pa sana si higad yung kilay pero umeksena na ang isa pang lalaking gwapo, ngayon ko lang ata napansing artistahin pala yung mga pipol in black na to?

"May araw din yan,"sabi ng gwapitong lalaki.

At naglakad na sila paalis pero binangga pa ako sa balikat ni Cristinang hipon.

Pero syempre di ako papatalo. Bago sila tuluyang mawala sa paningin ko, sumigaw pa ako. "Yung lipstick mo, kalat!"

Natawa naman ang mga tao sa paligid.

"Hala baka hindi ka na talaga nila titigilan,"sabi ni higad I just rolled my eyes.Wala akong paki hindi naman ako natatakot sa kanila I'm always ready to fight.

Hindi ko namalayan na nakatulog nya talaga ako rito sa likod ng school sa puno ng mangga, Si higad naman umalis may gagawin daw kaya pagkagising ko pumunta nalang ako sa cafeteria.

Nakakunot ang noo,ang sama ng gising ko bwisit.

"Seems the courageous girl is now upset, huh?"napalingon ako sa nagsalita.

Naaalala ko sya, sya yung lalaking may one word na script las part. Yung "enough" lang ang sinabi,  Tsk, kawawa naman buti pa ako, mahaba. 

Bagot ko syang tinignan. "Oh? kailangan mo?" Sabi ko sabay kagat ng apple.

Ngumiti naman sya para lang ibalandra yung dimples nyang pang alden, "Nakakatuwa ka talaga, "sinimangutan ko sya.

"Geh lang,tawa ka ikauunlad ng ekonomiya ng antartica yan, " pagtataray ko sa kanya sabay tapon ng buto ng apple sa kung saan nang may matamaan ako.

"ARAY NAMAN! SINO YUN?" Nilingon ko yung natamaan. Mukang baboy ang pangit nya.

"Pabor na yun sayo mapagbigay lang ako may tira pa naman. sayo nalang, diet ka," pagpapalusot ko sa kanya nang makarinig ako ng tawa yung lalaking aldenwannabe.

"You are really funny, "Inismiran ko lang sya.

"Sabi ko nga, yumaman na ang antartica," with that, mas napatawa pa sya.

"Wag ka mag pa cute! Por ket may dimples ka, feel na feel mo naman? Wag ganon, kuya be humble," pasermon ko sa kanya kaya napangiti sya ng malungkot, luh? nyare dun.

"Mag iingat ka sana para sa mga sususnod na araw." Sabi nya sabay talikod saakin at naglakad palayo pero nakakailang hakbang palang sya nang lumingon ulit sya. This time, nakangiti na sya.

Tsk lakas ng amats ng isang iyon ang sarap iluto sa kumukolong tubig.

That Badass Girl Married The Innocent Guy(Complete)  Where stories live. Discover now