Kabanata 09

588 29 1
                                    

Hell POV

Nakatitig ako sa malaking gate ng Crimson University,kung iisip mo second day ko itong papasok ha.ha.ha pero isang bagay pa ang iniisip ko gumagana kaya yung CCTV nila mantritrip na sana ako kasu nakita at napansin yata ako nung guard kaya tuluyan nalang akong pumasok.

Pumasok ako sa unang subject buti nalang wala ulit quiz kung hindi bagsak na talaga ako baka bigyan pa ako ng itlog ni Dad,"demonyo anong nangyari sa mata mo para kang blinack eye at busog na busog yang eyebags mo?,"tanong ni higad.

Oo nga pala nakalimutan kong sabihin hindi ako nakatulog dahil sa pinanood namin ni Nicholas.

"Advance ako mag-iisip para sa araw ng mga patay,"mukha namang hindi sya naniwala pfft hindi ko nalang alam kung anong klaseng pag-iisip merun sya kung naniwala pa sya.

Nung sa wakas ay natapos na ang history class namin na naging historya ng buhay ni Prof agad akong umalis naglakad lakad lang ako sa hallway ng makita ko yung grupo ni lipstick pero wala sya yung mga mukhang clown yung natira.

"Uyy mga tropa!" Pagbibiro ko pero inirapan lang ako nung mga mukhang clown na tropa ni Lipstick at black eye.

"I can't believe you, you are really impossible. You will just face your death and you still manage to joke?" Di makapaniwalang sabi nung isang clown may spokening dollars na clown dito sa pinas?waw magic.

Hindi ko sya pinansin kasi si lipstick lang talaga ang gusto kong makita at asarin hindi ko tropa yung mga kasama nyang clown.

Mas nakakatakot pa yata yung mukha nila kaysa sa napanood ko kagabi,wengya bigla naman akong kinilabutan nung maalala ko yun.

Tumalikod na ako tyaka naglakad na ng natigil lang ako nang marinig kong malakas na tawanan ng mga clown.

"Hahahaha serves her right! That nerd!" rinig kong sabi ng isa.

"What is her name again?" tanong ng isa pang clown.

"Ariah,Ariah Montejo."

And as if on cue,dali dali aking tumakbo, ano nanaman kaya ang ginawa nila kay Ariah wala syang kasalanan.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makita ko si black eye na nakangisi pa ang putangena.

"Nasaan sya?!" Sigaw na tanong ko kaagad ng makarating ako sa puwesto nya,tumaas naman ang kilay nya.

"Jologs girl? Anong sinasabi m---" di ko na sya pinatapos dahil agad kong hinawakan ang magkabilang braso nya ng madiin.

Mukang natakot sya sa pag-iiba ng boses ko, "alam mo ang sinasabi ko,"buong pagpipigil sa gigil na sabi ko, ang hindi ko gusto sa lahat yung nandadamay ng iba para lang makapaghiganti.

Ngumisi naman sya kaya di ko na napigilan at buong lakas ko syang isinandal sa pader, "Nasaan.Si.Ariah?, " namutla naman sya sa madidiing salita na binitawan ko.

"N-nasa likod ng 3rd building...b-binugbog nila Cristina" pagkautal utal na banggit nya.

Alam kong kasangkot din sya kaya naman kahit alam kong bawal ang away dito, walang pasintabing sinuntok ko ang tiyan nya,halata na namimilipit na sya sa akin,"tatandaan mo ito hindi ako natatakot sa inyong mga putangenang gangster,mga gangster lang kayo ni hindi nyo nga kayang saktan ang mga mafia,babalaan na kita ngayon kung kayo mga gangster ako naman nakapabagsak na ng mafia,mag-iingat ka marunong din akong gumamit ng baril at katana pwede din kitang saksakin ng dagger kong gugustuhin ko."

Binitawan ko ang braso nya at naglakad papunta sa lugar na sinabi niya.

Marami raming estudyante pa ang nadatnan ko sa likod ng building marahil ay talagang nagkagulo,mas lalo akong kinabahan.Naiiyak na napapasabunot ako sa buhok ko habang umiikot para hanapin si Ariah

That Badass Girl Married The Innocent Guy(Complete)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon