Kabanata 21

517 20 0
                                    

Hell POV

Ilang weeks narin ang nakaraan simula noong huli kong makita si Nicholas sa reunion namin.

"Ang lalim ng iniisip mo ah,"kasama ko ngayon si Ariah, nag-anyaya kasi syang mag dinner hindi namin kasama si Chelsea dahil busy sya ngayon,hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan nya ngayong buwan.

"Titigil na ba ako sa pag-assume Ariah?,"inilapag ko ang kutsara at tinidor sa lamesa, bigla kasi akong nawalan ng gana.

"Bat ka titigil kung gusto mo?,"bakit nga ba?hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko,"magsalita ka handa naman akong makinig sayo."

"Hindi ko na kayang intindihin ang sarili ko Ariah,nagpapakatanga lang ako sa kanya,"hindi naman ako dating ganito,nasaan na ang dating Hell na matapang sa paningin ng iba,"umaasa lang ako sa isang bagay na hindi ko naman na makukuha pa."

"Alam mo Hell hindi naman masamang umasa,hindi porket ganyan ka nagpapakatanga ka na sa pag-ibig,ibinibigay mo lang ang kaya mo para magmahal,"hinawakan ni Ariah ang dalawang kamay ko,"walang mali sayo Hell ang tadhana ang syang nagkamali ngayon,huwag mong isiping kawawa ka dahil napag-iwanan ka."

"Nasasaktan ako kasi sising sisi ako sa lahat ng nagawa kung hindi maganda kay Nicholas,sising sisi ako dahil iniiwasan ko sya na dapat ay humihingi ako ng tawad sa kanya,"hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

"Bakit mo sya iiwasan kung gusto mong humingi ng tawad?kaya ka natatakot na harapin sya dahil iniisip mo na agad ang kalalabasan,nasaan na ba yung Hell na matapang?ibang iba ka na Hell sa nakilala nya,"matagal ko ng pinatay ang dating Hell,"mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo Hell dahil paulit ulit mong binabalikan ang nakaraan na hindi mo na dapat pang balikan."

"Anong gagawin ko Ariah?naguguluhan na ako sa dapat kong gawin?hindi ko na alam,"gulong gulo na talaga ako.

"Harapin mo sya at kausapin huwag kang maging mahina sa paningin nya,"hindi ko alam kung magagawa ko ba ang sinasabi ni Ariah,"don't gave up easily Hell as soon as possible kailangan mong harapin ang katotohan bago pa mahuli ang lahat."

Pagkatapos ng usapan naming iyon ni Ariah,sabay na kaming umuwi, inihatid ko na sya sa bahay nila,"Ariah,"pagtawag ko sa kanya ng makababa sya ng sasakyan ko.

Bumaba rin ako tyaka naglakad papunta sa pwesto nya at hinawakan ang dalawang kamay nya,"thanks you very much Ariah,"nakangiti syang niyakap ako kaya yumakap na din ako pabalik.

"Kaya mo yan Hell,huwag kang mawalan ng pag asa,"hinaplos ni Ariah ang ulo ko para icomfort ako,"susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako para sa iyo."

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko kay Ariah ng matapos na kaming magdrama tuluyan na nga akong nagpaalam sa kanya.

Pagkarating ko ng bahay naabutan ko si Dad na nakaupo sa sofa,"dad kailan ka pa nakauwi?,"gulat na tanong ko,ang pagkakaalala ko nasa Japan sya ngayong buwan pero ang aga naman yata nyang bumalik.

"Kanina lang nak,dito naman sa Pilipinas ang next destination ko Hell,"I just rolled my both eyes.

"Seriously dad ilang taon ka na kayang nandito sa Pilipinas,"tumabi ako sa kanya at niyakap sya.

"Anak naman nung nandito ako business lang lagi ang inaatupag ko kaya madami pa akong lugar na hindi napuntahan,"saad ni Dad sabagay may point naman kasi ang sinabi ni Dad.

"Dad nakabalik na si Nicholas,"maya maya ay saad ko hindi naman agad nakasagot si Dad.

"Alam ko,"napa-angat ako ng ulo ko,"nakita ko sya nung nasa Japan ako,nagkaroon naman kami ng kaunting bonding dahil kasama ko sya sa pamamasyal sa Japan."

"Ahh,"yun nalang ang tanging nasagot ko sa sinabi ni dad.

"Hindi ko alam na masyadong napaaga pala ang uwi nya,"ide si Dad na ang may alam tungkol kay Nicholas mapapasana all ka nalang talaga.

"By the way kamusta ang Japan?,"pag-iiba ko ng topic para hindi na humaba ang usapan namin ni Dad tungkol kay Nicholas ayoko ng pahabain pa yun.

"Yun madami paring Japanese,"hinampas ko si dad sa braso dahil sa naging sagot nya para na syang teenager dahil sa akto nya masama yata sa kanya ang maglibot libot kung ano ano nalang ang natututunan nya.

"Dad magseryoso ka nya,"seryosong sita ko kay Dad na tumatawa parin hanggang ngayon.

"Just kidding nak hindi ka naman na mabiro oo napakaseryoso mo sa buhay bakit sa pag-ibig minamalas ka?,"parehong nanlaki ang dalawang mata ko,tumayo na ako at umalis na useless lang na kausapin ko si Dad kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig nya baka mahampas ko na talaga sya ng subrang lakas.

Kahit papano nakatulog ako ng maayos kagabi at yun ang pinagpapasalamat ko, ngayon na lang ulit ako nakatulog ng subrang tagal dahil sa trabaho at problema narin sa personal na buhay.

Pagkababa ko sa kusina naabutan ko si Dad na nagkakape habang nagbabasa ng newspaper,"good morning dad,"hinalikan ko sya sa ulo nya.

"Good morning din anak kamusta naman ang tulog mo?,"tanong ni dad na nasa newspaper parin ang pansin.

Umupo naman ako sa kaharap nyang upuan at nagsimulang magtimpla ng sariling kape,"okay naman dad ngayon lang ako nakatulog ng subrang tagal."

"Yan kasi masyado mong pinapagod ang sarili mo nak kaya ayan hindi ka makatulog ng maayos,"dun lang ako tinignan ni dad na halata ang pag-aalala sa mukha nya,"take a rest sometimes hija hindi naman mawawala yang kompanya."

Siguro nga tama si Dad na kailangan ko naring magpahinga muna,"susubukan ko dad."

"Huwag mong subukan Hija gawin mo,huwag mong hayaang pag-iwanan ka ng panahon anak hindi ka mananatiling dalaga habang buhay,ayusin mo ang sarili mo at hindi lang ang kapakanan ng kompanya,"iwan ko pero pakiramdam ko nanenermon si dad,"alam kong hindi mabubuhay ang kompanya kapag wala ang boss kaya alagaan mo din ang sarili mo para magtagal ang kompanya mo."

That Badass Girl Married The Innocent Guy(Complete)  Where stories live. Discover now