Kabanata 07

671 30 0
                                    

Hell Pov

Finally tapos na din naming maglinis ng panghuling Cr dito sa campus, pero wengya buong buwan ba kami maglilinis ng Cr?.

Pumunta nga ako sa parking lot, pagkarating ko roon agad kong hinanap si Nicholas pero amputcha hindi sya mahalagip ng dalawang mata ko.

"Hija ikaw ba si Ms. Gleaned,"wengya muntik ko ng masapak sa mukha yung guard,tumango naman ako,"pinapasabi ni Mr. Crawford na mauna na daw syang umalis dahil may pupuntahan pa sya."

Tumango naman ako at pagkaalis ng guard, mga malulutong na mura ang lumabas sa bibig ko,"gago yun, paano na yan? paano ako makakauwi wala pa naman akong sasakyan,"bulong ko.

"Oy Demonyo hindi ka pa uuwi?,"tanong ni Higad,umiling naman ako bilang sagot,"ayt oo nga pala kinuha ko number mo kanina nung tulog ka sa klase kasi nakabukas cellphone mo hehe,"abat pakialamera din pala ang higad na ito.

Tuluyan na ngang umalis si Higad at yung babaeng kasama naming naglinis umalis na narin.

Ano bayan!maglalakad na nga lang ako papunta sa bahay at uupukan ko talaga ang lalaking yun tangena.

Maya maya pa ay nakakita ako ng kidlat, kung minamalas ka nga naman Hell mukhang uulan pa.

Lalo ko pang binilisan ang paglalakad. The hell!mukhang umaga na nga bago ako makarating sa bahay piste pano pala kung may biglang mag salvage sa akin sa daan aba kung mamatay man ako sa araw na iyon sisiguraduhin kong yung isip batang yun ang unang mumultuhin ko.

Tuluyan na ngang bumuhos ang malakas na ulan,para akong basang sisiw na naglalakad sa gitna nang kalsada

"Ay! Palakang mataba!" napasigaw ako ng biglang may busina sa harapan ko at muntikan na akong mabunggo. Sinong walang modong taong may gawa sa'kin nito at masasapak ko talaga!

Nakadungo kasi ako habang tumatakbo kaya hindi ko masyadong makita ang nasaharapan ko. Itinaas ko ang ulo ko para makita ang taong yon.

"Umuulan na, ihahatid nalang kita sa inyo" sabi nung lalaking muntikan ng bumunggo sa akin.

"Hoy! Ano pa bang ginagawa mo d'yan?" tanong niya kaya biglang nahimasmasan ako. Sumakay na agad ako sa kotse nya. Magpapaka choosy pa ba ako? Gora na.

Basta ang mahalaga makauwi ako ngayon at mapatay ko yung pisteng lalaking yun.

Kung may binabalak man sa akin ang lalaking maghahatid sa akin aba lalaban ako.

"Ahm,saan ba kita ihahatid?" tanong nya sa akin at inandar ang sasakyan nya.

Agad ko namang sinabi yung address ng bahay namin wala na akong pake kung makita nya si Nicholas sa bahay.

Mukha kasing nag-aaral din sya sa Crimson University suot suot nya kasi ang uniform ng mga nag-aaral doon

"Are you okay?" biglang tanong nya paano ba naman kasi nagpipigil ako ng gigil sa kaiisip kong paano ko papatayin si Nicholas.

"Yeah, I'm okay. Don't mind me"saad ko naman at ngising ngisi tango lang din ang tanging naging sagot nya at naging tahimik na kami pareho.

Walang nagsalita ni isa sa amin hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay"ah thank you" sabi ko nang makalabas na ng kotse niya.

"No need to thank me miss I'm just doing it for a proper apology,"saad nya tyaka pinaandar ang sasakyan nya, huh? apology para saan?wala naman akong naalalang may nagawa syang mali sa akin ang weird nya ah.

Binaliwala ko muna yun at pumasok na sa bahay,wala pa yung sasakyan na gamit ni Nicholas nasan kaya ang isang iyon,nagshower muna ako, kumain at naghintay sa sala.

That Badass Girl Married The Innocent Guy(Complete)  Where stories live. Discover now