Kabanata 10

547 24 0
                                    

Hell POV

Nasa bahay na ako feel na feel ko yung spring sa loob. Ansakit na nga ng kamao ko kakasuntok, dagdag pa pwetan ko.

Grabe ngayon na lang ulit ako nagpatunay na ang pangalan ko ay Hell,huling nangyari ang ganong pagkabrutal ko nung 2 years ago.Highschool pa ako nun.Binanggit kasi ng kanong yun ang mam ko sa masamang paraan kaya masama narin yung ilong nyang baliko. Na kick out nga ako nun eh. Nabawasan tuloy ng isang buhok si panot.

Pumunta ako sa ref dito na naiwan ata. Kaya lang, iniwan ata ng nanay. Wala na kasing ilaw eh.

Napabuntong hininga ako. Wala na akong paki kung ano ang magiging consequences sa ginawa ko kay lipstick. Wala akong pake. Pag iisipan ko pa kung paano ko pa papagandahin ang ibang umapi kay Ariah.

Narinig ko ang ingay ng sasakyan ni Nicholas kaya alam kong nakauwi na sya.

Pumasok sya ng bahay pero parang hindi nya ako nakita o sadyang iniiwasan nya lang ako?.

Problema nun?napailing nalang ako sa inaakto ni Nicholas  biglaan naman yatang nag-iba ang ugali nun.

Pati sa pagkain ay tahimik lang sya hindi sya nagsasalita pero nahuhuli ko naman syang nakatingin,"anong problema mo?,"mataray na tanong ko.

Nabwibwisit na ako sa kanya ah,"nothing"padabog kong inilapag yung kutsara sa lamesa,"whats with that attitude of yours Hell nasa hapag kainan tayo,"naiinis na talaga ako.

"Hindi ako yung problema rito Nicholas.. Ikaw?ano bang problema mo sa akin ah?,"sita at sigaw ko sa kanya.

Pero imbes na magsalita sya ay nagwalkout lang ang gago,arrghh kingina bat ba ako apektado sa kanya?.

Tinapos ko ang pagkain ko kahit wala sya,pagkatapos kong kumain niligpit ko na iyong pinagkainan ko tyaka pumunta na sa sarili kong silid.

Humiga ako sa kama nakatitig lang sa kisame, gusto ko namang matulog pero hindi parin ako dinadalawa ng antok nakailang lipat narin akong posisyon sa pagkakahiga.

Padabog akong bumangon sa kama at ginulo ang buhok ko,"ano bang problema nya?galit ba sya dahil nasigawan ko sya o kaya galit sya dahil sinaktan ko si Lipsticks?."

Bahala sya sa buhay nya bwisit.Tatlong araw akong hindi pinansin ni Nicholas.

"HEEELLLLL!" binatukan ko kaagad si Ariah nang makalapit ako sa kanya. Napakamot naman sya. Wag nyang sabihing kagagaling nya lang sa bugbog!

"Aray ko naman..."sabay pout nya.

"Wag ka ngang magpacute." Sita ko but deep inside, masaya ako. Masaya ako kasi ayos na sya after 3 days. Bakas parin ang mga pasa at sugat nya sa katawan. Napakuyom ang mga kamay ko. Di ko pa pala napapaganda yung ubang umapi sa kanya,bigla kasing nagbakasyon ayaw ata sa isang artist na tulad ko.

"Hell," pagtawag saakin ni Ariah saka inalis ang pagkakakuyom ng dalawang kamao ko.

"Dapat di mo na ginawa yun." Nakikiusap na sabi nya.

"Anong hindi? Gusto mo sayo ko gawin yun? Kung nakita mo lang ang muka mong pangit habang nakaratay ka sa ospital dito sa school nakuu! Sayang at di ko na post sa instagram,"may halong pang aasar na sabi ko na tinawanan nya lang.

"Oo na." Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang 1st class. Magkatabi lang kasi ang room namin sa 1st class. 

Natapos ang klase,"Demonyyyooo,"problema nanaman ni Higad prinoproblema ko pa nga lang si Nicholas nakikisama pa sya.

"Anong problema mong higad ka?,"tanong ko sa kanya.

"Bat ba ang sungit sungit mo lagi sa akin tapos ambait bait mo naman kay Ariah?,"nakapout na wika nya,taena may higad palang nagmunukha ding pato?.

"Ano bang kailangan mo?,"tanong ko nalang at hindi pinansin ang pagtatampo nya hindi naman sya kagandahan para magpacute.

"Hmn hindi mo pa ba alam?,"gagiks ano ba ang alam ko?may dapat ba akong malaman,"nagreklamo yung parents ni Cristina sa ginawa mo kay Miss Crimson hindi nila alam kong ano ang magiging parusa para sa iyo."

"Heto na nga ba ang sinasabi ko,"bulong ko nalang talaga,minsan aamin ko hindi ko makontrol ang sarili ko.

"Napagdesisyunan nila na ikick out ka sa school,"saad ni Higad,paano na ito?siguradong ipapatawag nanaman si dad dito sa school,"pero sinalu ni Superior ang kasalanan mo."

Ano?si Nicholas?bakit?,"huh anong ibig mong sabihin?,"tanong ko.

"Ayon sa pagkakaalam ko,sinisi ni Nicholas ang sarili nya because he was the superior of this school pero hindi ka nadisiplena ng maayos kaya hindi mo alam ang rules dito sa school,"taena ano bang problema ni Nicholas bakit nya laging sinasalo ang kasalanan ko,"buti nalang suspention lang ang parusa ni Nicholas hindi kick out tutulong daw din kasi si Miss Crimson na ipagamot si Cristina."

"Nasaan si Nicholas?,"tanong ko sa kanya.

"I think nasa office ni Miss Crimson nag-uusap sila dun,"hindi na ako nagsayang ng oras pumunta agad ako roon at hinintay si Nicholas sa labas ng office ni Miss Crimson.

Bumukas ang pintuan,iniluwa nito si Nicholas,"bakit mo ginawa yun?,"agarang tanong ko sa kanya,tinitigan nya lang ako tyaka bumuntong hininga sya.

"Bumalik kana sa klase mo,"lalagpasan na sana nya ako kasu hinila ko yung braso nya,"let me go Hell hindi nakakatulong ang pagiging pasaway mo go back to your classroom."

"Bakit?sagutin mo ako bakit?,"tanong ko sa kanya.Naiinis ako kay Nicholas bakit ganito sya umakto?bakit?.

"Cause I cared for you masaya kana?,"walang pag-alinlangang sagot nya sa akin,"now go back to your classroom at mag-aral ka."

Nauna na syang umalis napaupo naman ako sa sahig,"tama si Nicholas Miss Gleaned go back to your classroom do not worry hindi ito malalaman ng dad mo."

"Hiniling din ba yan ni Nicholas?,"tanong ko sa kanya hindi sya sumagot,kaya alam kong oo.

He was really pain in my ass hindi ko alam kong anong iniisip nya kasi kahit kailan hindi ko sya kayang intindihin.

Wala akong ganang pumasok pero pinilit ko parin,wala akong ganang magtest, wala akong ganang makipagusap, wala akong ganang makinig parang wala na din akong ganang mabuhay charrr.

That Badass Girl Married The Innocent Guy(Complete)  Where stories live. Discover now