Kabanata 25

615 22 0
                                    

Hell POV

One year past,isang taon na ang relasyon namin ni Nicholas,hindi naman sa amin mawawala ang away at selosan pero naaayus din naman namin agad.

Kapag lalabas kami talagang sinusulit na naman dahil busy kami minsan sa trabaho.

Sa Canada parin sya pumunta minsan nga pinag-awayan namin yun,tinanong ko sa kanya kung bakit hindi nalang kaya sya magpatayo ng business dito sa Philippines para hindi na sya bumalik pa doon.

Pero ang sagot nya kung magpapatayo sya rito ay baka malugi din agad ang kompanya dahil hindi afford ng mga pilipino ang mga device na ginagawa ng team nya.

Pinagalitan ko sya dahil sa sinabi nyang yun huwag nya dapat maliitin ang mga Pilipino dahil kaya naman nating bilhin lahat basta pagsikapan lang natin.

Akala ko nga ako na ang magpapakumbaba pero sa huli sya din ang nagsorry.

Sabi nya balak nyang magpatayo ng village at paaralan para sa mga pamilyang nasa lansangan.

Next year siguro ay ipapatayo na ito nakikipagcoordinate na kasi sya sa isang kilala nyang engineer.

Mas lalo kong minahal si Nicholas dahil sa ugali nyang yun,and I'm happy to meet a guy like him.

Ngayon ngayon lang nakatanggap ako ng text galing sa kanya na nag-yayang mag date.

Kaya nandito ako sa kwarto ko naghahanap ng maisusuot.Yung pulang dress ang napili ko.

Pagkatapos kong isuot ang dress ay naglagay din ako ng make up,simple lang ito kunting pulbo at lipstick okay na.

Ngayon hinihintay ko si Nicholas dito sa sala,napangiti ako ng may narinig akong busina ng sasakyan.

Agad agad akong lumabas ng bahay sa pag-aakalang sya pero labis ang pagkadismaya ko ng hindi sya ang nakita ko,"hello po ma'am ako po si Copper ang personal assistant ni Mr.Crawford ako po ang nautusang sunduin kayo ngayon."

Tinitigan ko ang lalaki para syang hindi Pilipino pero ang galing nyang magtagalog ah,"sige,"binuksan nya ang pintuan ng sasakyan na dala dala nya,"nasaan ba si Nicholas?."

"Malalaman nyo din po kung nakarating na tayo sa destinasyon natin,"kahit pipilitin ko sya na malaman kung nasaan si Nicholas alam kong wala syang balak na sabihin sa akin.

Hindi ko masyadong makita ang daan kung saan kami pupunta dahil walang ilaw ang paligid maliban sa ilaw ng sasakyan.

Nanatili na lamang akong tahimik at hindi na nagsalita pa.

Ilang oras pa,tumigil yung sasakyan sa madili na parte parin,bumaba si Copper at umikot para buksan at katapat kong sasakyan.

Pag-bukas na pag-bukas ng sasakyan nakita ko ang maliliit na kandila na syang nagbibigay liwanag sa isang daan.

"Sundan mo nalamang ang mga kandilang yan Miss Gleaned,"bumaba ako sa sasakyan,nag-alinlangan ako noong una pero binaliwala ko nalang yun.

Sinundan ko ang kandila pagtapak ko sa tiles na may kandila sa magkabilang side nito ay bigla itong umilaw,nagstep pa ako ng isang beses muling umilaw ang tiles.

Binilisan ko na ang paglakad,palaki na rin ng palaki ang kandila may mga petals narin na nagkalat sa tiles na inaapakan ko.

Napansin ko na pupunta ako sa maliwanag na parte kaya nagtuloytuloy na ako hanggang sa makita ko na ang dulo.

Yung puno ng mangga na may lamesa na na nakakapit misimo sa puno at yung mga dahon nito ang nagsilbing silungan,may mga nakasabit ding mga lollipop sa mangga pero ang talagang nakapagpagulat sa akin ay yung malaking lollipop.

Kasing laki siguro ito ng isang matangkad na puno punong niyos.

Maya maya nakita ko na si Nicholas nakatayo sya habang nakangiti,"suprise,"saad nya ng makalapit sya sa puwesto ko.

"Nag-effort ka pa para sa date natin,"alam nya naman na ayoko sa masyadong maeffort mas gusto ko yung simple basta kasama sya.

"This is not a simple date baby,"bulong nya sa taynga ko tyaka hinalikan ang dulo,nakiliti naman ako sa ginawa nya.

Kinuha nya ang kamay ko tyaka hinila ako papunta sa lamesa,pinaupo nya ako roon,"ikaw pala ang nakabili ng lugar na ito."

"Yes,dahil gusto kong may play ground someday ang future childrens natin,"bat biglang uminit ang paligid?oh yung mukha ko lang talaga ang mainit.

"Iwan ko sayo,"napatawa naman sya,may mga tao na pumunta sa puwesto namin para magserve ng pagkain at umalis din naman agad.

We started to eat silently dahil ayaw na ayaw ni Nicholas na habang kumakain kami ay nag-uusap kami baka daw matagalan kami bago matapos kumain.

Nang matapos naming kumain kinuha nung mga pumunta kanina sa puwesto namin yung mga pinagkain.

"Can I have this dance,"inilahad ni Nicholas ang isang palad nya ng may tumugtog na musika.

Ngumiti ako at iniabot ang kamay ko,napangiti naman syang kinuha ito tyaka inalalayan akong tumayo.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya at sya naman sa magkabilang baywang ko,"I'm happy that I meet you Zhian,"saad ni Nicholas.

"Me too NNZ,"nakangiting sagot ko sa kanya.

Kasabay ng pagtugtug at galaw naming dalawa binitiwan nya ang baywang ko,"madami na tayong naranasan na yung tipong gustong gusto na tayong paghiwalayin ng tadhana pero sa bandhang huli puso parin natin ang sinunud nating dalawa."

Medyo hindi ko magets kong bakit nagkakaganito bigla si Nicholas,"no matter what happened ikaw parin ang baby ko magpakailan man,kaya naman,"lumuhod sya sa harap ko,may kinuha syang bagay sa bulsa nya.

Isang maliit na box iyon at pagbukas nya isang diamond ring na parang lollipop lang ang design ang tumambad sa akin,gusto kong maiyak,"will you marry me Hellzhian Demonis Gleaned?will you be Mrs.Nicholas Noah Zekiel Crawford?."

"Can you stay besides me forever hanggang sa kamatayan ay sasamahan ako?,"parang namental block na ako,"ayoko ng patagalin pa ang lahat kasi natatakot ako na baka kapag pinatagal ko pa baka mawala ka na sa akin."

"Yes,yes I will marry you Nicholas,"saad ko sa kanya habang nalukuha pa,"I will stay besides you kahit hanggang sa hukay mo hindi kita iiwan."

Ngumiti sya tyaka kinuha ang singsing sa box at inilagay iyon sa daliri ko.

Tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit and I hug him back.

That Badass Girl Married The Innocent Guy(Complete)  Where stories live. Discover now