Kabanata 06

746 34 0
                                    

Hell Pov

Matapos kong kumain ay pumunta na ako sa first call ko kasama ko ngayon yung prof na magtuturo na sa classroom kung saan ako papasok.

Pinahintay muna ako ng prof sa labas, maya maya pa ay sininyasan na nya ako kaya naman pumasok na ako sa klase,"okay Miss Gleaned introduce yourself,"utos ni prof.

Tumikhim muna ako,"hi my name is Hellzhian Demonis Gleaned,"tumingin ako kay prof na parang nagtatanong ang mga mata nya kung yun lang ba ang sasabihin ko at tinaas baba ko ang isang kilay ko.

"Okay Miss Gleaned you can now seat at the vacant seat next to Miss Falcon,"tinitigan ko kung sino yung miss Falcon na tinutukoy ni Prof,ayt wengya kung minamalas ka nga naman katabi ko pa pala si Higad.

"Oyy Hell magkaklase pala tayo tapos magkaseatmate pa hehe,"natutuwang saad ni Higad.

"Ayt hindi nandito lang ako para mamasyal,"pang-aasar na saad ko sa kanya.

"Napakademonyo talaga ng ugali mo kaya siguro demonis,"ika nya ngumisi naman ako at kinindatan sya.

"Kalma ka lang higad may idedemonyo pa yan,"sarkastikang wika ko at umupo na sa bakanteng upuan.

"Prepare you pens and I don't want to see any thing aside from it. Now, get one and pass." Nagtatakang nagpalingon lingon ako sa paligid.

Anong gagawin?wag nyong sabihing may test pala? Puchaness naman oh! Kapapasok ko pa nga lang eh, makaka itlog pa ata ako.

Nang mabigyan na ako ng papel ay talaga namang feel kong ipataga ang ulo ko sa martilyo ba yun o palakol? Basta! Yung weapon ni Thor!

Mga limang minuto narin ang nakakalipas at wala pa akong sagot tanging pangalan ko palang ang naisusulat ko taena ang lupit naman ng school na ito.

Nagulat ang lahat nang biglang pabalibag na nabukas ang pinto at bumungad saamin ang maaangas na pagmumuka nila.

"Oyy! Namiss nyo ba ako?" Pambasag ko ng katahimikan pero mas nakikipagtropa ata ako kay kamatayan. Sumama naman ang tingin nila na para bang nahanap nila ang pakay nila.

"We are just here for a caution." Pagpapaalala ni lipstick pero more like, nang aasar sya.

Ngumisi naman ako,"buti napadaan ka, lipstick, balita ko kasi, pinapatapon daw sa africa yung mga anne curtis wanna be eh,"pang aasar ko pa na ikinalaki ng mata nya. Masyado ata syang nainis kaya humakbang sya palapit sa akin para sugudin ako pero napigilan sya ng babaeng mukhang seryoso sa buhay.

"Hindi ito oras ng biruan, Hellzhian." Sabi ng lalaking may salamin. Letche. Di ko alam name nila pero sila alam ang pangalan ko? Tsk. Famous ma kasi ako eh. Umaabot na nga ng 5 likes ang mga posts ko sa FB kumpara noon na zero balance talaga.

Ngumiti ako ng mapang asar. "Talagang hindi ito oras ng biruan, Mr. Harry Potter wannabe. Oras na kasi para magtest na kami at mag iisip pa ako ng sagot sa number 1. At isa pa, oras na ngayon para umalis kayo." Seryosong sabi ko. Actually, mas namomroblema ako sa exam. Mukang magmimini-mayni-mo ata ako.

Wala namang reaksyon ang mga lalaki maliban kay lipstick at higad. Yung referee naman o yung babaeng pumigil kay lipstick na jombagin ako ay napangisi sya.

Nahagip ng mata ko yung lalaking nambwisit kanina sa akin sa cafeteria  na nakatingin saakin na parang pinipigilan akong lumaban pa pero kinindatan ko lang sya, tanda ng assurance na ayos lang ako.

"Wag mong sabihing di ka namin binalaan, Hellzhian." Sabi naman ng lalaking mukhang seryoso pero matalino? Intuition ko lang yun ah!

"Maghanda ka na,kilalanin mo sana ang mga rerespetuhin mo," sabi pa ng lalaking mukhang walang kwenta. Saan galing yun? Intuition nga sabi.

That Badass Girl Married The Innocent Guy(Complete)  Where stories live. Discover now