Kabanata 14

492 26 0
                                    

Hell Pov

Matapos ang iksenang yun kanina umalis ako sa bahay at pumunta sa isang lugar.

Nandito ako ngayon sa paborito naming lugar ni NNZ it's been a years pero hindi parin nagpaparamdam si NNZ I miss him so much.

I know I'm too young to fall inlove but anong magagawa ako, I promise to him when we grow up I'm gonna marry him.

Pero dahil kay Dad ibang lalaki ang pinakasalan ko.

"I'm still waiting NNZ, and I will not love any man except you,"bulong ko sa hangin.

Hinayaan kong ilipad ng hangin ang buhok ko.I'm 13 years old ng mameet ko si NNZ

Flashback

"Young Lady, hindi po kayo pwedeng maglakad pauwi ng magisa. Baka po may magtangkang pagtripan kayo sa daan" sabi ng driver kong si Manong Carding.

"I told you! I can handle myself on my own way! Stop treating me like a little girl. Duh! I'm not stupid girl na hindi kayang ipagtanggol ang sarili" sabi ko sa kanya habang naglalakad at sinusundan n'ya parin ako.

"Pero. Young Lady-" putol na sabi n'ya dahil nagsalita agad ako.

"Just stop and do not follow me okay?,"sabi ko.

"Per-" hindi niya na natapos ang pagsasalita ng tinitigan ko sya ng masama, "O-okay young lady" sabi n'ya.

"Umuwi kana lang sa mansion at sabihin mo kay dad na gusto kung maglakad kaya hindi mo ako kasama" sabi ko at tumakbo na palayo sa kanya.

Wooo! Ang galing ko pala manakot.

Kaya takot syang iwan akong magisa dahil hindi pa ako marunong makipag laban but to be honest I secretly learning taekwondo and boxing

Oh my god! Parang ang tahimik na dito sa dinadaanan ko at madilim na rin.

May nakita akong dalawang lalaki.

"Bro. Ang ganda oh. Mukhang galing sa mayamang school" rinig kong sabi nong isa. Fuck! Ang chachaka ng mga mukha!

"Oo nga eh, malapitan nga" sabi nong isa. Oh lord! Ano ang gagawin ko?

"Miss gusto mong sumama samin? masaya doon sa pupuntahan namin" sabi nong isang lalaki at nakasmirk pa. Grabe ha! Feel na feel ha! Ang chaka mo!

"No thanks. I don't want to be with your ugly face" I said then inirapan sila at naglakad na ako.

"Teka lang. Wag ka munang umalis. Magpapakasaya muna tayo" sabay hawak nong lalaki sa braso ko.

"Don't touch me!" sigaw ko at sabay tanggal ko ng kamay n'ya sa'kin. Yuck!

"Yan ang gusto ko eh. Palaban. Hahahaha!" sabay na tawa ng mga chaka.

"Halika na" sabay hila sa'kin nong dalawang lalaki pero palag parin ako ng palag.

"Brad ayaw nong babae na sumama sa inyo oh. Bingi ba kayo?" sabi ng misteryosong lalaking kaidad ko lang at nakahawak sa braso nong isang chaka.

"Teka. Sino ka ba?wag kang makialam dito kung ayaw mong mabogbog" sabi nong chakang lalaki.

Tumawa lang ng bahagya yong misteryoso at biglang sinapak yong chakang lalaki. Sinugod nong isang chaka si misteryoso pero napigilan ito. Sinuntok nya yong chakang lalaking nang biglang tumayo naman yong isa. Wow ha! Tatag ni chaka. Tinadyakan ni misteryoso yong chakang guy at biglang tumakbo na silang dalawa. Hahaha! Ano kayo ngayon? Wala pala kayo ei! Mga duwag!

"Wag kang maglalakad ng magisa" sabi nong mysterious guy at umalis na, pero maya maya pa ay naglakad sya pabalik sa gawi ko at hinila ako papunta kung saan.

"Saan mo ako dadalhin?,"tanong ko sa kanya.

"Somewhere na safe ka,"he said,pumasok kami sa isang iskinita safe ba ako rito? Tanong ko sa isip ko.

Isang liwanag ang nakita ko kaya nag-tuloy tuloy na kami roon paglagpas namin ng madilim na bahagi may punong mangga akong nakita.

May mga bulaklak na ito kaya sigurado akong malapit na itong mamunga.

Binitiwan ng lalaki ang kamay ko tyaka nagtuloy-tuloy sa punong mangga at humiga roon,"you should not walk alone in this hours,"maya maya ay saad nya.

Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa tabi nya,maya maya pa ay kinalutkot nya ang bulsa nya,inilabas nya roon ang dalawang lollipop ibinigay nya sa akin ang isa.

"Ano ang pangalan mo?,"tanong ko sa kanya.

"It's too long so you can call me NNZ how about you what's your name?,"he asked.

"Call me Zhian,"nakangiting saad ko tumango naman sya.

Nag-stay lang kami saglit doon,"saan ka nakatira at ihahatid na kita,"agad ko namang sinabi kung saan kami nakatira.

"Pumasok ka muna I want you to meet my parents,"saad ko ng makarating kami sa tapat ng bahay.

"No, but thank you it's already late baka nag-aalala na ang parents ko,"sabi nya at tuluyan ng nag-paalam

Sa mga sumunod na araw lagi na akong nandun sa tambayan nya ang luckily lagi ko syang naabutan.

We become friends

Pero ilang buwan lang, tuluyan na syang nagpaalam,"I'm going back to Canada Zhian,"sabi nya.

"Pero bakit?,"nalungkot na tanong ko.

"Because I live there,"Akala ko pa naman dito na talaga sya maglalagi,"but don't worry when I grow up bibisitahin kita."

Hindi naman ganun ka lungkot ng umalis sya,dahil sa huling araw namin we are both happy.

Ngunit sa huling araw hindi ko nasabi sa kanya na may gusto ako sa kanya,pero pagdating ng araw masasabi ko rin  at sa tamang araw magkikita din kami. At nangako ako sa sarili ko na sya lang ang pakakasalan ko.

End of Flashback

Nakakatampo minsan si NNZ hindi na nya ako sinulatan pa tulad ng pangako nya noon.

Alam kong masyado akong na-eexpect sa wala pero wala akong magagawa siguro masyado akong disperada sa paningin ng iba.

Napatitig lang ako sa kawalan,"nasan ka na ba NNZ?sabihin mo nageexpect nga ba talaga ako sa wala?,"bulong ko sa hangin.

Hindi ko maiwasang mapaisip, pano pala kung may-asawa na sya o di kayay girlfriend?pano pala kung nasa Pilipinas lang sya pero nakalimutan nya ang pangako nya.

oh di kaya ay.... Hindi naman siguro mangyayari yun kay NNZ,gustong gusto ko na ngang ipahanap sya pero hindi ko naman alam kong ano talaga ang pangalan nya.

Alam kong napapansin nyo na lagi kong bukambibig si NNZ pero wala akong magagawa.

"Hell ang lalim ng iniisip mo ah,"napalingon ako sa nagsalita at nanlaki ang magkabilang mata ko.

That Badass Girl Married The Innocent Guy(Complete)  Där berättelser lever. Upptäck nu