Kabanata 22

512 20 0
                                    

Hell POV

"Dad,aalis na ako,"paalam ko kay Dad na nasa sala ngayon ng bahay, kumaway naman sya bilang sagot.

Pagkalabas ko ng bahay naabutan ko si Manong Kris na naghihintay sa akin,"manong Kris huwag mo nalang akong ihatid,umuwi ka muna sa inyo at alagaan ang anak mong may sakit,"narinig ko kasi kanina si Manong Kris na kausap ang anak nya sa telepono.

"Pero Ma'am,"inilabas ko ang isang brown envelope na nasa bag ko tyaka iniabot kay Mang Kris, tinitigan naman nya ito,"ano po iyan maam?."

"Sweldo mo ngayong buwan manong Kris, dinagdagan ko narin para pambili mo ng gamot at pagkain nyo,"nakangiti ako kay Mang Kris matagal ng nagtratrabaho sa akin si Mang Kris kaya tiwalang tiwala ako sa kanya,"gamitin mo narin yung sasakyang ginagamit mo para hindi mo na mabawasan itong pera."

"Pero ma'am hindi ko po matatanggap yan,"pagtatanggi ni Mang Kris,kinuha ko parin ang kamay nya at ibinigay ang envelope.

"Parang pamilya na rin kita mang Kris kaya tanggapin muna huwag kang mag-aalala may babalik ka ritong trabaho Manong Kris,"saad ko, minsan natatakot ang ibang manggagawa na tulad ni Mang Kris na iwanan ang trabaho nila para sa pamilya nila dahil baka wala na silang balikan pa.

"Maraming salamat ma'am hindi ko po ito makakalimutan,"naiiyak na saad ni Man Kris tinapik ko lang ang balikat nya tyaka sumakay na sa sasakyan na gagamitin ko papunta sa opisina.

Nandito na ako sa office  ngayon nagbabasa ng mga papeles na kabibigay lang ng secretary ko

Pinatunog ko ang balikat ko dahil nangangalay na ang mga ito kayuyuko,"dapat na nga siguro akong magpahinga muna,"saad ko sa sarili ko.

Pero may iba pa akong nararamdam kanina pa ako kinakabahan pero hindi ko naman alam kung bakit, maya maya pa ay may kumatok sa pinto ng office ko, na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko,"come in,"tumingin ako sa pintuan ng bumukas ito at pumasok ang secretary ko,"may problema ba?."

Umiling sya,"ma'am my bisita po kayo,"kumunot ang noo ko wala naman akong inaasahang bisita ngayon,"nasa lobby po sya ng kompanya at nagkakagulo ang mga ilang kababaihang empleyado mo Ma'am."

"Bakit artistahan bayun para pagkaguluhan?,"tanong ko,napansin kong kinilig naman ang secretary ko.

"Aba opo Ma'am,"wala na akong nagawa kundi tumayo at pumunta sa lobby,"nasaan ba ang tinutukoy mo?,"tanong ko sa nakasunod na secretary ko.

"Ayun po ma'am,"itinuro nya ang lugar kung nasaan yung bisita,parang tumigil ang pag-ikot ng orasan matapos kong mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng secretary its no other than Nicholas he was standing there beside of the sofa,while smiling at me?.

Kumabog ng subrang bilis ang puso ko,mas lalo pa itong bumilis ng lumapit sya sa puwesto ko,"Hello Hell,"pagbati nya sa akin.

"He-hello wha-what do-do you want?,"tanong ko na may pagkautal shit huwag ngayon Hell please nanginginig din ang dalawang tuhod ko.

"Can we talk?,"seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa akin kaya naman napalunok ako.

"Su-sure let's ta-talk pero hin-di dito,"gusto ko nalang pumikit tapos pagmulat ko wala na sya sa harap ko.

Ano kaba Hell parang gusto mo lang syang takbuhan ulit diba dapat maging matatag ka at humingi ka ng tawag sa kanya.

"Follow me,"gusto kong sabunatan ang sarili ko pagkatalikod ko sa kanya,tahimik akong napabuntong hininga bago ako naglakad papunta sa office ko.

Pagkarating ko roon napasighab ako ng bigla nya akong yakapin mula sa likuran,"Ni-nicholas a-anong ginagawa mo?,"halata sa boses ko ang pagkagulat.

"Nothing I just miss you,"saad nya,hindi ko sya maintindihan,maya maya pa ay isinandal na nya ako sa pader kaya nanlaki na talaga ang dalawang mata ko,"I miss you very much Zhian."

Zhian?he remember my name?

Gusto kong maiyak dahil masaya ako dahil naalala nya yung tawag nya sa akin.

Nagpigil ako ng hininga nung unti unti nyang inilapit ang labi nya hanggang sa magtagpo na nga ang mga labi namin.

Pero naalala kong may fiancee na si Nicholas kaya agad ko syang itunulak palayo sa akin,"umalis kana Nicholas,"ayokong maging third party sa kanilang dalawa.

"Zhian let me explain please,"may pagmamakaawa sa boses nya pero umiling ako.

"Just get out please ako na ang nagmamakaawa sayo umalis kana,"inituro ko pa ang pintuan ng office ko,"at please kalimutan mo nalang ako,"dahil ikakasal ka naman na gusto kong isama yung mga salitang yun pero mas minabuti ko nalang na sarilinin nalang.

Napatawa naman ng mahina pero nasasaktan si Nicholas,"hindi ka ba talaga interesadong makinig sa paliwanag ko?sabagay hindi ka naman talaga marunong makinig,"sinampal ko sya dahil sa sinabi nya,"hindi mo ako minahal bilang ako dahil ang batang NNZ na nakilala mo ang minahal mo hindi ba Hell?pero matagal ng patay ang batang minahal mo noon,hindi kita maintindihan hindi ko alam kong bakit sa lahat ng babaeng nakilala ko ikaw pa yung minahal ko na hindi kayang makaramdam, nung una hindi ka man lang nakinig sa paliwanag ko at ngayon uulitin mo nanaman,ano pa ba ang kailangan kong gawin para makinig ka man lang?aalis ako tilud ng sinabi mo at hindi na ako babalik pa para habulin ang taong tulad mo kasi kahit anong gawin ko hindi mo ako matatanggap bilang ako hinahanap mo parin kasi ang batang nakilala mo ilang taon na ang kakalipas."

Nasasaktan din ako Nicholas may feelings din naman ako hindi ako bato para hindi makaramdam.

Huwag mo namang ipamukha sa akin na ang sama kong tao,"I hope hindi na tayo magkikita pa dahil kapag nagkita tayong muli magiging estranghero ka nalang sa buhay ko."

Yun ang huling sinabi nya bago sya tuluyang umalis binalibag pa nya ang pintuan ng opisina ko.

Naiwan akong tulala,umiiyak at napaupo sa sahig ano bang mali sa sinabi ko?ano bang mali sa ginawa ko?ano bang mali pwede bang may mag sabi sa akin kung ano ang mali sa akin?.

That Badass Girl Married The Innocent Guy(Complete)  Where stories live. Discover now