Panimula

25 5 1
                                    

Apat na ispiritu ang humarap sa tanggapan ng langit.

“Hmm, kayo na naman? Alam ba ninyong ang pauli-ulit na pagbabalik ninyo rito ang siyang magpapahamak sa inyo? Hindi ba kayo napapagod? Hangga't hindi ninyo nagagawang magpakabuti at ayusin ang buhay ninyo, hindi kayo makakapasok sa langit.”

“Sorry po.” Iyan lang ang tanging naisagot ng apat sa anghel na nag-iingat ng Talaan.

Binuksan ng taga-ingat ang isang malaking gintong libro at binasa ang nasusulat sa aklan. “Kayong apat ay muling ipapanganak sa ibang panahon. Makakalimutan ninyo ang lahat ng nangyari sa inyong nakaraang buhay. Sa muli ninyong pagsilang, nawa'y makita na ninyo ang tamang daan. Binibigyan kayo ng bagong pagkakataon.”

Malapad na ngiti ang nabakas sa mukha ng apat. Mga ngiting may iba't ibang kahulugan. Para sa kanila, ang ibinigay na bagong buhay ay isang bagong pagkakataon para makita ang liwanag.

“Pumasok na kayo sa pinto at harapin ang bagong buhay. Hangad ko ang inyong kabutihan.” Itinuro ng anghel ang kani-kaniyang pinto na kanilang papasukin.

Sa pagbukas ng pintong iyon, isang bagong buhay ang naghihintay para sa kanila.

TorchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon