Chapter 6

55.2K 1.4K 142
                                    

Theres

Napabangon ako sa kalagitnaan ng aking tulog dahil nakaramdam ng pagkaihi. Kinikisap ko ang mata ng
pumasok ako sa loob ng banyo at ginawa ang dapat kong gawin. Naghugas ako ng kamay bago lumabas at mahihiga na sana kaso nakaramdam muli ako ng pagka-uhaw kaya lumabas ako ng aking silid at tinungo ang kusina. Kumuha ako ng tubig at nagsalin sa baso pagkatapos ay ininom ko iyon. Nakadalawang baso din ako sa sobrang pagka-uhaw ko. Hinugasan ko muna ang baso bago bumalik sakin silid. Pero napatigil ako ng makarinig ng galabog sa labas ng kusina. Naalerto ako at biglang kinabahan baka pinasok ang mansyon ng masasamang loob. Kahit takot ang nangibabaw sakin ay lumabas ako ng kusina ng walang ingay. Tinungo ko ang pinanggalingan ng ingay at dinala ako sa pinakasala. Doon ay kitang kita ko si Maam Rica at kasama niyang lalaki na naghahalikan na kinatigil at tago ko sa pader. Aalis sana ako kaso narinig ko ang ungol ni Maam Rica na kinatingin ko muli sa kanila at ganun nalang ang panlalaki ng aking mga mata ng makitang hinahalikan nung lalaki ang dalawang dibdib ni Maam Rica na wala nang saplot pati iyong lalaki ay hubad baro din. Pigil ang ungol ni Maam Rica na nakahiga sa upuan habang ang lalaki naman ay nakangisi at abala sa katawan ni Maam Rica. Napakurap pa ako ng ilang beses ng bumaba pa muli ang mukha nung lalaki sa gitnang hita ni Maam Rica at doon na sana ako aalis ng may isang kamay naman ang tumakip sakin bibig sabay hapit nito sakin beywang na kinapiglas ko at takot ang lumukob sakin katawan.

"Ahm!" Pilit akong kumakalas sa yapos ng taong ito na dinala ako sa isang silid na para sa mga bisita. Bigla ako nito isinandal sa pinto na kinagulat at bilis ng tibok ng dibdib ko sa taong kaharap ko. Napakurap ako ng ilang beses dahil sobrang lapit ng kanyang mukha sakin at nadadama ko na ang mainit niyang hininga na tumatama sakin mukha at nagbigay kilabot sakin. "S-sir Randolph.." Naisatinig ko habang magkasalubong ang kanyang mga kilay at hawak parin niya ako sakin beywang habang ang isa niyang kamay ay nakasandal sakin uluhan.

"Anong ginagawa mo doon? Naninilip ka ba—"

"Hindi po!" Agad kong tanggi na kinataas ng boses ko at taas ng kanyang kilay. Agad naman akong humingi ng paumanhin. "Sorry po, Sir Randolph." Hindi siya nagsalita pero titig na titig sakin at nagpapahiwatig na magpatuloy ako. Lihim akong napahinga at nagpatuloy kahit pa sobrang kabog ng dibdib sa kaba at takot sa presensya niya. "Nauuhaw po kasi ako kaya lumabas ako at uminom ng tubig. Babalik na sana ako sakin silid ng makarinig ng galabog sa labas. Sa takot ko at kuryusidad na baka pinasok ang bahay ng mga magnanakaw ay lumabas ako at alamin iyon pero—" Napatigil ako at hindi masabi ang nakita kong tagpo.

"Pero ibang magnanakaw ang nakita mo?" Natigilan ako sa pahayag niya at hindi makuha ang ibig niyang sabihin pero ng pumasok sa isip ko ang eksenang iyon ay pinamulahan ako at lalo akong napapitlag ng lumapit pa ang mukha niya sakin. Pigil ang hininga ko at sobrang kabog ng dibdib. Hindi ako makaalis dahil nakakulong ako sa malapad niyang katawan. Kinakabahan din ako sa matiim niyang mga tingin sakin. "Gusto mo bang isample ko sayo ang nakita mo kanina, Hmm?" Agad akong umiling iling sa kanya. Alam ko ang ibig niyang sabihin at sa isipin iyon ay kinikilabutan ako lalo pa't siya ang nagsabi nun. Wala man akong alam sa mga ganoong bagay pero alam kong mali iyon.

"A-ayoko ko po." Nanginginig din pati boses ko sa kaba dahil sa presensya niya. Gusto ko nang umalis sa harap niya at tumakbo sakin silid. Mahiga at muling matulog ng mahimbing. Ayokong makita ang mga mata niyang kakaiba ang titig sakin.

"Kung sabihin kong gagawin ko pipigilan mo ba ako? Paos at malalim niyang boses at ang kanyang mga mata ay dumako sakin bibig na nakaawang sa kanyang sinabi.

"O-oo, dahil mali po iyon—"

"Walang mali kung ako ang kasama mo." Binulong niya iyon sakin tenga kasabay ng mabilis niyang pag-angkin sa bibig ko na kinalaki ng mga mata ko. Nakaawang sa gulat ang bibig ko kaya agad nakapasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig at mas lalo niya akong hinapit na nagbigay kuryente sa buo kong kalamnan ng magdaiti ang aming katawan. Nagpumiglas ako at pilit iniiwas ang mukha pero lalo lang niya akong dinidiin sa pader at masyado siyang malakas kumpara sakin. Pati ang pagpalo ng aking mga kamay ay wala din silbi. Napaungol ako bigla ng mariin niyang sinipsip ang dila ko. Sa ginawa niya ay pinangapusan ako ng hangin. Doon ay pilit na akong kumawala sa kanya at nagpasalamat akong bumitaw siya. Habol ang aking hininga ng pakawalan niya habang siya ay nakatunghay sakin at may ngisi sa kanyang labi. Kung bibitawan niya ang beywang ko ay tiyak akong bibigay ang katawan ko pabagsak sa sahig.

Ilang minuto kami sa ganoon at nasa tama na ang paghinga ko ng bigla na naman niya akong binuhat na kinahiyaw ko sa gulat.

"Relax, Babe." Nakangising tunghay niya habang todo kapit ako sa balikat niya at mas lalo akong kinilabutan sa ayos namin dalawa.

"I-ibaba niyo na po ako, Sir Randolph!" Lumapad ang kanyang ngisi ng bigla niya akong ninakawan ng halik na hindi ko nakita. Natigilan ako sa pilit kong pagpumiglas na makababa dahil sa himig niyang pagbabanta.

"Huwag kang malikot baka mademonyo ako at hindi na ibalik sa silid mo at pagsisihan mong ginising ng tuluyan ang pagnanasa ko kaya huwag kang gumalaw naiintindihan mo?" Seryoso at puno ng diin niyang utos sakin na agad kong kinatahimik kahit hindi ko maintindihan ang kanyang ibig sabihin pero nagbigay kilabot iyon sa katawan ko. Na para bang gagawin niya talaga ang sinabi kung patuloy akong magpumiglas. Naiilang na kasi ako sa ayos namin ito na sobrang dikit ng aming katawan at ramdam ko ang init doon lalo na sa kanya.

Tahimik lang akong nakamasid sa kanya habang lumalakad siya at pangko niya ako patungo sa aking silid. Malaki ang pasasalamat kong tulog na ang lahat maliban samin dahil kung nagkataon na may makakita sa amin sa ganitong sitwasyon ay tiyak akong mamamatay ako sa sobrang hiya at sigurado din ang maraming katanungan. Galit din tiyak ang aabutin ko kapag nakita ito ng kanyang magulang at lalo na si Maam Rica. Kahit ako ay gusto nadin magalit kay Sir Randolph dahil unang una ay ninakaw ba naman niya ang una kong halik. Makailang ulit pa niya akong hinalikan at hindi tama iyon. Mali ang ginawa niyang paghalik sakin. Siya nga ang amo ko pero dapat ay nirespeto niya rin ako. Ano bang dahilan niya bakit niya ako hinalikan? Pero pakiramdam ko ay pamilyar ang kanyang halik? Na para bang kilala siya ng aking katawan pero malabo mangyari iyon dahil ngayon lang naman niya ako hinalikan.

Nang makarating kami sa aking silid ay tinulak niya ang pinto at pumasok. Inihiga niya ako sa higaan ko at bigla niyang inilapit ang mukha kaya agad kong natakpan ang aking bibig na kinangisi niya ng malapad kasabay ng sapilitan niyang kinuha ang kamay ko at dinala iyon sakin uluhan at hinuli din niya ang isa kong kamay na kinalaki ng aking mga mata. Pipiglas sana ako kaso bumaba na ang kanyang bibig at muling inangkin ang labi ko. Nakadagan narin sakin ang kanyang katawan. Umungol ako ng madiin niyang sinipsip ang dila ko at muli na naman bumalik ang kakaibang sensasyon sakin kaibuturan. At iyong pakiramdam na hindi na ito bago sakin at naguguluhan ako sakin sarili dahil parang nagustuhan din ng aking katawan ang kanyang ginagawa.

Narinig ko bigla ang mura ni Sir Randolph at napatigil sa paghalik sakin tsaka siya umalis sakin ibabaw at dumistansya.

"Fuck! Kailangan ko nang umalis baka hindi ako makapagtimpi at tuluyan na kitang pasukin!" Malalim at madiin niyang bigkas bago napatingin sakin na kinakurap ko lamang at iwas ng tingin. Lumapit siya at kinumutan ako na kinapitlag ko sa gulat. "Matulog ka na at huwag lumabas." Utos niya na kinatango ko agad. Gusto ko na kasing lumabas siya at iwan akong mag-isa. Ramdam kong matagal niya akong tinitigan bago ko narinig ang paghinga niya ng malalim at paglakad niya papunta sa pinto. "Goodnight, Babe." Pahayag niya bago sinara ang pinto at nilock. Kasabay ng pagsara ng pinto ay napabangon ako at napasandig sa pader. Napahinga ako ng malalim at kusang napahaplos ang kamay ko sakin labi. Parang nandito pa sakin bibig ang labi ni Sir Randolph at ang mainit niyang katawan na bigla kong kinilabot.

Hindi ko maintindihan ang kanyang ginawa dahil hindi ko naman siya nobyo o asawa at lalong wala kaming relasyon. Hindi niya dapat ako hinalikan dahil mali iyon. Pero aaminin kong may parte sakin na gusto ang kanyang ginawa. Aaminin ko din na may paghanga ako kay Sir Randolph at gusto siya pero sa pangarap lamang iyon. Hindi kami bagay sa isa't isa lalo na at amo ko siya at katulong niya lamang ako.

Pero masaya na akong mahalikan niya at madama ang kanyang bibig na kay lambot at init.

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Possessive Men #:1- Randolph's ObsessionWhere stories live. Discover now