Chapter 9

47.3K 1.2K 79
                                    

Theres

Alam kong kanina pa ako tulala at wala sa sarili habang naglilinis ako dito sa may silid aklatan. Alam ko din na pabalik balik ang ginagawa kong paglinis dito na kahit natapos ko nang linisin ay inuulit ko parin. Paulit ulit na pumapasok sakin ang kanyang sinabi at sariwa pa iyon sakin isip.

___
"P-po!?" Gulat at pagkaawang ng bibig ang rumehistro sakin mukha na mabilis siyang natingnan kaya nagkasalubong ang aming paningin. Kita kong seryoso at walang bahid na kalokohan ang kanyang sinabi. "Pag-aaralin mo po ako?" Napa tsk siya pero maya maya ay ngumiti siya bago tumango sakin.

"Yes. You heard it right. Gusto kong matapos mo ang iyong pag-aaral at makamit ang iyong pangarap." Nagdadalawang isip ako kung totoo ba itong sinasabi niya dahil kung totoo man ito ay sobrang saya ko na makapagpatuloy ng aking pag-aaral. Pero pa'no kung binibiro lang pala niya ako?

Bigla nitong hinawakan ang kamay ko na kinapitlag ko. "I'm serious and not joking you.

Hindi ko alam kung ano ang kapalit ng mga sinasabi niya pero kung kaya ko namang ibigay o kaya ay ibabawas niya sa aking sahod ay tatanggapin ko kung ito na ang pagkakataon kung ibangon ang aking sarili at matupad ang matagal ko nang pangarap.

Napakurap ako bago bumuka ang aking bibig.

"K-kung tatanggapin ko po ay anong kapalit? Pwede din po ba na ibawas nalang sakin sahod?" Muli siyang napangiti sakin.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi ko ibabawas sa sahod mo at tungkol sa una mong tanong ay.." Tumigil siya sa pagsasalita at biglang ngumisi ng malapad na lalong nagbigay kaba at takot sakin. Hindi ko alam pero may kakaiba sa ngisi niya. "Sa tamang oras ko kukunin mula sayo ang kapalit at doon ay maniningil ako."
___

NAPABALIK ako sakin sarili matapos ang eksenang iyon. Pagkatapos niyang sabihin iyon sakin ay binitiwan niya ako at iniwan sa kusina na tulala noon sa kanyang mga sinabi at ang huling binanggit niya ay siyang tumatak at paulit ulit kong inalisa kung ano ang ibig sabihin nun. Pero sumasakit lang ang utak ko pero hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.

Malalim akong napabuntong hininga bago ko na tinapos ang gawain ko. Lumabas nadin ako pagkatapos at dumiretso sa silid ni Ma'am Rica. Nang makarating ako sa kanyang silid ay kumatok ako pero walang tao mula sa loob kaya sinubukan kong buksan ang seradura. Bumukas iyon kaya sumilip muna ako sa loob at kita kong wala ngang tao kaya pumasok nalang ako sa loob. Namamanghang napalibot ang tingin ko sa kabuuan ng silid ni Ma'am Rica. Kulay yellow green at pink ang disenyo ng kanyang silid. Malamig sa mata at hindi boring tingnan. Ang kanyang kama ay mayroong parang kurtina na pareho sa kama ng isang prensesa na mayroong disenyo. Sa ibabaw ng kama ay maraming teddy bears at pulos malalaki na kagaya sa isang bata.

Ngayon lang ako nakapasok sa kanyang silid kaya ingat ako sa aking paglilinis. Pero sa hindi ko sinasadyang galaw ay may natabig akong isang bagay na dahilan ng pagkabasag nun. Napapitlag pa ako sa gulat at mabilis iyon natingnan. Isang kulay pink na picture frame ang nabasag at naroon ang litrato ni Ma'am Rica na suot ang kulay pink din nitong bestida. Kasabay din nun ay ang pagkaramdam ko ng kaba dahil nabasag ko ang kanyang litrato. Lumuhod ako at akma iyon pupulutin ng biglang bumukas ang pinto at ganun nalang ang takot ko ng bumungad sa pinto si Ma'am Rica na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa nabasag na litrato.

Biglang nanlisik ang mga mata nito sakin at mabilis akong sinugod. "How dare you! It's my favorite frame you ruined!" Napadaing ako at hawak sa mga kamay niyang sinasabunutan ang buhok ko. Ramdam ko ang matulis niyang mga kuko na bumaon sakin anit. "You're so stupid! You're so tanga! Do you know how much this frame! Huh!?" Galit nitong sigaw na ngayon ay ngingungudngod ang mukha ko sa nabasag na frame.

Possessive Men #:1- Randolph's ObsessionWhere stories live. Discover now