Chapter 25

37.8K 978 33
                                    

Theres

Malalim akong humugot nang hangin bago pumasok sa loob ng bahay nang buksan ni Randolph ang pinto. Doon ay napatingin sakin sila nanay at tatay na parehong nagulat pagkakita sakin. Mabilis ko silang napuntahan at isa isang niyakap nang mahigpit. Uniiyak na humihingi ako ng patawad sa ginawa kong pag-alis.

"Patawarin niyo po ako nadala lang ako ng emosyon ko.." Sabay silang napailing na parehong umiiyak na din.

"Huwag na na'tin pag-usapan 'yon ang mahalaga ay nandito ka na anak kapiling namin ng iyong ina." Tumango ako kay tatay.

Nang pareho kaming nahimasmasan ay napangiti nalang kami sa isa't isa. Napatikhim ako at bumaling ang tingin kay Randolph na tahimik lamang nakaupo at nakatitig sakin.

"Nagkaayos na ba kayo ni Randolph, anak?" Tumango ako kay nanay.

"Opo at sinabi niyang mahal din niya ako at ganun din ako sa kanya." Nakangiting tumango tango din siya na tumingin pa kay tatay na napangiti lang din.

"Mabuti naman at nagkaayos na kayong dalawa." Sabi ni tatay.

Dito na sa bahay naghapunan si Randolph at inaya siya ni tatay na makipag-inuman na pumayag naman siya habang kami ni nanay ay nanonood ng tv dito sa may sala habang kinukwento ko sa kanya ang pagtira ko doon kila lola Aguida at ate Rina.

"Kinasal kayo ni Randolph, anak?" Biglang tanong ni nanay nang mapansin ang suot kong singsing. Hinaplos ko iyon bago tingnan si nanay.

"H-hindi ko din po alam, nay. Nung paggising ko nun ay suot ko na ito at sabi ni Randolph ay asawa na niya daw ako." Kita kong hindi naman nagalit o tumutol si nanay. Alam din naman niya ang mga damdamin namin.

"Alam kong magiging mabuti kang asawa para sa kanya, anak. Nasa tamang edad na naman kayo kaya dapat lang na sundin niyo naman ang puso niyo." Muli kong niyakap at hinalikan sa pisngi si nanay dahil sa kanyang sinabi na lalong nagpagaan sa dibdib ko. Napakaswerte ko pagdating sa kanila na tinuring akong tunay na anak.

"Nak, pakidala na si Randolph sa silid mo. Naunang nalasing kaysa sakin." Tumayo ako at agad inagapan si tatay sa pag-akbay kay Randolph na lasing na nga.

"Hindi kasi sanay sa iniinom mong tuba, Ben." Si nanay na tumayo na rin at may pag-alala sa mukha nang daluhan kami.

"Nasarapan kaya naparami ang tagay ko." Pagkamot ni tatay sa kanyang ulo. Inakay namin si Randolph sakin silid at hiniga siya doon.

"Ikaw nang bahala sa kanya, anak." Tapik ni tatay sakin balikat na kinatango ko naman.

"Salamat po." Pagkalabas nila nang silid ay binalingan ko naman si Randolph na nakatulog na sa kalasingan. Hinubad ko ang suot niyang sapatos bago isunod ang kanyang t-shirt at kinumutan siya. Naupo ako sa kanyang gilid at hinahaplos ang kanyang noo. Ang himbing na nang tulog niya.

Nahiga ako sa kanyang gilid kaharap siya. Ngayon ay lalo kong napagmasdan ang gwapo niyang mukha at maamo kung tulog siya. Bumigat na rin ang talukap ng mga mata ko at hindi ko namalayan nakatulog ako. Napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman kong may nakadagan sakin at ganun nalang ang paglaki ng mga ko nang makitang sinusubo ni Randolph ang magkabilang dibdib ko.

"R-randolph!." Suway kong sabi pero nginisihan niya lang ako.

"They are already arouse, wife." Nanunuksong sabi niya na tinutudyo iyon ng kanyang bibig na kinakislot ng katawan ko at agad kong natakpan ang bibig sa ungol na lumabas sakin bibig.

Possessive Men #:1- Randolph's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon