Chapter 7

52.5K 1.3K 53
                                    

Theres

Magmula nung hinalikan ako ni Sir Randolph ay ginulo niya ang isip at puso ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko tuwing maalala ko ang tagpong iyon. May halong saya pero takot ang nangingibabaw sakin. Ayokong bigyan iyon ng kahulugan dahil tiyak akong pinagkakatuwaan lang ako ni Sir Randolph. Para bang nilalaruan lang niya ako at alam ko naman na hindi siya papatol sa kagaya kong babae na mahirap lamang at isang katulong. Sino ba naman ako para gugustuhin niya. Ang mainam ko nalang gawin ay umiwas sa kanya para hindi na lumala itong nararamdaman ko. Aaminin kong wala man akong kamuwang sa ganyang bagay ay alam kong kakaiba itong nararamdaman ko kay Sir Randolph na matagal ko nang nililihim na kahit sa aking sarili ay ayokong aminin. Sapagkat mali itong aking nararamdaman. Mali na ako ay magkagusto kay Sir Randolph.

Napabuga ako ng hangin ng biglang may kumalabit sakin. Pagtingin ko ay si Ate Rina na nakatingin sakin habang may ngiti sa kanyang mukha.

"Sinong iniisip mo ha?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.

"Huh?" Muli niya akong kinurot sakin tagiliran.

"Sus! Ikaw talagang bata ka! Siyempre alam ko na kung sino ang iniisip mo kung bakit tulala ka diyan!" Napakurap ako sa kanyang sinabi at ilang minuto ay nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Mabilis naman akong umiling sa kanya.

"Naku! Nagkakamali po kayo ng iniisip, Ate Rina! Hindi ko po siya iniisip—" Napatigil at takip ako ng bibig ng matanto ang aking nasabi. Kasabay nun ay ang malakas na tawa ni Ate Rina na kinipikit ko at alam kong namumula ang mukha ko sa hiya. Sa pagkakataong ito ay mukhang malalaman pa niya ang aking lihim.

"Huling huli na kita, Theres! Kaya wala ka nang may kakaila sakin! Ngayon ay hindi mo na maitatago sakin na may pagtingin ka kay Senyorito Randolph!" Ngayon ang lihim ko ay mayroon nang nakakaalam. Ayoko sanang mangyari iyon pero heto ako at naibulalas iyon. Kahit anong tanggi ko ay tiyak akong sasabunin ako nito ni Ate Rina. Alam ko din na binibigyan na nito ng kahulugan ngayon ang sinabi ko.

Huminga ako ng malalim bago dumilat at umiwas ng tingin sa kanya. Narito kami ngayon sa palengke at bumibili ng mga rekado na kulang sa mansyon. Hindi sana ako isasama ni Ate Rina kaso nagpumilit ako para lang makalayo sa bahay na iyon. Pero ang mas pinakarason ko ay para umiwas sa kanya dahil sa tagpong iyon na pakiramdam ko ay nandito pa ang kanyang labi sakin bibig. Tuwing maiiisip ko ang nangyari kagabi ay nahihiya ako sa sarili ko.

"Huwag na na'tin pag-usapan iyon, Ate. Halika na at marami pa tayong bibilhin!" Nauna na akong maglakad at iniwan siya. Rinig kong muli ang tawa niya habang nakasunod sa akin.

"Okay! Alam ko naman na umiiwas ka!" Napailing nalang ako at hindi na nagsalita pa.

Nang mabili namin lahat ng kailangan ay dumaan muna kami ni Ate Rina sa isang restaurant daw na sinasabi niya. Bibili daw siya ng milk tea dahil gusto niyang uminom nun. Kaya pati ako ay napabili narin. Habang naghihintay ng aming order ay napatingin ako kay Ate na hindi mapakali.

"Ate Rina, saan dito ang banyo?" Mahina kong tanong. Tinuro naman niya sakin kaya tumayo ako at hinanap iyon. Hawak ko ang likod ng palda ko habang lumalakad ng biglang may bumunggo sakin. Sa lakas ng pagkabunggo ay nawalan ako ng balanse at muntik nang matumba nang biglang may humapit sakin beywang at mabilis ako nitong nayakap kaya napasubsob ang mukha ko sa matipunong dibdib na pamilyar sakin ang bango. Bigla nalang din bumilis ang pintig ng aking dibdib. Nang mahismasan ako ay mabilis akong napakalas at dumistansya sa kanya. Nang tingnan ko siya ay nakakunot ang noo niya at mukhang seryoso ang titig niya sakin.

"S-sir Randolph.." Alam kong nanginginig ang boses ko. Na para bang may malaki akong kasalanan.

"Hindi mo ba natandaan ang warning ko sayo o sadyang kinalimutan mo lang? Hm? Napakurap ako sa sinabi nito at ramdam kong parang galit ang tono ng kanyang boses. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot pero tinatagan ko ang aking sarili. Kung magpapakahina ako sa harap niya ay sinabi ko narin na mahina talaga akong babae.

Possessive Men #:1- Randolph's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon