Chapter 18

41.3K 1.1K 89
                                    

Theres

Piling mga damit lamang ang isinilid ko sakin malaking bag na dadalhin ko bukas. Nakahanda narin ang mga personal kong gamit para hindi ko makaligtaan.  One week gaganapin iyon kaya medyo mahaba ang pagstay namin doon sa Nueva Ecija. Kasama ako sa limang nurse para sa medical misyon doon, na ginaganap anim na beses sa isang taon. May kasama din kaming limang doktor at pati daw ang may-ari ng hospital ay kasama din at sa mga narinig ko ay first time daw nitong aattend. Hindi ko pa ito nakikita pero lalaki daw ito at binata pa.

Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay nagpahinga na ako dahil bukas ay maaga ang biyahe.

Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos at nagpaalam kila nanay. Nang makarating ako ng hospital ay saktong bumaba din si Melton mula sa kanyang kotse. Kasama din ito sa limang nurse kaya makakasama ko ang makulit na ito.

"Hi, babe!" Bati nito nang makalapit sakin na kinataas naman ng kilay ko. Inakbayan ako nito kaya nasiko ko ito sa tagiliran.

"Umayos ka nga, Melton." Suplada kong sabi na nauna nang lumakad sa naghihintay na bus. Umakyat ako at nandun na ang iba naming kasamahan. Sa unahan ako umupo para kita ko lahat ang dinadaanan namin. First ko din kasing pupunta doon at aaminin kong excited na akong makakita ng bagong lugar. Nilagay ko muna ang bag ko sa itaas bago umupo. Kinuha ko sakin maliit na bag ang binabasa kong tagalog pocketbook bago humilig sa upuan. Maya maya ay naupo din sa tabi ko si Melton na hinayaan ko nalang. Naglabas ito ng earphone at nilagay sa tenga bago sumandal sa upuan.

"Happy babe gusto mo?" Alok nito sa kinakaing peanuts.

"No, thanks." Iling ko bago ko tinuon ang pansin sa binabasa ko. Nasa kalagitnaan ako ng chapter fourteen nang bigla akong mapalunok. Intense chapter na pala ako ng story. Habang binabasa ko itong chapter ay biglang pumasok sa isip ko sir Randolph at pakiramdam ko ay kami ang gumagawa nito— Naisara ko bigla ang libro.

G*ga, Theres! Anong pumasok sa kokote mo!

Akma ko nang isisilid ang libro ng bigla iyon mawala sa kamay ko. Pagtingin ko ay hawak na ni Melton iyon at binubuklat. Mabilis kong nakuha iyon pero itinaas nito at lumayo ng distansya sakin. Tumayo ako at masama itong tinitigan.

"Melton, ibalik mo 'yan!" Utos kong sabi na kinatagilid lamang ng ulo nito. Binasa nito ang pamagat.

"Desiring my Maid." Lumapad ang ngisi nito sakin. Tinaasan ko ito ng kilay. "Nagbabasa ka pala nito, babe?"

"Pakialam mo? Akin na nga!" Lumapit ako at hinablot ang libro sa kamay nito. Binalik ko na iyon sa bag ko. Isinandal ko ang ulo sa upuan at pinikit ang mga mata. Ramdam kong muling umupo si Melton at napahinga ako ng maluwag ng hindi na ako nito kinibo.

Ilang minuto pa ay ramdam kong umaandar na ang bus hudyat na aalis na ito. Sa kahabaan ng biyahe ay tinuon ko ang pansin sa aming dinadaanan. Bawat magagandang tanawin ay kinukuhaan ko ng litrato. Naaaliw ako sa ginagawa habang si Melton naman ay tulog sa tabi ko. Iyong iba kong kasamahan ay tulog din. Mahaba nga ang biyahe kaya napagdesisyunan kong umidlip nadin. Tapik sakin pisngi ang nagpagising sakin.

"We're here, babe." Si Melton na buhat na ang mga bag namin. Napatingin ako sa paligid at una kong nasilayan ay ang malawak na palayan. Kulay berde pa ang mga iyon. "Tara na, babe!"

Napatayo ako at napasunod kay Melton na bumaba sa bus. Pagkababa namin ay sinalubong kami ng pagtanggap mula sa punong barangay at ilang kawani nito. Puno ng galak ang pagsalubong nila at malaki ang pasasalamat na napili ang kanilang barangay. Ito din kasi ang kauna unahang pagkakataon na may ginawang medical mission sa kanilang lugar.

Possessive Men #:1- Randolph's ObsessionWhere stories live. Discover now