Chapter 10

45.5K 1.1K 26
                                    

Theres

Isang linggo ang lumipas nang mangyari ang tagpong iyon sa amin ni Ma'am Rica. At kapag nakikita niya ako ay nanlilisik agad ang mga mata nito at may pagbabanta doon. Kaya kapag nandiyan siya ay umiiwas agad ako. Pinagbawalan nadin ako nitong maglinis ng kanyang silid na pinagpasalamat ko dahil ayoko nang mangyari ang nangyaring iyon. Sa nakalipas na isang linggo ay hindi ko din nakita si Sir Randolph na sabi sakin ni Ate Rina ay nasa ibang bansa daw dahil sa negosyo. At sa mga araw na iyon ay namis ko siya, kahit na mali itong nararamdaman ko ay hindi ko maipagkakaila sakin sarili na may pagtingin ako sa kanya. Sa tuwing tinatanggi ko iyon ay mas lalo pang tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman siguro niya malalaman kung iibigin ko siya ng lihim at tanging ako lang ang nakakaalam nun.

"What the h**l!" Bigla akong napasalampak sa sahig ng may tumulak sakin. Dahil sa lakas ng pagbagsak ko ay napadaing ako sa kirot sakin balakang. Nang mag-angat ako ng tingin ay kita ko ang nanlilisik na mukha ni Ma'am Rica habang nakapameywang nakatunghay sakin. "Look at my dress! Hindi mo ba nakita na dumaan ako ha!? Kay tanga tanga  mong utusan!" Galit nitong sigaw at kita kong may talsik ang puti nitong bestida. Naglalampaso ako ng sahig at hindi ko napansin ang kanyang pagdaan. Sa kakaisip ko ay hindi ko siya namalayan.

"P-patawad po, Ma'am Rica! Hindi ko po sinasadya—"

"Alam kong sinadya mo kaya eto ang bagay sayo!" Bigla nitong kinuha ang balde na may maruming tubig tsaka nito binuhos sakin ulo. Napasinghap ako at nagpumiglas sa huli niyang ginawa habang sinisipa pa niya ang katawan ko.

"Ma'am Rica tumigil na kayo!" Rinig ko ang boses ni Ate Rina na parang inawat si Ma'am Rica sa ginawang pagsakit at pagtakip ng balde sakin ulo.

"Hoy maid! Anong karapatan mong pigilan ako huh!? Maid ka lang dito!" Narinig ko ang galit na sigaw na Ma'am Rica na alam kong kay Ate Rina iyon.

"May respeto po ako sa inyo bilang amo ko pero wala kayong karapatan na saktan ang kaibigan ko! Sumusobra ka na sa kasamahan ng ugali mo!" Natigilan saglit si Ma'am Rica na parang may nangyari na hindi ko alam.

"How dare you! Wala kang galang na maid! Ngayon din ay lumayas kayo sa pamamahay ko—"

"Hindi kayo ang nagpapasweldo sa amin kaya wala kang karapatan na utusan kaming palayasin!" Kita kong lumuhod si Ate Rina upang kunin ang timba na nasa ulo ko. Pero bigla siyang napatigil ng sinugod siya ng sabunot ni Ma'am Rica.

"You bitch!" Mabilis nakatayo si Ate Rina para pigilan ito. Nahawakan niya ang dalawang kamay ni Ma'am Rica na kinalisik ng mga mata nito.

"Ikaw ang mas bitch! Gusto mo pa bang iparating ko ito kay Senyorito Randolph, ha!?" Napatigil si Ate para tingnan ako bago bumalik ang tingin kay Ma'am Rica na natigilan pero nanlilisik ang mga mata. "Tingnan na'tin kung sino ang mapapalayas dito oras na malaman nito ang ginagawa mong kalupitan kay Theres!" Hindi ko alam pero may dumaan na takot sa mukha nito.

Nanggagalaiti itong napahiyaw. "You bitch! Pagbabayaran mo 'to!" Bumaling sakin ang nanlilisik nitong mga mata. "Sisiguraduhin kong mawawala kayo sakin landas!"

Galit na galit itong tumalikod samin. Binalingan ako ni Ate at agad na dinaluhan. Kita kong may luha sa kanyang mga mata habang pinapahid ang dumi sakin katawan. Tinitigan niya ako bago niyakap ng mahigpit at doon ay tuluyan nang kumawala ang aking mga luha. Umiyak ako sa balikat ni Ate na hindi pansin ang basa kong katawan. Hindi ko iniinda ang ginawa sakin ni Ma'am Rica pero sobrang sakit ng dibdib ko.

Possessive Men #:1- Randolph's ObsessionWhere stories live. Discover now