Chapter 23

37.3K 1K 78
                                    

Theres

Bigla akong napatakbo sa lababo nang makaramdam ng pagsusuka dahil sa amoy ng bawang na hinihiwa ko. Nang mahimasmasan ako ay bigla akong natigilan at bumalandra sakin mukha ang kaba. Pero iniwaksi ko ang naisip bago inayos ang sarili at tinapos na ang ginagawa. Ang sinabi kong dalawang linggong pananatili dito ay naging isang buwan. Dito ako pinatili ni ate Rina sa kanyang lola Aguida na mag-isa nalang nakatira sa kanyang bahay. Namatay na kase ang asawa nito kaya mabuti na raw na may kasama ito. Malapit lang naman ang distansya mula sa bahay nila ate Rina. Nahihiya din ako kung doon titira dahil sa pamilya nito pero sobrang bait ng asawa nito at mga anak sakin at tinuring na akong pamilya. Sumasama din ako kay ate Rina sa paglalaba para may panggastos din ako at nakakahiya naman kung aasa lang ako.

"Theres, umalis na tayo para maaga tayong matapos. Anniversary kase namin ni Lito kaya maghahanda ako kahit konti lang." Biglang sulpot na sabi ni ate Rina sa may pinto na agad ko naman kinatango bago balingan si lola Aguida na tapos narin kumain. Niligpit at hinugasan ko muna ang pinagkainan namin bago nagpaalam kay lola Aguida.

"Aalis na po kami, la." Paalam ko na kinatango naman nito. Nagmano naman si ate Rina sa kanya.

"Alis na kami, la." Lumabas na kami ng pinto at tinahak ang bahay ng pamilyang pinaglalabhan namin. Medyo malayo rin ang lalakarin pero nasanay na ako. Ilang sandali lang ay napatigil ako nang makaramdam bigla ng pagkahilo. Naupo ako saglit sa isang bato at napapunas ng aking pawis bago uminom ng tubig dahil nauuhaw at hinihingal na ako na kinatigil din ni ate sabay hagod ng likod ko.

"Ayos ka lang, Theres? Huwag ka nalang munang maglaba at magpahinga nalang baka magkasakit ka." Agad akong umiling. Nagpahinga lang ako saglit bago ako tumayo at nginitian si ate Rina.

"Ayos lang ako, ate."

"Sigurado ka?" Paniniguro nito na kinatango kong muli.

"Oo." Nauna na akong maglakad pero ilang sandali lang ay napahawak ako sakin noo nang biglang lumabo ang mga mata ko at hindi ko na alam ang sumunod  pang nangyari nang biglang dumilim ang lahat sakin pero narinig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko.

"Theres!"

NAPAGALAW ako kasabay ng pagbukas ng aking mga mata at puro puti ang nakita ko na kinataka ko pero natigilan ako nang maalala ko ang nangyari kanina.

"Mabuti at gising ka na, mabuti na ba ang pakiramdam mo." Napatingin ako kay ate Rina na nakaupo sa gilid ko habang nakapatong ang kamay sa isa kong kamay.

"Ba't nandito ako sa ospital, ate?" Humigpit ang kapit niya sa kamay ko at tipid siyang napangiti pero may kutob na ako sa sasabihin niya.

"Nahilo at hinimatay ka dahil sa buntis ka." Diretso nitong sabi na kinapikit ko sabay kawala ng mga luha ko.

"S-sorry po, ate." Dumilat ako at kita kong umiling ito.

"Ano ka ba, bakit ka nagsosory." Kita kong namumula nadin ang mga mata nito.

"Hindi ko kase nasabi sayo na may kutob na akong buntis ako kaya nahihiya ako sayo." Tinapal nito ng mahina ang noo ko.

"Sus! Parang kapatid na kita at naiintindihan ko naman kung ayaw mong sabihin. Pero alam ko naman kung sino ang ama ng pinagbubuntis mo." Natigilan ako sa huli niyang sinabi at agad napaiwas ng tingin.

"S-si Randolph.." Naisambit ko nang tumingin sa kanya na kinangiti naman nito. Pinisil niya ang kamay ko at tinabig sa tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko.

Possessive Men #:1- Randolph's ObsessionWhere stories live. Discover now