EPILOGUE

60.5K 1.7K 340
                                    

THERES

Napatigil ako sa pagtatanim ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nagpahid muna ako ng pawis bago tinanggal ang suot na gloves at maayos na nilagay sa ibabaw ng lamesa bago ko tingnan kung sino ang tumatawag.

Agad kong sinagot iyon ng makitang si ate Heide ang tumatawag. Bago kong kaibigan at nagtatrabaho ito sa kompanya ni Randolph.

"Theres, asan ka?" Bungad agad nito pagkasagot ko.

"Nasa bahay po ako, bakit?"

"Magbihis ka ng sexing damit at papunta na ako diyan!" Nangunot ako sa sinabi nito.

"Ano? Bakit naman ako magsusuot ng sexing damit, eh alam mong hindi ako nagsusuot nun at saan ko iyon gagamitin?" Narinig ko sa kabila ang malalim nitong paghinga.

"Basta! Magbihis ka na dahil susunduin kita diyan!" Hindi ko nagawa pang magprotesta nang babaan ako nito ng phone.

Napabuga ako ng hangin bago tinapos itong huling halaman na tinatanim ko.

Nang matapos ay nakangiting pinagmamasdan ko ang aking mga tanim na halaman. Iba't ibang klase mapa bulaklak man o wala o mga hanging plants ang nakadisplay dito sa mini garden ko na ako mismo ang gumawa.

Ako mismo ang nagtanim at nagparami sa kanila. Ang sarap lang sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko silang nakahilera doon.

"Theres! Bakit hindi ka pa nagbibihis babae ka!?" Mataray ako nitong pinameywangan.

Ang bilis naman makarating ng kabayo— as este babaeng ito.

"Nagtatanim kaya ako at bakit ba gusto mo akong pasuotin ng sexing damit ha?" Napalinga linga ito sa paligid bago lumapit sakin.

"Gusto mo bang hindi makita ang bagong nilalandi ng poging mister mo, hm?" Agad kong nahawakan ang damit nito pagkarinig sa sinabi niya.

Tumalim bigla ang mga mata ko.

"Pwes dalhin mo ako dun!"

"SIGURADO ka bang dito pumunta ang asawa ko?" Tanong ko kay Heide nang mapatingala ako sa isang sikat at mamahaling disco bar dito sa Taguig.

First time kong pumasok sa isang bar at hindi ko alam na may bukas pa lang bar sa araw. Akala ko ay gabi lamang.

"Oo! Dito 'yon kaya pumasok na tayo sa loob, girl!" Hinila ako nito kaya wala na akong nagawa habang panay ang baba ko ng laylayan ng suot kong dress na hapit pa sa aking katawan.

Kita 'yong cleavage at mga hita ko na ayoko sanang isuot kaso pinagalitan ako ng babaeng ito, para daw in-case na mahuli kong lumalandi ang asawa ko ay maglandi din daw ako para patas kami— Ang galing talaga magsuggest ng babaeng 'to!

Pagkapasok sa loob ay sumalubong sa'min ang ingay na galing sa music at maraming nagsasayawang magkapareha at kitang kita kong ang iba ay naghaharutan na!

"Saan dito si Randolph!?" Hiyaw ko kay Heide dahil malakas ang ingay.

"Dito sila!" Akma ako nitong hihilahin ng biglang may sumulpot na lalaki sa harap ko.

"Hi, sexy! Wanna dance with me?" Gumigiling pa ito sa harap ko kaya naitulak ko ito sa gilid.

"No." Hihirit pa sana ito nang hilahin na ako ni Heide.

Dinala ako ni Heide sa kabilang area na hindi masyado maririnig ang ingay.

"Ayon ang asawa mo oh!" Natingnan ko tinuturo nito at ganun nalang ang pagtalim ng mga mata ko nang makita si Randolph na may katabing babae na malanding humihimas pa sa asawa ko.

Possessive Men #:1- Randolph's ObsessionWhere stories live. Discover now