Chapter 12

46.4K 1.2K 250
                                    

Theres

Eight years later.

"Hi, Theres! Tapos na ang duty mo?" Napangiti na napatango ako kay Melton.

"Yeah. See you tomorrow! Bye!" Kinuha ko ang bag at sinukbit sakin balikat bago ito talikuran.

"Ingat, Babe! Love you!" Nilingon ko ito at pinandilatan sa sinabi nito. Napakamot ito sa kanyang batok. Melton is my suitor for almost one year pero hindi ko binibigyan ng pansin ang kanyang panliligaw dahil wala akong oras at sadyang ayoko lang pumasok sa isang relasyon. Ang priority ko ngayon ay ang trabaho ko bilang isang nurse dito sa pinakasikat at pribadong hospital sa bansa.

Napailing na muli akong lumakad palabas ng hospital. Dumiretso ako sa parking lot at binuksan ang pinto ng kotse ko. Akma akong papasok ng biglang makaramdam ako na parang may tumititig sakin. Nilibot ko ang paningin sa paligid at pansin kong wala naman tao. Napapailing na pumasok na ako sa loob at binuhay ang makina at pinausad palabas.

Bumibiyahe na ako nang ihinto ko ang kotse sa isang fastfood upang bumili ng pasalubong. Nang matapos ako ay agad din akong lumabas at bumalik ng kotse.

"P-palimos po!" Napahinto ako sa biglaang pagsulpot ng dalawang batang lalaki na madungis ang katawan. Bigla din ay nakaramdam ako ng awa.

Binigay ko ang isang supot na kinatuwa ng mga mata nila. Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera bago binigay sa kanila na lalong kinasaya ng mukha nila. "Sige na umuwi na kayo dahil delikadong naggagala kayo sa labas."

Tumango tango sila sakin. "Salamat po!" Pagkasabi nun ay tumakbo na sila at lumiko sa isang eskenita. Napabuntong hininga ako at naaawa sa kalagayan at kalusugan ng mga batang iyon. Muli akong napahinga bago bumalik sa kotse.

Ilang minuto pa ay pinarada ko ang sasakyan sa garahe. Binitbit ko ang pizza at bag ko bago lumabas ng kotse. Sumalubong agad sakin ang malamig na hangin at ang tunog ng mga alon. Ang bahay namin kasi ay malapit sa dagat at sa kabilang parte ay isang malawak na isla na pagmamay-ari daw ng isang bilyonaryo at hindi ko kilala kung sino. Isang private na isla iyon at natatanaw ko mula dito ang ganda ng lugar. White sand siya at maraming tanim na mga magagandang bulaklak at ang mas pinakaatraksyon ay ang napakalaki at taas na bahay
Grey and White ang kulay ng bahay na kung papansinin mo ay napakamysterious ng may-ari nun. Mula nang kinupkop ako nila nanay Inez at tatay Ben ay hindi nila naikwento sakin kung sino ang may-ari nun basta isa daw bilyonaryo ang taong iyon.

Pumasok na ako sa loob at agad kong nakita si nanay na nananahi na naman ng mga basahan. Mahilig siyang manahi kaya lahat ng mga sira kong damit ay siya ang nagkukumpuni. Siya rin ang nanahi ng mga uniform ko. Minsan din ay may mga suki siyang sa kanya nagpapatahi at 'yong basahan na tinatahi niya ay benebenta namin. Pandagdag kita daw para dito sa mga gastusin sa bahay. Sabi ko nga ay huwag na silang mag-alala dahil kaya ko naman silang buhayin at habang buhay kong tatanawin ng utang na loob ang ginawa nilang pagtulong at pagpapaaral sakin hanggang sa matapos ko ang kolehiyo at 'yong pang exam ko ay inutang pa nila na ngayon ay unti unti kong binabayaran. Kung hindi dahil sa kanila ni tatay Ben ay siguradong patay na ako noon.

Matanda narin silang dalawa at ayokong nahihirapan. Wala silang anak kaya nung makita nila ako diyan sa dalampasigan ay agad nila akong tinulungan. Inalagaan na para nilang tunay na anak.

"Nanay, Nez!" Niyakap ko siya mula sa likod bago hinalikan ng matagal ang kanyang pisngi. Nakangiting hinaplos naman niya ang mukha ko.

"Nandito ka na pala, Iha."

Tumango ako sabay lahad ng paborito nila. "Opo at binili ko ang favorite food niyo ni tatay!" Lumapad ang ngiti niyang kinuha ang box ng pizza sakin. Napalibot ang tingin ko at hinanap si tatay. "'Asan po si tatay?"

Possessive Men #:1- Randolph's ObsessionWhere stories live. Discover now