Chapter 9

37K 1.2K 243
                                    

Xyzrielle's PoV:

Hindi ako nakapasok dahil kay Margarette. Sya ang babaeng inalagaan ko sa bar. Katakot takot na reklamo ang narinig ko sa kanya pagkagising ko.

She was relieved nang malaman na walang masamang ginawa sa kanya. Napag-alaman ko rin na kaya sya nasa bar at naglalasing ay dahil niloko sya ng boyfriend nya.

At ang masaklap pa, ang girl na third party sa relationship nila ay walang iba kung hindi ang kanyang BFF kuno. Ang plastic naman.

Kawawa naman sya. Masakit siguro ang mainlove. Hindi ko pa kasi natatry.

Naging magkaibigan kami ni Margarette. She said na lilipat sya ng school para makapagmove on at makapagsimula ng bagong chapter ng kanyang life. Pagkatapos ng usapan namin ay umalis na rin sya.

_____//_____

Nakapasok na ako today kahit may pasok ako kanina. Kineri ko naman dahil isa akong alagad ni Wonder Woman. Good mood akong pumasok sa aming classroom nang biglang...

*splash*

May nagsaboy sa akin ng malamig na tubig Nagulantang ako dahil unang-una aynaligo naman ako. Ano 'to? Suprise welcome sa akin?

Tawanan ng mga kaklase ko ang narinig ko. Pinunasan ko muna ang aking mukha. Damn. I'm super wet. Para na akong basang sisiw nito.

Tinignan ko kung sino ang gumawa non at si Britney 'yon na kaklase ko. Isa syang tagasunod ni Athena. Nagkaroon na agad ako ng ideya.

I scanned the classroom. Honanap ko sya at saktong nakatingin sya sa akin. Nang-aasar ang mga titig na ipinupukol nya sa akin.

Lumabas ako sa room at dumiretso sa aking locker para kunin ang extra kong damit. Mabuti na lang at nagdadala ako ng mga ganto. Sa susunod nga ay magdadala na rin ako ng twalya.

Kahit nalate ay pinili kong pumasok pa rin. Pinapasok naman ako ng teacher namin pero hindi nya naiwasang magtanong. Nagdahilan na lang ako.

Maayos na rin ang classroom. Wala kang makikitang basa. Ang bilis naman nilang maglinis.

Tumabi ako kay Arts na parang walang nangyari. Alam kong nakatingin sya a akin. Hindi ako magpapa-apekto sa mga ginagawa nya. Hindi ko na sya tinapunan man lang ng kahit isang tingin. Bahala sya riyan. Hmp.

MABILIS NA NAGDAAN ang mga araw. Sa mga araw na iyon ay hindi mawawala ang pambubully sa akin. Ang childish talaga ni Athena. Kaasar.

And oo, confirm na sya nga ang nag-uutos ng mga iyon. Sorry na lang sya dahil kaya kong tiisin ang mga pinagpapagawa nya. Alam ko din namang mapapagod 'yon at magsasawa. Titigil din sya.

So share ko lang guys 'yung mga nangyari sa akin noong Wednesday at Thursday.

W E D N E S D A Y

Nasa cafeteria ako kasama ang aking kaibigan para kumain. Paupo na sana ako nang may biglang nanghila ng uupuan ko sana. So ang ending,  bumagsak ako sa sahig. Ang happy na naman ng crowd. Aish. Clown ata ako sa paningin nila.

T H U R S D A Y

Nagbibihis ako sa cr nang may biglang nagbuhos sa akin ng tubig. Wow. Instant shower uli ang peg ko. Kinuha ko na lang uli ang damit na aking extra upang magpalit.

_____//_____

Mauti na lang at mahaba ang pasensya ko. Ang childish talaga ni Athena. Pansin ko lang din na hindi sya ang gumagalaw. Bagkus, ang mga alagad nya. Ano kayang pakulo nya sa akin ngayon? Always ready naman ako dahil gay scout—— este, girl scout ako.

Nagdaan ang mga oras ng wala pa akong nararamdamang pag-atake mula sa kanya. So far ay safe pa naman. Last subject na namin ngayon at Physical Education ito. Ang topic namin ay Volleyball.

Nagpalit ako ng damit na pangvolleyball. Nasabihan naman na kami na ganito ang topic for today kaya may dala kaming attire para sa activity namin.

Nagsimula na kaming maglaro. Okay lang naman sa akin ang sport na ito. Sa totoo lang ay sporty akong tao. Mahilig ako sa mga sports. Halos salihan ko na nga lahat eh. Kaya marunong ako ng mga ganitong laro. Active talaga ako.

Natapos ang laro namin at ang team namin ang nanalo. We're all sweating. Sabi ng teacher namin na pwede na kaming maligo sa shower room tutal, tapos na rin naman ang klase.

Pinauna ko muna silang lahat. Nag-ayos muna ako ng mga gamit ko. Nang makita kong lumabas na ang pinakahuling tao, tsaka ako pumasok para magshower.

I'm singing a song para naman feel na feel ko pagligo. Shems. Ang sarap sa pakiramdam. Ang refreshing.

Nakasuot na ako ng sports bra. Napakunot ang aking noo nang wala akong makapang damit. Tumingin ako sa itaas pero wala talaga. Hala, nasaan na 'yun? Magic? Nawala bigla?

Patuloy pa rin ako sa paghahanap pero wala talaga.

"Eto ba ang hinahanap mo, Xyzrielle?" I heard someone said. Boses pa lang ay kilalang-kilala ko na agad. Walang iba kung hindi si Athena.

Humarap ako sa kanya at nakita ko nga ang kanina ko pa hinahanap. Wala na akong pake kahit nakasports bra lang ako.

Pero paano napunta sa kanya iyon? Akala ko ay wala ng tao kanina ah. So that means, narinig nya rin na kumakanta ako.

"Ibalik mo sa akin yan!" I said. Naningkit naman ang mga mata nito na tila ba hindi nya nagustuhan sinabi ko.

"Aba't.. sinisigawan mo ba ako?" Malamang. Hindi ba halata? Gusto ko sanang sumagot pero huwag na lang. Mas lalo lang syang magagalit. Hmp.

Nakita kong nag isip-isip si Arts.

"Hmm, sige. Ibabalik ko 'tong damit mo." Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi nya.

I smiled. Good to hear that. Mabait naman pala si Athenaa. Madali lang pala syang kausap.

"Basta't halikan mo ang paa ko." Dagdag pa nya. Automatic na nawala ang aking ngiti. Saglit lang na kasiyahan.

But wait. Tama ba ako nang pagkakarinig? Hahalikan ko ang paa nya? No way! I'm way better than that.

"Ano? Nahihibang ka na ba? Bakit ko naman gagawin 'yon, aber?" Mataray na saad ko. Talagang tutol ako sa pinapagawa nya.

"Mukhang wala ka naman atang balak gawin 'yon, so aalis na lang ako. Uuwi kang nakaganyan. Babyeee~" She said while smirking mischievously.

Tumalikod na sya sa akin at nagsimulang maglakad papunta sa pintua

I'm stunned in my spot. Pinoproseso pa ng isip ko ang sinabi nya.

Oh my! 'Yun pa naman ang last shirt na dala ko ngayon. I need to do something. Hindi pwedeng ganto.

Malalaki ang mga hakbang na naglakad ako papunta sa kanya at pinigilan syang makaalis. Mabilis na isinandig ko sya sa pader. Wala naman na sigurong makakakita samin dito dahil halos lahat ay nakauwi na.

Agad na rumehistro ang gulat sa mukha ni Athena. At nang makabawi ay nagpumiglas sya sa pagkakahawak ko. I gripped hee wrist tightly. Syempre, hindi masyadong mahigpit. Baka masaktan sya.

"Akin na 'yang damit ko." I said habang pilit na inaabot ang kailangan ko. Wala akong pake kung gaano na kami kalapit sa isa't isa. Kailangan ko lang talagang makuha 'yon.

"No freaking way!" She exclaimed at mas itinaas pa ang kanyang kamay.

Argh! Ang unfair naman eh. Nakaheels sya ngayon kaya ang hirap mareach kahit na mas matangkad ako sa kanya.

Pilit ko pa ring inaabot ang damit ko pero ayaw nya talagang bitawan. Bakit ba ang kulit nya ha? Mukhang wala na talaga kong choice kung hindi gawin ito muli. Sorry talaga, Athena. You leave me with no choice.

Mabilis na tinawid ko ang distansya naming dalawa at pinagdampi ang aming mga labi. Muli ko na naman syang siniil ng halik.

_____//_____

Edited - you might have noticed na nawala ang ilang mga comments sa chapter na 'to.

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon