Chapter 28

35.2K 1.7K 456
                                    

Xyzrielle's PoV:

Tumigil kami sa isang room. I guess, ito ang sabi-sabi ng mga tao na private room nila. Dahan-dahan kong ibinaba si Athena mula sa kanyang pagkakapasan sa likod ko.

Itinapat nya ang kanyang kamay sa scanner at parang magic na nagbukas ang pintuan. Wow naman. Napakahigh-tech ng door. Advance ang technology.

"What? Tatayo ka na lang ba riyan? Pasok." Mataray nitong saad at nagtuloy-tuloy nang pumasok.

Napailing na lang ako sa kawalan dahil sinusumpong na naman sya ng kamalditahan. Pagkatapos kong pagtakpan ang napakasexy nyang katawan, gagantuhin lang ako ni Athena? Hmp.

Pumasok na lang din ako katulad ng sinabi nya. Hindi ko maiwasang mapahanga nang makita ko ang nasa loob. Napakaganda. Halatang ang galing ng nag-isip ng disenyo. Everything screams how rich they are. Nahiya naman ang isang katulad ko.

Dahan-dahan lang ako sa paglalakad. Nag-iingat ako na huwag makabasag. Nako, jusko. Kapag nakabasag man ako ay alam kong hindi ko kayang bayaran 'yon.

"Sit." Utos nya. I frowned. Ano ako? Aso? Arf, arf, arf. Hindi na ako nag-abala pang umapela. Walang imik na umupo ako sa couch na tinuro nya.

I saw na pumasok si Athena sa isang room. Ano 'yon? Pagkatapos nya akong dalhin dito ay iiwan nya rin ako? Huhuhu. Hindi makatarungan!

Pero wait lang. What if may mga nakatagong kutsilyo at baril si Athena roon at kukuha sya ng isa para gamiting pang torture sa akin? Waahh! Wag naman sana. Mahal ko pa ang buhay ko. Magiging kami pa ni Fafa Lucas hihihi.

'Mas lalo ka talagang papatayin ni Athena kapag nalaman nya 'yan. Sige ka.' Pag-extra ng mahadera kong utak.

Agad kong inalis sa utak ko ang nabuong ideya sa akin. No, no, no. Mabait naman si Arts at hindi nya kayang gawin 'yon sa katulad ko. Unang-una, mawawalan sya ng cute na girlfriend. Mawawalan din sya ng katulad kong adik sa mga kiss nya. Hmp.

"Baliw ka ba? Bakit mo kinakausap sarili mo?" Nakakunot-noo nyang tanong sa akin. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala sya ng kwartong pinasukan nya.

Hmm... Athena changed her clothes dahil na rin sa nabasa ang damit nya kanina. Nakapalda pa rin naman sya.


Napahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang kakaiba nyang dala. Whoo. Buti naman. Pero ano kayang gagawin namin dito hmm? Paiisahin nya ba ako? Dejok lang. Joke lang iyon guys wag nyo isiping mabuti.

Maya-maya pa ay may nakita akong pumasok sa loob. Nandito na ang mga kaibigan ni Babyloves ko. Ehe. Ang landi ko talaga. I guess, tinext nya ang mga 'to para pumunta rito.

Hindi na ako nakinig sa sinasabi nilang mga totropa. Umupo na lang ako sa isang sulok at inilabas ang aking cellphone para magliwaliw.

Naisipan kong maglaro ng Mobile Legend. Legend 1 na rank ko. Konting stars na lang at makakamythic na rin ako. Nagclassic ako dahil baka mamaya ay may ipagawa itong si Athena sa akin eh. Mag-afk pa ako bigla.

Mabilis lang natapos ang laro namin at yey! Panalo kami. Mabuti naman. Pagkatapos ng laro namjn ay sya ring pagkatapos ng pinag-uusapan nila. Ano kayang chinicika-chika ng mga 'yon?

Tumayo si Jared at pinatay ang ilaw. Damn. Ano bang gagawin namin? May ipapakita ba sila sa akin na glow in the dark? Ang exciting naman.

Nasagot ang tanong ko nang buksan ni Ella ang TV at wow naman talaga. Nakanetflix premium pala sila rito. Wala eh, hanggang cd lang ako tapos pirated pa.

Nakita kong sinearch nila ang...

The Conjuring?

The fuck? Seryoso ba sila riyan?

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon