Chapter 48

36.5K 1.2K 244
                                    

Xyzrielle's PoV:

Mahaba-habang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Tinignan ko sya and I saw that she's looking outside. Probably sa mga tanawin. Sa may bintana kasi sya nakaupo.

Magkahawak-kamay pa rin kaming dalawa. Not minding kung may makakakita man lagay namin. Madali lang namang lusutan 'yon.

Ang mahirap lang na gawan ng palusot ay 'yung nagkiss kami. But I'm confidently beautiful with a heart na walang nakasaksi non dahil mga knock out na silang lahat.

Dagdag points na lang 'yung nasa likod pa kami nakapwesto.

Tsk. Ang babaeng ito kasi, bigla-bigla na lang nanghahalik eh! Wala man lang pasabi. Hmp.

'Sus. Parang hindi mo naman gusto 'yung ginawa nya. Duh.' Pag-extra ng aking echuserang mind.

Hindi naman sa ayaw. Okay, aaminin ko. Gusto ko 'yung ginawa nya. Ang ayaw ko lang is wala man lang syang pa reminder katulad ng..

'Hi! Come here. I'll kiss you.'

or

'Beware. I'm gonna kiss you.'

'Yung ganon bang mga bagay lang. Argh! Ang dali-dali lang namang sabihin non eh. Tsk. Hindi tuloy ako ready. Anyways, naisipan kong basagin ang katahimikan sa aming dalawa.

"Uhm... hindi ka ba inaantok?" Tanong ko kay Athena.

Sorry. Ayan lang naisip kong topic. Pabayaan nyo na. Akala ko ay hindi sya sasagot ngunit nagsalita rin sya pagkatapos ng ilang sandali.

"Hindi." She said. Grabe. Ang galing. Napakaplain. Ayaw nya atang pahabain ang pag-uusap namin. Ano ba 'yan?

"Bakit ang tipid mong magsalita?" Hindi ko mapigilang itanong. Curious aketch eh. Hinarap nya ako habang naka-arko ang kanyang isang kilay.

"Kasi hindi magastos." She said. Napatanga naman ako sa sinabi nya.

Is that a joke? I didn't know na may ganon pala sa kanyang bokubolaryo.

Kasi kung oo, tatawa na ako. Pwede na siguro 'yung tatlong HA HA HA. Mga ganyan. Pangsupport man lang sa sinabi nya. Matanong nga para sure.

"Nagbibiro ka ba?" I asked ridiculously. But to my surprise, she just gave me her famous death glares.

Ano na namang nagawa ko?

"What? Nagtatanong lang. May masama ba?" Tama naman ako diba? Libre lang ang magtanong. Atsaka, we live in a democratic country. Mayroon kang sapat na kalayaan para ipahayag ang iyong saloobin.

"Tsk. Bahala ka nga riyan sa buhay mo!" She exclaimed. Hindi pa sya nakuntento at inikutan pa ako ng kanyang mga mata.

I reached her hand nang akmang aalisin na nito ang pagkakahawak sa akin.

"Ano ba? Wala ka bang kamay?" Mataray nitong turan. I saw how her eyebrows arched after she said that.

"Meron. Ito nga oh." I said and raised our hands that are intertwined.

"Eh bakit hawak mo 'yung kamay ko?"

"Wala lang. Gusto ko lang. May masama ba?"

"You're really stubborn, don't you?" Hala. Anong pinagsasasabi nya riyan?

"Why? Gusto mo na bang alisin ko?" I asked pero kahit oo ang isagot nya ay hindi ko pa rin aalisin ang pagkakahawak ko roon.

"Bakit? May sinabi ba akong tanggalin mo?" Napangiti ako bigla sa kanyang sinabi. It means, gusto nya rin ang pwesto namin ngayon.

Ahehehe... enebeeee, pereng tenge nemen.

Okay, parang ang pabebe ko sa part na 'yan. Pagbigyan nyo na ako. Minsan lang 'to. Kahit simple lang ang sinabi nya ay kinilig pa rin ako. Iba taalaga ang tama ni Athena sa akin. Napakalakas.

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon