Chapter 19

37.2K 1.2K 410
                                    

Xyzrielle's PoV:

Hanggang ngayon ay nakakandong pa rin sa akin si Athena. She's comfortably sitting on my lap.

Gosh. I love the view. Kitang-kita ko kasi ang maamo nyang mukha na nakakatitig sa akin. Akala nyo 'yung iba noh. Dama ko lang 'yon pero hindi ko tanaw.

Anyways, kanina pa sya ganyan. Nakakailang na ng kaunti. Konti lang talaga dahil medyo nasasanay na akong lagi syang nakatitig sa akin.

I faked a cough. "Baka naman matunaw na ako nyan kakatitig mo." Pagbibiro ko sa kanya. Naningkit ang mga mata nito. Bakit? Anong problema nya?

"Ang assuming mo naman. I'm not looking at you kaya." She said in a duh tone.

Sus. Deny pa more. Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Athena. Kitang-kita ko naman na tinitignan nya ako kanina pa. Ayaw lang sigurong umamin ng isang 'to. Nahihiya.

"Anyways, in our relationship you'll be doing the man's duty."  Napakunot-noo ako sa aking narinig.

I frowned. What the heck? Bakit ako? Mukha ba akong lalaki sa kanya? Wala akong hotdog. Atsaka, sayang naman ang ganda ko kung ganon. Hmp.

"What? Bakit ayaw mo ba? Alangan namang ako. Duh. Mas lalong hindi sila maniniwala non. Atsaka ikaw kaya ang mas matangkad sa ating dalawa." Nakataas-kilay nitong turan sa akin.

Napairap na lang ako sa kawalan. Height na pala ang basehan ng relationship ngayon. Parang hindi naman ako nainform na ganon na ang sistema. Hmp.

Okay, no choice ako kung hindi pumayag sa gusto ni Athena. Wala eh, I already said yes to her. Geez. Parang ngayon pa lang ay nagsisisi na akong pumayag sa gusto ng babaeng ito.

Pwede bang magback out?

"Next, may kakaunti lang naman akong rules para sa relationship natin. Of course, kahit pretend lang 'tong gagawin natin, ikaw pa rin 'yung first na naging ka-in-a-relationship ko kaya ayus-ayusin mo." Pangaral nito sa akin.

Napangiti ako nang malaman na akong ang first nya. Parehas pala kami.

"Ehem! Excuse me lang ha. Ikaw din ang first ko kaya paano ko maaayos ang gagawin ko kung wala din akong experience sa ganto? Sabay na lang nating ifigure out. And take note, ikaw din ang first kiss ko noh." Syempre mas maganda yung aware sya.

Baka mamaya, mag-expect eh tapos madisappoint. Mahirap 'yon.

She gave me a smile na para bang nasisiyahan sya sa kanyang narinig.

"Well, that's good to hear. Mabuti naman kung ganon. Mamaya ko na lang sabihin sayo 'yung rules. Unahin muna natin ang responsibilities mo sa akin."

Nagulantang ako sa sinabi nya. Huwat? Kanina rules lang tapos ngayon may responsibilities na. May ganto ba talaga? Sana naman kayanin ko ang lahat ng mga ito huhuhu. Help me, waaah!

Athena's PoV:

Nakakandong pa rin ako kay Xyzrielle hanggang ngayon. Bakit? May angal kayo? Humanap kayo ng inyo kung naiinggit kayo.

If you guys are wondering kung bakit ako nasa gantong posisyon, mas madali ko kasi syang matatadyakan kapag may reklamo sya. Dagdag points na lang na naaamoy ko ang amoy nya na gustong-gusto ko. I'm getting addicted. Ewan ko ba. Basta gusto ko na lagi akong malapit kay Xyzrielle.

I'm really happy nang malaman ko na I'm her first kiss and firsy girlfriend. Mabuti naman. Syempre, kadiri kaya kung may nahalikan na sya tapos hahalikan din nya ako. Atsaka, hindi rin ako papayag na magpakiss sya sa iba. Hmp.

For your information, nanggugulpi ako ng malalandi. Kung gusto nya ng kiss, andito naman ako lagi. Nasa tabi nya lang kaya sabihan nya ako.

"You'll greet me good morning and good night everyday." I said. Start and end your day with good vibes dapat.

"What? Paano ba 'yan? Wala akong load? Pwede bang chat na lang or wag na lang? Nakakatamad kayang magtype."

"You need to do that. Almost lahat ng magjowa ay ginagawa 'yon." I answered and yeah, base na rin sa mga napapanood kong movies. Ganon ang lagay ng couple.

"Okay next, maging sweet ka naman sa akin lalo na kapag nasa university. Make a move." Of course, paano maniniwala ang nga students na kami nga talaga kung hindi kami gagawa ng show?

"Pangatlo, sumabay ka sa table namin kapag break time na."

"Pangapat, bitbitin mo ang mga gamit ko." Wait. Parang alila ko naman ata sya non. Argh! Bahala na nga sya riyan basta kasama 'yon.

And the list goes on. Marami pa akong sinabing responsibilities nya pero hindi ko na iisa-isahin dahil mauubos ang time natin. Sana naman ay matandaan nya ang lahat ng 'yon. I'm gonna punch her talaga kapag nakalimutan nya kahit isa man lang sa mga 'yon.

"Doon naman tayo sa mga rules. Kakaunti lang naman ang mga 'to. Wag kang mag-alala." Saad ko sa kanya. Simple lang naman ang mga rules ko.

"Rule no.1, bawal manlandi ng iba except sa kapartner mo."

Subukan lang talaga nyang manlandi ng iba. Makikita nya ang hinahanap nya. Sa panahon pa naman ngayon ay nagkalat na ang malalandi. Nako, wag lang talaga syang papahuli sa akin. Respeto naman sana sa akin.

"Rule no.2, wala kang dapat pagsabihan ng ginawa nating deal and wala ring dapat makaalam." This should be exclusive only to the both of us.

"Rule no.3, bawal kang makipaghalikan sa iba." Argh! Hindi ko alam kung bakit ko sinama 'yon. Tsk. Kapag nalaman ko talagang nilabag nya 'yan, puputulin ko ang daliri nya.

Hindi ko isasali yung don't fall in love kasi may possibilities talaga na isa ang mahulog sa amin. But we signed up for this and we must face the consequences. Hindi na kasalanan ng isa iyon.

"Hmm... wala na akong maisip. Pwede na siguro ang mga 'yan sa ngayon. Tsaka ko na lang idadagdag 'yung iba."

"May suggestion ka ba? May gusto ka bang idagdag? Siguraduhin mo lang na maganda 'yan ha." Magmula kanina ay tahimik lang syang nakikinig sa akin at hindi nagsasalita.

"Wala naman. Nasabi mo na lahat eh." She said. Good to know na agree sya sa gusto ko.

"Wait. Meron pala. 'Yung kay Calix, baka naman pwedeng ipa---" Hindi ko na sya pinatapos lang magsalita. Argh. Bakit ba ang kulit nitong babaeng 'to? Halatang may gusto sya doon sa asungot na 'yon.

That Calix guy is ugly. Ampanget naman non eh. Walang-wala kung ikukumpara sa akin. Ano kayang nakita ni Xyzrielle sa lalaking 'yon. Nakakapang-init ng ulo.

"Don't you dare?!" Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya. Mukha naman syang natakot.

I smirked secretly. Ayan tama lang 'yan. Matakot ka nga sa akin.

"Okay, before anything else, let's seal our deal with a kiss."

Hindi ko na inantay pa ang kanyang magiging reaksiyon. I quicklt kissed her. I am starting to love her lips. Confirmed. I'm addicted with her kisses. I'm not gonna deny it anymore naman. And here it is, the unfamiliar and unexplainable feelings I get whenever I'm with her.

Ramdam na ramdam ko ang kakaibang pagkabog ng puso ko. I can feel the tingling sensation on my stomach. I can also feel the so called butterflies-in-the-stomach.

Nagpaalam na rin ako sa kanya matapos ang lahat. Pero hindi ko makakalimutan na ibigay ang number ko sa kanya. Hindi ko na hiningi pa ang kay Xyzrielle. Dahil duh~ dalagang pilipina ako. Hindi dapat ako ang nag-aapproach sa kanya. Kahit anong mangyare, sya dapat ang magmake ng move. Manigas sya kakaantay. Hmp.

Ano kayang mangyayari bukas? It's our first day. Sana naman ay maging successful ang lahat.

_____//_____

Edited - you might have noticed na nawala ang ilang mga comments sa chapter na 'to.

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon