Chapter 40

33K 1.1K 519
                                    

Xyzrielle's PoV:

"Babyloves, pupunta ka ba sa party mamaya?" Tanong ko kay Athena. Wednesday na ngayon at mamaya na ang party ni Akira.

"Pang ilang tanong mo na ba sa akin yan ah? Pa ulit-ulit? Unli ka ba? Sinabi ko na ngang hindi eh." Masungit nyang turan at humalukipkip pa.

Napakamot ako ng aking ulo. G na g sa akin eh. Hmp. Parang nagtatanong lang naman ako huhuhu.

"How about you? Pupunta ka ba?" Napalunok ako ng wala sa oras dahil doon. It's her first time na itanong sa akin 'yan. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba.

"Syempre hindi. Wala ka roon eh." Kinakabahan kong sagot sa kanya. I let out a forced a laugh.

Tinitignan ako ni Athena nang mabuti na para bang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Nako po. Hindi pa naman ako sanay na magsinungaling huhuhu.

"Are you sure?" She said habang matamang nakatingin pa rin sa akin.

I faked a cough before amswering her question.

"Oo nga, babyloves. Atsaka, may trabaho ako noon diba?" I reasoned out. At talagang dinamay ko pa ang trabaho kl. Wala akong pasok ngayon dahil sarado ang bar.

"Oh, okay." She nodded her head. Pinagpatuloy na naming dalawa ang kinakain nami..

Yes!

Whooo!

Buti naman at nakaligtas ako!

I think, hindi rin sasama ang mga tropapips nya sa party dahil wala ang kanilang pinakaleader which is a good thing. Walang magsusumbong sa akin.

Pero teka lang...

Bakit ba ako kinakabahan ha? Eh hindi naman ako nagloloko sa kanya. Kumalma ka lang, Xyzrielle. Wala namang mali sa ginagawa mo.

"Guys, don't forget mamaya ah. Sa bahay ko ng 6pm para maaga tayo makapagsimula." Rinig kong sigaw ni Akira which earned a loud cheer from the crowd. Mukhang game na game sila ah. Ako rin eh. Can't wait na makatikim ulit ng alak.

Mabilis natapos ang mga natitira naming subject. Nagdiscuss lang ang ibang teacher at nagpanotes sa amin. Para raw may marereview kami kung sakaling magpaexam sya.

Nang matapos na ang klase namin, nagpunta na ako sa classroom ni Athena. Tamang-tama naman at tapos nang nagdiscuss ang prof na nagtuturo sa kanila.

Mabuti naman at hindi na ako mag-aantay pa. Well, lagi kasing late magpauwi eh. Nako, kung ako yung students non, asar na asar na ako. Grabe eh. Hindi maawat sa paglelecture. Parang walang bukas. Magkikita-kita naman ulit. Hmp.

Agad kong kinuha ang bag ni Athena nang makita kong nakalabas na sya. Nagsimula kaming maglakad papunta sa parking lot ng University.

"So, kamusta ang araw mo?" Pag-oopen ko ng topic sa kanya. I want to know.

"It sucks because I saw my classmate holding my pen. And nung tinanong ko kung kanino 'yon, sinabi nyang sa kanya raw 'yon." Nakabusangot nyang kwento sa akin.

I can't help myself buy to pinch her cheeks. Ang cute nya kasi. Isang matalim na titig ang mabilis na ibinigay nya sa akin.

"I really hate liars pa naman because I believe that liars go to hell." Ramdam na ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitawan nya.

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon