Chapter 17

36.3K 1.2K 400
                                    

Xyzrielle's PoV:

Owemji! Ang pogi naman nitong lalaking 'to. Ano kayang name nya? Baka sya na ang future bf ko na matagal ko nang inaantay.

Mygoodness. Mabuti naman at dumating na rin ang hinihingi ko kay Lord.

I snapped into reality nang magsalita sya. Napapikit ako nang mariin. Ang ganda ng boses nya. It's so pleasing to ny ear. Naiimagine ko na kapag nanligaw na sya sakin.

'Grabe ang imagination ah. Hindi ko mareach.'

Shut up, brain. Papansin ka talaga. Hindi mo man lang ako isupport kahit ngayon lang.

"Babe, mabuti naman at naabutan kita rito. Iinvite sana kit---"  Hindi na sya pinatapos pang magsalita ni Arte dahil sumabat na sya.

Gosh. Magkakilala pala sila. Sasabihan ko nga mamaya si Athena na ipakilala ako rito kay pogi. Pero ano raw? Tinawag nyang Babe si Bab-- este, si Athena?

"Stop it, Lucas. And wala akong pake sa mga pinaggagawa mo!" Mahahalata ang inis sa mukha ni Athena. Magkasalubong na ang dalawa nyang kilay.

Wow. Lucas pala ang name ng future boyfie ko.

"Ouch. Alam mo... nakakasakit naman 'yang mga words mo, Babe. But I wouldn't stop until you have a boyfriend na. Sa nakikita ko, you're still single pa naman." Lucas said.

Ugh! Ako na lang ang jowain mo, bebe. Hindi kita papahirapan. Sayo na agad ako.

I mentally slapped myself. Lumalabas na naman ang maharot na side ko. Jusko.

Napatingin ako kay Arts na hindi na maipinta ang mukha ngayon. Maya-maya pa, bigla na lang syang tumawa na parang nahihibang. She encircled her arms on my wrist. Kumapit sya sa akin.

What the heck?! Anong nangyayari? Paki-explain naman sa akin. Mukhang may plano pa naman ang isang 'to.

"Oh, huli ka na ata sa balita, Lucas. Sad to say, Wala akong maipapakilalang boyfriend sayo." She said.

"Pero merog akong lovable girlfriend and here she is. Diba, baby?" Dagdag pa nya at tumingin sa akin na parang nagsasabi na 'sumabay ka na lang kung hindi, papatayin kita'.

Ayoko pa namang mamatay dahil imemeet ko pa si bebe Lucas. So, sinunod ko na lang si Athena.

"Yes, baby. And Mister, tigilan mo na rin ang balak mo kay Athena dahil akin lang sya."  I said at inakbayan si Bab-- este, si Athena.

Argh! Ano bang pinagsasasabi ko ha? Pahamak na bibig 'to. Kung ano-ano na lang lumalabas eh. Halos masuka ako nang marealize ko kung anong sinabi ko. Pwe. Kadiri.

Lucas laughed drastically na para bang nahalata nya na acting lang ang lahat. Hala. Hindi ba sya satisfied sa performance ko? Dibale, sa susunod ay gagalingan ko.

"Sino naman 'tong hinire mo, Athena para magpanggap na jowa mo? At girlfriend pa talaga ha? Hindi nyo ko maloloko. Straight as a pole ka diba? Kelan ka pa bumaliko?" He said while smirking.

I gulped. Lagot. Pano na yan? I can sense na parang natense si Arte sa sinabi nya. She's nervous.

"Kung totoo nga kayo, then I want some proof. Gusto kong magkiss kayo sa lips. Nang mapatuyan nyong kayo talaga." He added.

Gosh. Ikaw na lang kaya ikiss ko. Chos. Bebe Lucas, stop mo na 'yang ganyan. Baka mamaya, hindi ko mapigilan ang sarili ko at iuwi kita sa bahay. Sige ka.

"We didn't need to do that. Wala kaming dapat patunayan sayo!" Naiinis na saad ni Athena. Umalis na rin sya sa pagkakaakbay ko. Nakapameywang na syang nakaharap sa kausap nya.

Nako po. Galit na sya—— ay, inis pa lang pala.

"What? Madali lang naman ang pinapagawa ko at normal lang 'yon sa magcouple. Unless, hindi totoong kayo." He scoffed and smirmed.

Ang tapang naman ni Bebe Lucas ko. Oo, ko. Support ko sya. Pero wait lang, anong sinabi nya?

Maybe, we need to do that para matapos na 'to. Gusto nya ng kiss ha. Pwes, pagbibigyan namin sya.

Hindi ko na hinayaan pang umangal si Arte. I pulled her closer and kissed her again. Pang-ilan na ba 'to? And yet, I'm can still feel that there's something unexplainable happening on my whole body. Lalong-lalo na sa puso ko na sobrang bilis ng kabog.

Ang soft talaga ng lips nya. She also tastes so sweet. It's addictive. I wonder kung anong sekreto nya.

I felt that she encircled her arms on my nape as I placed mine on her hips. Our bodies' touching. Mahihiya ang hangin na dumaan sa pagitan naming dalawa sa sobrang lapit na sa isa't isa.

I gently bit her lips and inserted my tongue on her mouth. She gladly answered my kiss. We started to devour each other's lips. I tilted my head for much access.

Aminin ko man o hindi, talagang nag-eenjoy ako sa nangyayari. Wait. Let me rephrase that. Nag-eenjoy ako everytime I kissed her. Gosh. I sound like a pervert person.

I don't know if she wants it too pero wala naman akong naramdamang pagtutol sa kanya. So I guess, she's okay with it.

Mas lalo nya pang pinagdiin ang mga katawan namin to deepen our kiss.

Ako na ang naunang magbawi. Kailangan namin ng oxygen atsaka, andito pa rin si Bebe Lucas na nakatingin sa amin.

Baka mamaya ay may magsumbong sa Dean na naglalive show kamk at nagPPDA.

Atsaka, who knows? Hindi namin alam kung may mga camera na nakatapat sa amin. Baka may makapagvideo ng pagkiss ko kay Athena. Mahirap na. Instant sikat na naman ako nyan kapag nagkataon.

Nakita kong nakatulala sa amin si Bebe Lucas na parang hindi makapaniwala sa nasaksihan ng dalawa nyang mata. Si Arte naman ay namumula ang mukha. Maybe, dahil sa ginawa namin. Halatang hindi nya ineexpect 'yon.

"Mister, I guess that's enough, right? So if you excuse us, marami pa kaming gagawin ng girlfriend ko." I said.

Hindi ko na inantay pa ang sasabihin nya dahil mabilis na hinila ko na si Arte. Pero syempre, hindi yung hila na bara-bara lang. I held her hands and intertwined it with mine. Mukha naman kaming sweet sa lagay namin. Okay na siguro 'to.

"So, saan tayo pupunta ngayon?" I asked her. Napatampal na lang ako sa aking noo nang marealize ko ang aking sinabi.

"Oh really? Ikaw kaya 'tong nanghila-hila sa akin. Tapos hindi mo naman pala alam kung saan ang destination natin." Mataray nitong saad sa akin with matching roll eyes pa. Patirikin ko 'yan, sige ka. Hmp.

Ayaw ko nang patulan pa sya dahil for sure, hahaba lang 'to. I badly want to go home and rest. May work pa ako mamaya eh.

"Let's go in my place na lang." Suwestyon ko. Mas safe rin doon. No one can see us. Mas makakapag-usap kami nang masinsinan dahil tahimik at walang istorbo.

I saw how her eyes widen in shock. Kitang-kita ko rin kung paano sya namula.. Wait. May mali ba sa sinabi ko? Ang weird ng reaction nya.

"Oo nga pala, pumapayag na rin akong maging fake girlfriend mo kaya tara na." I said. She nodded her head. Sabay na kaming sumakay sa kotse nya.

_____//_____

Edited - you might have noticed na nawala ang ilang mga comments sa chapter na 'to.

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon