Chapter 22

36.4K 1.2K 604
                                    

Athena's PoV:

Habang inaantay namin si Jared at ang mga foods ay naisipan muna naming magchikahang tatlo.

Oo, tatlo. Hindi kasama si Brownie. Tahimik lamang sya sa isang tabi. Alam kong nao-op na sya but I don't care muna. Siguro ay nagtitingin-tingkn na lang sya sa mga kaibigan nya na nasa malapit lang.

"Stacey, kumusta naman 'yung naka one night stand mo?" Pag-uungkat ni Ella.

Yes, pati ang mga iyon ay hindi nakakalagpas sa amin. Wala kaming tinatagong lihim sa bawat isa. We trust each other. Updated kaya kami sa lahat ng nangyayari.

"Oo nga. Nakita mo na ba sya ulit?" Dagdag ko pa.

Nasabi nya sa amin na gusto nyang mameet ulit ang taong 'yon. Medyo nacucurious na rin kami dahil sino nga ba ang nakakuha ng interes ng dakilang playgirl ng SU. Knowing Stacey, hindi sya naghahabol sa kahit na sino.

Nakita kong napabuntong-hininga sya.

"To tell you guys honestly, hindi ko pa sya uli nakikita. But once na makita ko sya, I'll make sure na hindi na sya mawawala sa paningin ko. And oh, I really miss her fingers inside of me. Ang galing ng performance nya." She said. She's smirking devilishly na para bang may binabalak.

By the way, nasabi nya rin sa amin na babae ang naka one night stand nya.

Pero mygoodness! Wala talagang preno ang bunganga ng isang 'to.

I gulped. Ano kayang feeling ng ganon noh? Masarap kaya? Nakakabaliw ba? Mafefeel mo ba talaga ang heaven? Parang gusto kong itry.

Napatingin naman ako sa Baby ko na kasalukuyang nagtatype sa kanyang cellphone. I unconciously bit my lips. Damn. Ang haba ng daliri nya. Ano kayang feeling kapag nasa loob ko na 'yan?

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng akin pisngi dahil sa aking naiisip. Paniguradong namumula na ako.

Erase, erase, erase. Ano ba 'yan, Athena? Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan mo.

Nakita kong ngumingiti si Xyzrielle habang nakatingin sa cellphone nya. Napataas ang isa kong kilay ko dahil doon. Ano bang meron sa cellphone nya? I noticed that she's texting someone. Since magkatabi kami ay kitang-kita ko ang ginagawa nya.

I took a peak at nakibasa.

What the hell?! Ano raw? Gagala raw sila? Bitch, please. Sino naman ang isang ito? Kanina 'yung surot na si Rian tapos may bago na naman sya ngayon. May balak ba syang makipagmeet up sa iba mamaya?

Agad kong kinuha ang cellphone na nasa kamay nya. Alam kong nagulat si Xyzrielle sa inasta ko. Mas mabuti na rin iyon para hindi na sya makapagreply pa sa kausap nya.

"No cellphones allowed kapag kumakain. Kapag manlalandi ka, siguraduhin mong hindi mo ko kasama." Sunod-sunod kong saad sa kanya.

Pinaulanan ko si Xyzrielle ng masasamang tingin nang malaman nyang naaasar ako sa gingawa nya.

"Sa iba nakakapagtext tapos sa akin, hindi? Tsk. Sino naman ang MarGanda na 'to?" Dagdag ko pa.

Sa iba ay may load sya tapos sa akin wala? Napaka unfair. Gaano ba kaganda ang MarGanda na 'yan ha? I'm sure that I'm the prettiest among the rest. Hindi pa naipapanganak ang babaeng tatalo sa beauty ko. Duh, I'm Athena. Isang dyosa.

"May sinasabi ka ba, Athena? Pwedeng pakilakasan? " What?! Bakit hindi nya narinig? Ang bingi naman nya. But wait a minute. Ano raw? Athena?

"Ano? Bakit Athena na lang ngayon? Kaninang umaga ay Baby tawag mo sa akin. Ang bilis mo naman atang makalimot." Mas lalong sumama ang matalim na titig ko sa kanya.

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon