Chapter 51

39.4K 1.3K 1.3K
                                    

Xyzrielle's PoV:

"K-Kanina ka pa riyan?" Nauutal kong tanong. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaba dahil nakakatakot ako sa nasasaksihan kong estado nya.

I'm stunned on my spot. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Halo-halong emosyon ang nararamdaman. It's like she caught cheating.

"What do you think?" Walang emosyon nitong tanong na mas nakadagdag ng takot sa akin. Nanlalamig na rin ang aking katawan.

Does it mean na nakita nya 'yung ginawa ni Shane sa akin?

If yes, then I'm doomed. Naloko na.

Bakit ba kasi bigla na lang nanghahalik ang isang 'yon? Tsk. Idol nya ata ako.

Unti-unting lumapit sa akin si Athena. But wait, assuming lang pala ako dahil nilagpasan nya lang ako at naglakad papunta sa kanyang sasakyan.

Mygoodness. Bakit hindi ko napansin iyon kanina?

"Wait." Pagpigil ko at humarang pa sa kanyang dadaanan.

"What?"

"Saan ka pupunta?" I asked. I saw how her eyebrows arched.

"Uuwi na ako samin kaya tabi!" Naiinis nitong turan. Hindi ba't walang tao sa kanila at dito sya matutulog sa akin?

"No. Hindi pwede." Hindi ko sya hinayaan na makadaan. The whole time ay parang naglalaro kami ng patintero at ako ang taya.

"Argh! Bakit ba ang kulit mo?!" Ramdam na ramdam ko ang panggigigil sa kanyang tinig ngunit hindi ako nagpatinag doon. I also noticed that she's clenching her fist. Parang anytime ay pwedeng-pwede na syang manuntok.

"Bakit uuwi ka na agad?"

"It's none of your business." She said coldly.

Pilit pa ring dumadaan si Athena pero ko sya hinahayaan. Ganoon ang nangyari sa amin ng ilang minutong nakalipas. At medyo napapagod na rin ako kakatayo.

*Ting*

Isang ideya ang pumasok sa aking isipan. Mukhang kailangan ko na 'yong gawin. Tinignan ko ang mukha ni Athena at halatang asar na asar na sya. Pero hindi man lang nabawasan ang ganda nya.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na syang...

binuhat na parang isang sako. Sorry, Baby Athena. Kailangan ko lang talaga gawin 'to. Akala nyo siguro ay ikikiss ko sya noh?

"Damn you! Ibaba mo ako, you're a jerk!" Sinimulan nyang paghahampasin ang aking balikat pero hindi ko na lang 'yon pinansin.  Nagsimula na akong maglakad papunta sa inuupahan kong kwarto.

"Bakit parang gumaan ka yata?" I asked instead. Totoo 'yon. Kumakain pa ba sya ng tama?

"Does it mean na mataba ako?!" Singhal nito sa akin at mabilis na hinampas ako.

"What? Hindi 'yon ang gusto kong sabihin. I mean, mapayat ka na dati. Mas lalo ka pang pumayat ngayon."

"Argh! For your information, I'm not payat dahil sexy ako! Get off me nga!" Sinimulan nya na naman muling hampasin ang aking balikat.

Kunting tiis na lang, Xyzrielle. Malapit na kayo. I made sure na hindi sya makikitaan if ever man na may makakita sa amin.

"Kapag binitawan kita, you'll end up falling. Ikaw din." Pananakot ko kay Athena.

"Tss. Ganon naman talaga ang gawain mo diba? Ang galing mo kasing magpafall! Tapos hindi mo naman sasaluhin." Parang double meaning naman ang sinabi nya.

Napakunot-noo ako. Kelan ako nagpahulog ng tao? Nag-iimagine na naman siguro sya ng mga bagay-bagay.

"What? Ano bang sinasabi mo riyan? Kaya nga hawak kita para hindi ka mahulog diba? If ever man na mangyari 'yon, I won't hesitate to catch you." Simple kong saad. Wala akong narinig na salita mula sa kanya.

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon