Leiryn

844 15 11
                                    

Ako si Lara Jean na walang Peter Kavinsky. Ako si Kathryn Bernardo na walang Daniel Padilla. Pwede din naman akong maging Liza Soberano kaso walang Enrique at madami pang iba pero ang dulo nito, gusto ko lang sabihin na WALA AKONG JOWA! WALA! HUHU.

Ako si Leiryn Enrile. Wag kayo papaloko sa apelyido ko. Hindi ko kamag-anak si Juan Ponce Enrile at laking pasasalamat ko na din dahil hindi ehehehe. So yon mabalik tayo, isang simpleng estudyante lang ako na nagaaral sa isang semi-private na school. Eastwood High. Hmm, ano pa ba sasabihin ko? A-aaah!! Yon, meron akong crush sa school ehehe his name is Travis Andrei Santos. Pero bakit ba wala akong jowa? Kasi panget ako uhm, hindi ko alam kung panget ba ko super o hindi lang talaga maganda? Aish basta. Im tall, chubby, kayumanggi at pango. Throwback muna tayo para malaman nyo kung bat ko nafifeel na hindi nga talaga ako kagandahan.

*throwback*
(Scenario #1)
"O anak, mag-hi ka sa mga Tita mo" Mama. Lumapit ako at ngumiti

"Hello po"

"Aba eto na ba ang anak mo? Pwede ng lumaban yan sa mga beauty contest ah" tita

Sa loob loob ko, gusto ko na ngumiti hahaha. O sige tita sabihin mo kung bakit.

"Oo nga mare, matangkad e" tita #2 okay matangkad, ano paaa.

"Matalino pa mare" tita #3 okay another catch, antagal naman ata nung hinihintay ko pero teka naka kasunod na...

Ilang minuto na ang nakalipas at ngayon, iba na yung topic nila pero hindi nila binanggit yung MAGANDA HMP!

(Scenario #2)

Andito ako ngayon sa room kasama ng mga kaibigan ko at nag aayos. Okay lets start. Kinuha ko na yung pulbo, curler, liptint at suklay ko. Hindi ko na mabilang bilang kung gaano kadaming beses ko na niretouch yung mukha ko at hindi padin ako nasasatisfy hanggang sa umimik yung kaklase kong maganda kasama yung bestfriend nya

"Ano ba yan ayos ng ayos wala naman nababago"

"Ay grabe Leiryn ano ginagawa mo ang laki ng mukha mo!"  Napapikit nalang ako. Whooo inhale..exhale..chill kalang Leiryn. Ngumiti lang ako sa kanila at pinakyuhan sila. Friends ko naman sila pero ang shaket padin. Sayang lipchuk!!

*end of throwback*

Ilan lang yan sa mga scenario ko sa life pero ano pa ba magagawa ko e eto nako, hindi ko naman pwedeng sabihin kay Lord na paggising ko sana maganda nako HAHAHAHA. So yon maiba tayo, samahan nyo ko sa magiging adventure ko sa life!!

The Dating GameWhere stories live. Discover now