Game Over

21 1 0
                                    

It's been 4 days since our Siargao Trip at after non, hindi na talaga ako nagpakita kay Andrei. He tried asking me out pero tumatanggi ako. Kung ano ano ng dahilan yung sinabi ko. Ewan, ayoko na. Siguro naman nakatulong nako sakanya. Hindi din ako masyadong nakakatulog dahil sa kaiisip. Aaaaaah bat ba ganito? Huhu. Ngayon, resume na ulit ng klase namin kaya kinakabahan ako. As much as possible, ayoko muna makita si Andrei. Kung pwede sana tsaka nalang kapag hindi ko na sya gusto.

"Sis!! Dito dito!!" Sigaw sakin ni Chandria kaya kumaway ako at ngumiti pero huli na nung nakita kong andon silang lahat.

"Are you okay? Hindi ka sumasama sa mga yaya ko sayo eh." Andrei. Tumango ako sakanya at pilit na ngumti.

"Sis, una nakoooo sa room okaaay?"

"Hatid na kita-" Andrei

"Hindi na, okay lang" nakangiti kong sagot sakanya at naglakad na paalis.

*

"So ano final na ba yan? Goodbye feelings na ba talaga?" Chan, sinasabi ko na kasi sakanya lahat.

"Oo sis, ang hirap eh. Ako lang yung naapektuhan sa lahat ng ginagawa nya. Pag masaya ako, hindi ko alam kung ganon din ba yung nararamdaman nya talaga. Ah basta yoko na huhu" sabay ub-ob ko sa desk ko.

"Asan na yung Leiryn na mataray? Halikaaaa, libre kita!!" Kahit hindi ko nakikita kung sino yon, paniguradong si Riley yon. Itinaas ko yung kamay ko, sign na "no thanks". Hindi sya umimik pero ramdam kong tumabi sya sakin.

"Bakit kaba nandito? Wala ba kayong klase?" I asked

"Obviously tsk pero hindi pa ba inaannounce sa inyo? Diba may biglang meeting yung mga teachers?" Tumango lang ako at umub'ob na ulit pero inuga ako ni Riley

"Anooo ba hindi ako sanay na ganyan ka. Chan, andyan na yung mokong at ikaw Leiryn, sasama ka sakin" Aangal pa sana ako pero hinigit na na nya ako. Ilang saglit pa at nakadating na kami sa field.

"Teka jan ka lang may kukunin lang ako" Tumango lang ako sakanya. I shouldn't be like this over a guy like eww?? Corny ko pero ewan, ganon ba talaga pag tinamaan ka? Aish.

"O, kumain ka muna" Riley habang inaabot sakin yung pagkain. Ngumiti ako at nagthank you.

"Aaah ang creepy mo bat hindi ka nagtataray ngayon? Ano ba? Spill it"

"Diba sabi mo kapag hindi ko na kaya, sabihin ko lang sayo. Riley, ayoko na. Hindi ko na kaya pero ayokong sumuko kana rin. Let Stacey decide first" hindi sya umimik pero niyakap nya ako.

"Like what I said before, hahayaan ko na sila. Besides, hindi ko talaga maintindihan si Stacey. I hate to admit pero pakiramdam ko namamangka sya sa dalawang nagwagwapuhang ilog-aray ko naman!" Hindi ko na talaga napigilang sapukin ang isang 'to.

"Ang hirap din naman manghula. Simula day 1 natin, oo hindi maiiwasan na mag assume ako na baka ako talaga yung gusto nya pero alam mo yon? Ang hirap sa pakiramdam ko, sa pakiramdam natin na palagi nalang tayong naghihintay. Naghihintay kung kelan nila tayo mapapansin and with that, QUIT NA DIN AKO" he said while smiling na nakatingin sa kawalan.

"I guess I dont have to share my worries anymore. Sa lahat ng tao, you'll be the one na alam yung nararamdaman ko. Aaah, Riley ang hirap mainlove!!" Pinisil nya yung magkabila kong pisnge at ngumiti.

"Masarap mainlove. Mahirap lang satin kasi tayo lang yung inlove" natawa kami pareho and after that trip, ngayon lang ulit gumaan yung loob ko.

-

"S-so are you telling na ititigil na natin yung game?" Stacey, ewan ko ba dito sa unggoy na 'to.

The Dating GameWhere stories live. Discover now