Let's date....

35 2 0
                                    

It's another day pero tinatamad pa akong gumalaw galaw. Ano na bang date ngayon? Aaah it's friday na pala at halfday lang kami ngayon since sa monday na yung ball.

"Ma alis na ko"

"Oki nak ingaaat, don't forget to go kay Mami latur for your fitting"

"Yup love you ma"

"Love you too take care cause I care carebear!" Natawa nalang ako dahil sa kacutan ng nanay ko at pumunta na sa school.

"Ay wow hiyang hiya naman ako, so ano ang peg ko? Thirdwheeling ganorn?!" Sabi ko sa sis ko pati narin don sa Joshua na mukhang g na g sa larong ito.

"Hay nako sis, halika na muna sa cafeteria. Wala naman tayong gagawin eh"

"Nga pala Leiryn, I would like to say sorry in behalf of Andrei-"

"Shh boi im all good" sabay kindat ko sakanya. Truly naman yon ano, kebs ko ba kung hindi sya nagagandahan sakin.

Pagkadating namin sa cafeteria, andon yung tatlo. Si Andrei, Riley, at Stacey. Agad namang lumapit samin ni Riley at ginulo yung buhok ko.

"Ano baaaa!!"

"Ay wow galit na galit? Halika libre ki-" naputol yung sinasabi nya kasi hinigit ako ni Andrei-- teka teka omg ano to!!!

"Bro she's my date. Ill take care of her" HANUDAAAAW? AAAAH HATDOG CHEESEDOG TAE MONG BILOG!!

"YIEEEEEE" kantyaw nila samin at kita kong kumindat sakin si Riley.

"Well then, iiwan na namin kayo" and with that, umalis na nga yung apat at eto ako hindi makaalis sa tinatayuan ko.

"Ah Andre-" naputol yung sinasabi ko dahil wala na sya sa harap ko at naglalakad na palayo sakin. Aish sinasabi ko na nga ba eh! Bat ba naasa ako sa mokong na to.

Naglakad nalang ako papunta sakanya

"Hooooy bat moko iniwan don!"

"Look, wag kang umasa na totoo yung sinabi ko. I just did that to see Stacey's reaction kaya please don kana lang, badtrip ako"

"Okay fine sunget!!" Akmang aalis nako pero umimik sya

"Pero teka, since parehas naman tayong walang kasama. Siguro pwede ko na pagtyagaan ka." Napapikit ako. Lord please pigilan nyo po akong sakmalin itong gwapong nilalang na nasa harap ko. Crush ko sya pero Lord, hindi ko na kayang magpagirl!!

"WOW HIYANG HIYA NAMAN AKO NO FEELING MO NAMAN" For the first time, ngumiti sya.

"You got some bad temper ha? Ahahaha halika na libre kita!"

"Okaaay tara naaa"

Andrei'sPOV

Kanina ko pa pinagmamasdan 'tong babae na 'to at mukhang okay naman sya. I dont see her as a woman pero nakikita ko kung bakit komportable sakanya si Riley.

"Hoy kanina pa tayo naglalakad ah? Pagod nako kaya siguraduhin mo lang na mabubusog ako sa libre mo ha!" I can't help but chuckle

"Isa pa yan ha! Kanina mo pa ko tinatawanan, alam ko hindi ako maganda pero hindi naman ako super panget no hmp. Ayon na yung milkteahaaan!!"

Nauna na syang maglakad and bigla kong narealize na hindi pa nga pala ako nakakapagsorry sakanya. I didn't mean what I have said yesterday, nung sinabi kong hindi sya kagandahan. It's just that, hindi ko maintindihan kung bakit sila pumayag sa trip ni Riley knowing na we are total strangers to each other. Kaya nainis ako.

"Hoy brown sugar akin, ikaw na bumil-" pinutol nya yung sinasabi ko

"Hep! Dark chocolate yung akin" at iniwan akong nakatayo don. Aaaah grabe babae ba to? Umorder nako at pumunta sa sa table kung nasaan sya. Walang umiimik samin kaya nagcellphone nalang din ako kasi yon lang din naman yunh ginagawa nya pero di nagtagal, nag initiate nakong umimik.

"Pano mo nakilala si Riley?"

"Nabangga ko kasi sya nung monday and kung nagtataka ka kung bakit parang close na kami, ewan ko din don sa pinsan mo. Bigla nalang akong kinulit"

"Eh ba't naman pumayag kayo sa walang kwentang laro na yon? I mean, tingnan mo nga hindi mo ko kakilala personally eh" Natahimik sya at yumuko lang.

"I just wanted to help him"

"Help him saan?"

"Wala lang, edi para masagawa nya yung game nya hahaha. At first tinawanan ko lang din sya because even the name of the game is sooo lame. Pero makulit sya so I just gave him my "yes" "

"Since wala din naman tayong choice dahil for sure maiiwan at maiiwan lang tayo palagi, why don't we just make good use of the 2 months? Let's date!" Hindi agad sya nakaimik kaya sinundan ko na agad yung sinasabi ko.

" Let's date and help me make Stacey jealous "

The Dating GameWhere stories live. Discover now