ST Part 2: Stacey the bitch

24 2 0
                                    

Leiryn'sPOV

After namin magmomoment sa dagat, charot lang yung moment keme HAHAHAHA! So yon na nga, papunta na kami sa villa namin para mag palit. Pumasok nako sa kwarto ko at nakitang may text don si Riley.

Riley: Saw you and Andrei sa dagat, paano mo napilit yon? Wow ikaw na. Badtrip si Stacey kasi sya mismo, hindi nya mapilit si Andrei. Wow parang iba na yan ah yieeeee

Natuwa ako sa nabasa ko pero as always, baka pumayag lang yon kasi aware sya na andon si Stacey at nakita nyang magandang opportunity yon--pero, he agreed na wala munang ganon. Aish, bahala na. Basta masaya ako.

Leiryn: Alam mo kalalaki mong tao ang tsismoso mo.

Riley: Taray talaga. Punta kayo sa may table sa labas ng villa natin, oorder na kami.

Hindi nako nagreply at nag ayos nalang. Im just wearing a hoodie and short since mejj malamig na at bukas naman na ulit ako maglalangoy hehe.

*knock*

"Are you done?" Imbes na sumagot, binuksan ko na yung pinto ay lumabas.

"Halika naaa, kakain na daw sabi nung unggoy" tumango sya at sabay kaming lumabas at nakitang andon na yung 4. Tumabi ako sa gitna ni sis at Riley kasi alam ko namang kay Stacey tatabi yung Andrei na yon pero laking gulat ko kasi tinapik nya si Riley.

"Bro isod ka nga ng konti"

"Andrei you can sit here oh" Maarteng sabi ni Stacey habang tinuturo yung katabi nyang upuan.

"Stace it's fine, I want to sit here eh" tumingin muna sakin si Riley at ngumiti bago umisod. Wow wow wow huhuhu juskooooo yung heart ko eto nanaman o :<<

"Sis look, nagpicture picture kami don kanina!!"  Pinakita ko kay sis yung pictures namin kanina

"Wow, eto yung suot mo kanina? Daaaamn so sexy!!"

"Sus sexy ba yan, patingin nga!!" Riley pero hinarangan sya ni Andrei

"Ano ba Drei titingnan ko lang eh"

"Ayan na yung pagkain. Let's eat" Andrei.

After naming kumain, napagdecidan namin na tumambay muna sa may dagat. May mga tables din kasi don and it's really relaxing.

"Andrei, do you want to switch villa with Chandria? Baka kasi hindi ka komportable" Stacey. WOW HA DIBA AKO YUNG GIRL DITO.

"Stacey kung may dapat tanungin, it should be Leiryn" Joshua, pero yung bruha nagsmirk lang.

"Si Leiryn? I doubt that, for sure nagdidiwang sya kasi kasama nya si Andrei, from what I have heard, may crush na sya noon pa man kay Andrei. Hindi kaya plinano na nya to simula palang?" Hindi ko na kayang magpigil sa babaeng to, I was about to speak pero inihampas ni Riley yung kamay nya sa lamesa na ikinagulat naming lahat.

"What's with the attitude Stacey? I am so disappointed." Riley

"L-look sorry Riley I didn't mean th-"

"Save it, I dont want to hear it. Leiryn, halika kana-"

"Please Riley, im so sorry. Hindi na-hindi ko na uulitin" yakap ni Stacey kay Riley. Blah blah, drama.

"Sis ano jombagin ko na yan!"

"Sis wag na, mas maganda lang sya satin kung ugali lang naman ang usapan, we wont stoop down to her level no. Halika na, alis na tayo dito kasi yung unggoy, feel na feel na yung yakap nung bruha" tumayo na ako pero hinigit ako ni Andrei.

"Walang aalis hanggat hindi nagsosorry sayo si Stacey."

"P-pero Drei! Nagsorry na ko-"

"Kay Riley oo pero sa paulit ulit na pambabastos mo kay Leiryn simula nung nakilala natin sila, hindi pa." Andrei. Nagulat ako kasi normally kapag inaaway away kami ni Stacey, magsosorry lang yan pero hindi nya pinagsasabihan si Stacey.

"I can't believe you Andrei! Nung una si Riley tapos pati ikaw?"

"No Stacey, I can't believe you. I can't believe na ganyan ka. Now, say sorry" as always, iyak mode si bruha kaya umimik nako.

"You see, saying sorry is that hard for her to cry. Enough na, kala ko ba relaxation kemerut ang dinayo natin dito? Pano mga boss, una nako sainyo"

"Sorry!" Pagalit na sabi ni Stacey nung nakatalikod nako. Better than nothing, tinaas ko lang yung kamay ko at winave. Andaming ganap for today ha! Sana bukas, masaya lang hihi.

The Dating GameWhere stories live. Discover now