The Dating Game

46 3 0
                                    

Andito ako ngayon sa open field kasama si Riley at Chandria. Napakilala ko na sila sa isa't isa and okay naman. Unlike samin ni Riley na nagclaclash, okay naman sila.

"So bago dumating sila Andrei, i'll tell you guys the plan." Riley. 

"Okay spill it" siz

"We're going to play the dating game at yung flow ng game? Simple lang, date each other at pano natin malalaman kung sino yung makakadate natin? Bunutan, simple as that. Kaya ikaw Leiryn, wag kana magdalawang isip dyan kasi hindi naman natin dadayain eh. It's all up to fate." Sabay kindat nyang sabi. Okay that's sounds okay pero sana wag naman ako mapair kung kanino. Pero ewan parang may iba akong nararamdaman sa mokong 'to parang may gagawing hindi maganda eh.

"Sis are you sure you want to do this? I mean kung gusto mo magkajowa you can just date someone na kilala mo na" Chandria

"Pagbibigyan ko lang to-" naputol yung sinasabi ko dahil dumating na sila Andrei. Waaaa he's so gwapo!! Automatic na napatingin ako sa baba eh.

"Hoooy andito na pala kayo, Andrei, Stacey, Joshua, eto si Leiryn at Chandria. Upo muna kayo" tahimik lang silang umupo sa harap namin at tumayo naman si Riley.

"Maglalaro tayo guys, this game is called The Dating Game" nakangiti nitong sabi pero sumulyap ako don sa tatlo at mukhang yung Joshua lang yung interesadong makinig.

"Why would we participate jan eh nagdadate naman na kami ni Stacey? Bro were out-" Andrei pero pinutol sya ni Stacey

"No Drei, it sounds fun" pumalakpak naman si Riley.

"At pano naman laruin yan?"

"Simple lang, date each other for 2 months. Do what you usually do when you're dating someone. Pag nafall kayo, good. Pero kapag hindi, that's fine. Tapos na yung laro"

"You're talking nonsense eh hindi nga namin kilala 'to eh" Andrei pertaining to us

"Shh shut up bro. Sinong g?" Unang nagtaas ng kamay si Stacey

"Stace? What the hell?" Andrei

"Shut up dude ayusin mo yang salita mo" Riley. Nagtaas na din ng kamay ni Joshua at Chandria kaya sumunod na din ako at lahat kami nakatingin na kay Andrei.

"Aish, fine!"

"Okay nice, sige na suot nyo na 'tong mga blindfold nyo. Magbubunutan na tayo. Kayo muna mauna, huli nako bubunot para may choice kayo" Riley. Sinuot nung tatlo yung blindfold nila at nung isusuot na din namin ni sis, pinigilan kami ni Riley at bumulong samin.

"Shh lang kayo, nagkachange of plans sorry hindi ko na nasabi. Help me with these" andami nyang nilabas papel na may nakasulat na pangalan namin. Mga tiglilima. Omg hindi kaya magdadaya tong gagong na to? Pinandilatan ko sya ng mata.

"Last favor Leiryn please" hindi na nya ako pinansin at pinabunot na si Andrei. Puro pangalan ko ang nakalagay don. Ganon din ang ginawa nya don sa dalawa. Puro pangalan nya kay Stacey at puro pangalan ni Chandria sa bunutan ni Josh.

"Wait wala muna mag tatanggal ha sabay sabay tayo" inabutan nya kami ng tigisang papel na may pangalan ni Andrei at Josh.

"Okay go tanggal na, check nyo kung sino nakuha nyo" PAPATAYIN KO TALAGA ITONG LALAKING TO MAMAYA AAA!! Nakayuko lang ako habang pinapakalma yung sarili ko. Si Chandria ganon lang din.

"It's a pity that I didng got Drei but nice I got you Riley!!" Stacey

"Talaga? Look! I got you too!" Nagtabi na silang dalawa at sumunod na si Joshua.

"I got Chandria"

"I got you too Joshua" nagkatinginan kami ni Andrei at panigurado, hindi sya natuwa.

"Ano ba yan? Sayang hindi kagandahan yung napunta sakin" tangina naiiyak ako

"Andrei" Riley. Tumingin ako sa orasan ko at nagpanggap nalang na kunyari may gagawin.

"Oh shoot may gagawin pa nga pala ako, congrats to the satisfied players ng game to. Una nako, Joshua bahala kana sa sis ko okii?" at dali dali nalang na umalis don. Tangina bat ba kasi ako naging pangit.

*ting*

Riley: Hoy, andito ako sa labas ng bahay nyo. Labas ka libre ko

Ha? Bat naman andito yan 5 na ng hapon eh, mga two hours na nakalipas nung umalis ako sa field kanina. Tumayo ako sa kama at nag ayos.

"Ma, labas lang ako saglit"

"Ingat. Uwi ka bago mag 6:30"

"Okii" lumabas nako at nakita si Riley.

"Ikaw talaga pag libre g na g ka ano?" Hindi ako umimik at naglakad nalang.

"Abaaa klaseng masama nga ang loob-"

"Hoy wag ka nga madaldal jan, ilibre mo nalang ako kung hindi dahil sa laro mong yan edi sana hindi ako nasaktan huhuhu"

"H-hoy teka umiiyak kaba? Tumigil ka nga hindi bagay sayo!" Inirapan ko lang sya at pinunansan na yung luha ko. Walang umimik samin hanggang sa makadating na kami sa isang milktea shop malapit sa bahay namin.

"Upo na, ako na oorder" tumango ako at umupo nalang. Ilang minuto pa at dumating na sya kasama yung inorder nya.

"Waaaa cheesecake, okay, okay na ko" natawa naman sya at kumain lang din...

"Thank you sa libre. Nga pala, ayan na yung chance mo ha! Please gawin mo na okay? Yung two months mo, sulitin mo" sabi ko sakanga nung nasa harap na kami ng bahay ko.

"Thank you Leiryn. Promise hindi nako papakatorpe. Sorry ha? Nadamay ka-"

"Shh okay na. Sige na, see you tomorla froglet!!" Akmang papasok nako sa gate pero tinawag nya ko

"Uhm Leiryn, wag lalaki ang ulo ha? Pero don't take what Andrei have said seriously. M-m-maganda ka. Bye!! Panget mo!!" Sabay takbo. Gago talaga yon pero salamat sakanya, napangiti ako.

The Dating GameOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz