Riley the Froglet

240 10 0
                                    

It's another day at school!! Sa totoo lang, ilang buwan na kami pumapasok at wala pading kakaibang nangyayari dito sa school namin bukod sa lecture, exam, lecture exam haaay jusme kakastress!! Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa classroom namin ng bigla kong nakita yung strawberry pineapple dalandan cheesecake hunnybunch at icing sa ibabaw ng cupcake ko hihi si Travis Andrei Santos. Grabe yung mukha nya hindi makatotohanan--

"Aray ko miss sino bang tinitingnan mo!"

"Ay palaka!" Pano ba naman sinigawan ako ng froglet na 'to

"Wow ako na nga nabangga mo tinawag mo pa kong palaka!" Tiningnan ko sya at inirapan

"Galit na galit gustooo manaket? Sorry naman." Akmang lalagpas nako pero umimik ulit tong froglet na to

"Crush mo si Andreeei no? Huh! Lagot ka sakin, sasabihin ko sakanya-"

"O-oy hindi ko crush yon ha s-sino ba yon?" Natawa lang sya at ngumisi bago ako tinalikuran

"Wag ka mag alala hindi mo na kailangang umamin, ako na aamin para sayo bwuahahahaha"

"H-HOY!!" hahabulin ko sana sya pero palapit na sya kay Andrei kaya tumakbo nalang din ako palayo sakanila. AAAISH MAY ARAW KA DIN SAKING LALAKI KA!!

~Room~

"Ba't naman nakabusangot yang mukha mo kaaga aga?" That's my bestfriend, Chandria.

"E pano sis, may nabangga akong lalaki kanina tapos ba naman sabi sakin sya na daw aamin kay Andrei para sakin? Omg that guy is seriously getting into my nerves!!"

"Chill ka lang sis, baka naman nagandahan sayo kaya nagpapapansin-" pinutol ko na agad yung sinasabi nya at tinapat yung kamay ko sa mukha nya

"Hep! Chandria tigilan moko sa kagaganyan mo" ngumiti naman ito sakin at nag peace sign, inirapan ko lang sya. Ano ba yan wala man lang , "Oy sis totoo kaya maganda ka" HMP!!

"Gooooodmorning Ms. Del Valle!" Yan yung head teacher dito sa Eastwood High, ang ganda nga eh. Mukha syang anghel uwu.

"Goodmorning class, i'm here to announce that there will be a ball here in our school. Since it's December, wear something festive. It's up to you kung gusto nyo mag long gown, ball gown, cocktail and any other that suit your taste. It'll happen next week. This week, iexpect nyong halos preparations lang ang gagawin natin" nagsigawan naman yung mga kaklase ko. Aish, hindi naman ako mag eenjoy don e. Nagtaas ako ng kamaya

"Oh yes Ms. Enrile?"

"Maam is it really necessary? I mean, required po ba?"

"Not really but the thing is, students who will attend will have a perfect score in their performance tasks in every subjects. Malaking bagay yon sa grades nyo" siniko naman ako ng katabi ko.

"Hoy corny mo naman, ano hindi ka aattend?" Carl. Hindi ako sumagot sakanya at nakahalumbaba lang na tumingin sa labas ng pintuan namin.

*Recess*

Eto na ata ang pinakafave kong time sa school, eating time eheheheehehe.

"Sis, ano kakainin mo?" Chandria

"Uhm, gusto ko ng palabok pero tingnan mo parang masarap din yung mami nila baka mag sopas na nga lang ako a-aay wait!! Eto na talaga, Ate magkano po yung turon nyo?" Nakangiti kong tanong kay ateng tindera

"Hay nako ineng magtatanong ka nanaman pero ang bibilhin mo naman ay mango tapioca. Eto na o" ngumuso lang ako dahil kay Ate. Eto kasi lagi yung binibili ko kasi ang sarap nya talaga!!

"Ikaw talaga sis nakakaloka ka, ayon! Sakto umupo kana don sa table don sa dulo. Bibili lang ako" tumango naman ako at umupo na. Nilabas ko lang yung cellphone ko habang kumakain.

*tok tok* napaangat yung tingin ko sa tumuktok sa table namin at napatayo agad ako ng nakita ko kung sino yon.

"Hoy ikaw gago ka ha! Hindi ko nga sabi crush yung Andrei na yon e hmp" imbes na sumagot, umupo sya sa harap ko at tumawa.

"Okay kunyari naniniwala ako."

"Aba't-" akmang babatukan ko sya pero hinarang nya yung kamay nya sa harap ng mukha nya

"Teka nga, g na g ka eh umupo ka muna"

"Bat ba ko nakikipagusap sayo eh ni hindi nga kita kilala psh" hindi ko na sya tiningnan at nagcellphone nalang ulit.

"Yuhooo!! Pansinin moko, o sige na magpapakilala nako. My name's Riley Santos- hep! Drop that shocked face of yours and base sa mukha mo, iniisip mo na kamag anak ko si Andrei? Yup, we're cousins. So yan ha? Kilala mo ko. Hello future cousin-in-law" sabay kindat nyang sabi sakin pero hindi ako gumalaw. Minentain ko lang yung serious face ko kahit na sa loob ko eh totoong nagulat ako.

"Oh ano namang pakielam ko?"

"Oooh taray. May offer ako sayo" natawa naman ako

"Ha! Patawa ka ano? Kanina lang tayo nagkita tapos ngayon may pa offer offer ka pang nalalaman"

"Ala seryoso na 'to. Just so you know, Andrei is currently flirting with someone" ouch-

"Sus di daw crush eh mukhang paiyak na- aray ko naman!" Pano ba naman masyadong matalas ang bibig hindi ko na tuloy napigilang batukan. Teka, asan na ba si sis para makaalis nako dito huhu.

"Ewan ko sayo, tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo and just so you know too, you should be happy na yung pinsan mo is currently meeting someone. Jan ka na nga" akmang aalis nako pero umimik pa sya.

"How can I be happy kung yung kinikita nya is the one that I like for so many years? Sorry sa abala. Just don't mind what I said." GRABE NAMAN BAT NAKOKONSENYSA AKO AISH.

The Dating GameWhere stories live. Discover now