Just tell me

21 2 0
                                    

Andito nako ngayon sa SM North at nakita ko na din sila Chandria kaya lumapit ako sakanila.

"Why do you look so tired? I mean, parang wala kang energy teh" Chandria

"Gusto ko lang kasi talagang matulog buong maghapon"

"Sus eh eto na nga eee makakadate mo na si Andrei!!" Pinanlakihan ko sya ng mata kaya baka malaman ni Joshua na crush ko talaga si Andrei.

"Ayon na pala sila eh" Joshua. Napalingon kami at nakita ko na yung tatlo. Si Andrei lumapit agad sakin at pinisil yung pisnge ko.

"Pano yung pula? Pano yung pulang pula yung mukha mo? Buwahahahaahha" Riley. Aaah kahit kelan basag trip talaga yon.

"Hoy Riley wag mo ngang inaasar 'tong date ko" Andrei. Wow, sana naman talaga gabayan ako na wag mafall sa lalaking to!!

"Okay okay" natatawang sagot ni Riley

"Hii Leiryn! You're so cute naman and your outfit too. Parang nasa bahay ka lang hahaha" Stacey. Nagkatinginan kami ni Chandria. Is that a compliment or nah? Siguro gumagana na yung ginagawa ni Andrei kaya naiimbyerns na sakin to. I was about to say something when Andrei spoke.

"Bakit? She looks cute nga eh."

"I agree Stacey, look she's only wearing a shirt and a short pero kaya nyang dalhin" Riley. Kita ko namang umirap si Stacey.

"Whatever pwede chill kayong dalawa? Ano bang gagawin natin dito?"

"Baka maglalaba" Chandria. Natawa naman kami aba hello? Wag nya akong mataray tarayan ha!

"Aish uuwi nalang ak-"

"Stacey, you decide. Ano ba gusto mong gawin?" Andrei. Edi wow

"Shopping!!"

"Then we'll go shopping. Tara na" Andrei. Nauna na silang tatlo.

"Pwede bang humiwalay tayo?" Chandria

"We can pero ayaw nyo ba magshopping? I mean diba girls yon ang hilig nyo?" Joshua

"Err not us!! Arcade tayooooo!!" Nag apir naman kaming tatlo

"Sige pero sumunod muna tayo sakanila at medyo samahan, baka magalit sila kasi humiwalay agad tayo"  Tumango naman kami ni sis at sumunod na don sa tatlo.

Nakadating na kami sa isang botique at syempre naupo lang kami sa couch na andon while si Stacey, nagsimula ng mamili.

"Leiryn, Chandria, kayo ba? Hindi kayo magshoshopping?" Andrei

"That's not their thing bro. Im sure pagkain ang nasa isip nila lalo na si Leiryn" natatawang sabi ni Riley.

"Ewan ko sayong palaka ka" inirapan ko sya lang ako at dinilaan naman nya ako bago sya pumunta don kay Stacey.

Ilang minuto pa ang nakakalipas at hindi padin tapos si Stacey. Aaa kakabored.

"Ayoko na dito, tara na umalis" Chandria.

"Oo nga, Joshua tara naaa" I said. Tumango naman sya samin at lumapit muna don sa tatlo. Nakakaimbyerna din yang si Andrei e. Pano namin mapapagselos kung lagi din syang nakadikit don? Wag kayo ha sinasabi ko lang hindi ako disappointed hahaha!

"Uhm Andrei san ka pupunta?" Stacey. Napaangat yung tingin ko kasi ramdam kong may humawak sa wrist ko.

"I was too busy on you that I forgot about my date. Riley's there naman, text text nalang bro" Nakatayo na kami pero biglang lumapit si Stacey at tinanggal yung pagkakahawak si Andrei sakin.

"Can't you just stay here with us?"

"I can't be here, sige na kayo nalang dalawa." Riley at kahit hindi pa nasagot yung dalawa hinigit nako palabas ng botique at naglakad na kaming 4 papunta sa arcade.

"Hoy ikaw yan kananaman ha! Sinasayang mo yung pagkakataon mo" sabay batok ko sakanya

"Sus nanghihinayan ka lang eh na hindi si Andrei yung andito HAHAHAHA"

"Pero seryoso na, naiinip na kasi ako don. Tingnan mo mag iisang oras na tayo don at hindi padin tapos si Stacey. Yaan ko muna si Andrei don" Sabay kindat sakin.

"Alam mo isang kindat pa dudukitin ko na yang mata mo"

"Alam mo ikaw napataraaaaaay mo talaga!" Inirapan ko lang sya at nung nakarating na kami sa arcade para kaming mga nakawalang hayop sa hawla kasi kanya kanyang laro na kami.
-

*ting*

Andrei: Asan kayo?
              Leeeeeiryn?

Leiryn: Kakalabas lang namin sa arcade.

Andrei: Sige punta kayo pancake house, let's eat.

Hind nako nagreply at sinabi nalang sa yon sa mga kasama ko at naglakad na papuntang pancake house. Sinalubong ako ni Andrei hinigit ako papunta sa tabi nya. Si Stacey naman, nilapitan din si Riley at pinunasan ng panyo nya.
Muntik nakong matawa kasi ano sya baby? BUWAHAHAHAHAHA.

"Nag-enjoy kaba?" Tanong sakin ni Andrei. Tumango naman ako

"E ikaw? Nag-enjoy kaba?" Binigyan ko talaga ng diin yung nag-enjoy at eto namang loko na to, nakangiting tumango sakin.

"Nga pala guys, sa ball? Are you all prepared na?" Stacey.

"Yup, kahapon nga nagpunta kasi sa designer ni Leiryn kasi nagfit sya eh" Andrei

"Ah talaga?" Stacey

"Yup and excited nakong makita nyo sya sa lunes. She looks so beautiful" O.O Leiryn chill, sinasabi nya lang para magselos si Stacey. You just need to go with the flow.

"E namaaaaan, ikaw nga 'tong gwapo eh"

"YIEEEEEEEE" Riley, Sis, Joshua. Ngumiti si Andrei at pinisil yung ilong ko. Yumuko ako at nagpanggap na may ginagawa sa cellphone kasi for sure pulang pula nanaman ako!!

-

"Leiryn, thank you so much for today. Hindi ko kasi alam kung naging successful ba yung first move natin kasi nung umalis kayo, she kept on talking about Riley. Bat ganon no? Diba in real life kami talaga yung nagkakausap ng medyo iba pero bakit pakiramdam ko iba sya kay Riley eh" Andrei. Hinatid nya kasi ako sa bahay namin, diba haba ng hair ko HAHAHAHA charot part lang din yon ng plan nya.

"I don't know what to say para mapagaan yung loob mo kasi hindi ko naman kilala si Stacey but i'll help you. Just tell me kung saan at kelan mo ko kailangan."

The Dating GameKde žijí příběhy. Začni objevovat