Siargao Trip : Part 1 (LeiDrei)

20 2 3
                                    


Alas kwatro palang ng madaling araw at hinihintay ko na sila Chandria sa labas ng bahay namin. Sabay sabay na kasi kaming pupunta sa airport eh.

*beeeep*

"Goodmorning, kamusta naman yung eyebags natin? Walang tulugan hahaha" Riley na bumaba para tulungan ako. Niyakap ko sya

"THANKS UNGGOY MAKAKAPUNTA NAKO SA SIARGAO DAHIL DAYO"

"Uy chansing-"

"Sasakay ba kayo o hindi?" Masungit na tanong ni Stacey. Napatawa ako ng mahina at bumulong kay Riley

"Selos ata si taray" Sumakay nako at pumunta sa may likudan at akmang mageearphones na pero may biglang tumabi sakin at sumandal pa sa balikat ko. Aaaa tangina si Andrei to!! Huhuhu. Hindi ako agad makagalaw kasi natatakot ako na baka magising sya kaya ang ending? Ansakit sakit ng balikat ko pagkadating namin sa airport.

"Tulungan na kita" Andrei at kinuha yung luggage ko.

"Sis, kain tayooooo!!" Chandria at hinawakan nako.

"Do we still have time?" I asked Andrei

"Yup, tara munang kumain" he said at kumain lang kami sa isang fastfood chain.

---

"Wow, ang ganda ganda huhu" sabi ko ng makarating na kami sa resort na tutuluyan namin dito. Nasa Isla Cabana kami at wala akong ibang masabi kung hindi ang ganda ganda!!

"Are you happy?" Andrei. Kami kasi yung magkasama ngayon since nagkanya kanya na yung iba hmp. Tumingin ako sakanya at ngumiti.

"Sobra, nakakarelax."

"Gusto mo bang maglakad lakad muna?"
"Yaaaaas!! Pero magpapalit muna ako ng damit para mapicturan moko!!" he chuckled at tumango. Nasa iisang villa kasi kami ni Andrei. Pero different rooms naman. Sa loob naman ng isang buwan na lagi kaming magkasama, mejj nasasanay na yung heart ko at talagang kinakabahan nalang pag sobra na yung ginagawa nya but still, at the end of the day, kinakausap ko yung sarili ko na lahat yon, palabas lang para sakanya.

"I'll wait for you dito sa labas" tumango ako at pumasok na sa kwarto habang andon sya sa parang veranda nitong villa namin.

Okaaay what should I wear. Tiningnan ko yung mga binigay sakin ni Mama and shocks, puro para to swimsuit tops na may cover up lang huhu. Ilang minuto ko pang tinitigan yung mga dala ko at dinasalan na sana mabago sila. AAA DAPAT KASI CHINECK KO MUNA EH.

*knock*

"Leiryn? Natulog kana ata jan eh HAHAHA" Andrei

"Heh! Wag kang magulo"

Aish wala na din naman akong magagawa eh. Kinuha ko na yung black swimming shorts na highwaisted at yung black na swimsuit top na as in parang bra lang eeeer tapos kinuha ko nalang yung plain white crop top bilang cover up. Dahan dahan kong binuksan yung pinto at andon si Andrei na biglang sumimangot nung nakita ako. Aish sabi na panget e huhu.

Andrei's POV

Antagal naman non-- pagbukas nung pinto, sumimangot ako dahil sa suot nya. She looks so uhm..good at nagtataka ako kung bakit ganito yung reaksyon ko.

"Alam ko panget pero wala akong choice huhu puro pala ganito yunh binigay ni mama eh-aray!" Pano pinitik ko yung noo nya.

"May sinabi ba akong panget? W-wag kang lalayo sakin ha. Halika na" nagpunta kami sa beach at naglakad lakad lang habang nag uusap.

"So kamusta? May progress ba yung plano mo? I mean nakakatulong ba ko?" She asked. She's always like this when were together. Palagi nya lang ako kinakamusta pero I dont remember asking her that.

"E ikaw? Okay ka lang ba? Are you okay with our set up? Leiryn hindi kana iba sakin." Humarap sya sakin at ngumiti.

"Wag ka mag alala, pag hindi na keri ng powers ko, sasabihin ko sayo pero sa ngayon, can we just enjoy the moment? Pwede bang just for this whole trip, wag mo muna akong gamitin. Is it okay?" Hindi agad ako nakaimik.

Damn, I felt really bad sa huling tinanong nya sakin. Imbes na sumagot, I hugged her.

"I promise to make this whole trip a memorable one for the both of us" humiwalay sya sa yakap at binatukan ako.

"Grabe makayakap? Tama na ang drama!! Picturan mo akoooo" napakamot nalang ako sa ulo ko at pinicturan sya.

"Halika dito, ikaw naman!!" Hinigit nya ako at inayos yung buhok ko bago pumunta sa unahan ko.

"Smileeeeee!" I can easily do what she asked me to do by just looking at her.

"Tayo namaaaan, selfie" she said at lumapit sakin para magpicture.

"Okay were done for the picture keme for today. Teka, asan ba sila?"

"To be honest hindi ko alam, Riley told me na maglalakad lakad lang din sila dito."

"Okii, should we swim?" Hindi agad ako nakasagot. Shet pano ko ba sasabihin na takot ako sa dagat.

"Sure pero pwede bang sa pool nalang?" Sumimangot sya

"Bakit namaaaaan corny"

"Okay sige ganito, ikaw nalang muna- aaaah ayoko ngaaa!!" Pano ba naman hinihigit nya ako papunta sa dagat at nakakakuha na kami dito ng atensyon dahil sa ginagawa namin.

"Andrei ang corny naman eeeh!!"

"Sige na sige na, ikaw nalang. Don't worry i'll wait for you"

"TEKA TEKA, DON'T TELL ME TAKOT KA SA DAGAT?" Umiwas ako ng tingin

"H-hoy bakit naman ako matatakot? Ano ako baby?"

"BUWAHAHAHAHA EDI WOW MR. SANTOS, SIGE NGA KUNG HINDI KA TAKOT PUMUNTA KA NGA OH TAS BALIK KA DIN" Hamon nya sakin. I tried to keep my cool

"I just dont like the feeling after swimming in the sea, malagkit"

"Wow conyo mo naman hahahaha takot takot takot!!" Hindi ko sya pinansin at akmang aalis na pero hinawakan nya ako sa kamay pero inalis ko yon.

"F-fine takot ako. Titigilan mo na ba ako??" I expected her to give up pero hinawakan nya ulit ako sa kamay at tiningnan ako ng seryoso.

"Hindi kita titigilan. Diba sabi mo you'll make this trip a memorable one. Halika na, I promise to hold your hand until okay kana. Pero teka, bakit kaba takot sa dagat?" Tumingin ako sa baba.

"When I was a kid, I used to love the sea pero merong one time na habang nakasakay kami sa boat for some water activities, may aksidente na nangyari kasi umalon ng malakas. It wasn't really a big accident but I don't know, since then, hindi ko na ulit ginusto na pumunta sa dagat. Gusto ko lang tinitingnan but I have never tried to swim again sa dagat." Inangat nya yung mukha ko at tumingin sakin ng diretso.

"Do you trust me? Gusto mo na bang ilet go yung bad memory na yon? We can make new memories, good memories. Hindi naman kita pipilitin magboat eh, we'll just go there. Sa mababaw lang. Kasi alam mo, im really a beach person. Pwede din yung "b-i-t-c-h" pero yung beach na dagat ha" natawa naman ako at hinayaan syang tumuloy sa pag imik.

"And tbh, it really gives me comfort. So ano? Do you trust me?" Alanganin pero tumango ako at dahan dahang naglakad. She's still holding my hand. I can feel myself trembling nung nakatapak nako sa dagat pero nirub ni Leiryn yung kamay ko at ngumiti sakin.

"Calm down, im here. Hindi kita iiwan" those words were just so comforting na parang nakalimutan kong takot ako.

"Wow, ang galing galing naman ng Andrei ko--aah andrei nya andrei nating lahat!! Hehe"

"So how does it feel?" She asked

"Parang unti-unti nawawala yung takot ko, thank you!!"

"Sus wala yon, dito lang muna tayo kasi baka matrigger yung trauma mo. Bukas, we'll go deeper then deeper hanggang sa maibalik mo yung dating pagkagusto mo sa dagat. You see, may mga bagay na mas magandang lapitan kesa titigan lang sa malayo"... we stayed there for a while at salamat talaga sa babaeng 'to.

The Dating GameWhere stories live. Discover now