Riley & Andrei

17 2 0
                                    

Hello mga pare mare chong chang, isang buwan na yung nakalipas nung ball at okay naman. Eto padin ako, isang dakilang actress HAHAHAHA. Nasasanay na din ako pero I must say, mas naging close kaming 5, yup lima lang kasi si Stacey ganon padin. Echosera.

*ting*

Riley: Hoy samahan moko, bili akong gift kay Stacey.

Hindi ako nagreply kasi wala pa yung magic word.

Riley: Libre ko -_-

Leiryn: Okii, san tayo?

Riley: Mukha ka talagang libre hmp. Sunduin kita jan sainyo tapos, tulungan moko magdecide. What girls would want.

Hindi nako nagreply at bumangon nalang sa kama para mag ayos. As always, nakashorts lang ako at oversized na shirt then naka nike slides lang ako at bag. Sakto namang pagbaba ko, andon na si Riley at kakwentuhan na si Mama.

"O sya tapos na pala, o anak pera mo hindi ka man lang nagsasabi na aalis ka-"

"Tita dont worry, ako nagyaya kaya sagot ko yan." Riley sabay kindat kay Mama.

"Ikaw talagang bata ka, o sya sige mag ingat kayo ha!"

"Bye Maaa/Bye Titaaaa" paalam namin. Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan nya, syempre may driver sya dahil kung hindi hindi naman nya ko mapapasakay nako baka mamatay pako ng wala sa oras.

"Hoooy ano may naisip kana ba?"

"Aba ewan ko, diba kayo naman ang magkaibigan talaga. Dapat alam mo yung gusto nya pati teka, birthday nya ba?"

"Hindi kasi diba nakaka 1 month na tayo, I only have 1 month left to win her kaya gusto ko sulitin na. Ikaw ba? Ano bang ganap na sainyo?"

"Diba alam mo naman? I'm helping him to make Stacey jealous. Ay nako ewan ko ba sainyong dalawa naguguluhan ako ha. Bahala kayo basta ako tinutulungan ko kayo parehas" nagulat ako kasi niyakap nya ako.

"HOY CHANSING KANA UNGGOY KA" sabay tulak ko, natawa naman sya saglit pero sumeryoso na yung mukha.

"Sorry ha? Alam kong kahit hindi ka umiimik, nahihirapan ka sa sitwasyon. Alam kong kahit hindi ka umamin, alam kong hindi nalang basta crush yan. Sabihin mo lang sakin kapag hindi mo na kaya ha? Ititigil ko na lahat at hahayaan ko nalang silang dalawa" Ewan ko pero naiiyak ako. This time, ako naman yung yumakap sakanya.

"Gago ka talaga no? Huhuhu pero wag ka mag alala sakin. Ill help you both as much as I can pero it's all up to Stacey kung sino. Thank you ha, kahit unggoy ka, naramdaman kong kaibigan na talaga kita dahil don sa huling sinabi mo sakin."

"Eww naiyak sya, hindi bagay!!" Tinulak ko sya at tiningnan ng masama.

"EPAL KA TALAGA AISH KAINIS KA!!" Tumawa kang sya at pinunasan yung mukha ko.

"Tahan na"... pakiramdam ko, kapag hindi ko na kaya atleast may taong handang dumamay sakin. Thanks froglet!!

-

"Ikaw ba, as a girl ha basta kunyari sa sarili mo. Anong gusto mong matanggap?" Andito na kasi kami sa mall at wala padin syang maisip na ireregalo kay Stacey.

"Kung ako ha, I prefer your presence. I mean, date her. Ang cliche na pero kung ako kasi, mas bet kong magcreate ng madaming memories kesa makatanggap ng regalo."

"WOW ANG GALING MO TALAGA!! DIBA MAY ONE WEEK PA NAMAN TAYO BAGO ULIT PUMASOK? LET'S PLAN A VACATION!"

"Nakakahiya ka girl maghunos dili ka!! Umupo ka nga, so anong plano na?"

"Ngayon, bumili tayo ng mga balloons tsaka yung mga kakailangan pang set up. Ill tell the others na pupunta tayong Siargao!"

"Omg!! Talaga talaga? Pupunta tayong Siargao? Huhu it will be my first time at ang tagal ko na gusto makapunta don!!"

"Talaga? Then ayos! Bilisan na natin bumili at umuwi na para sa isang araw, makaalis na tayo" I nodded at excited na sumunod sa pinuntahan nya. AAAH EXCITED NAKO!!

*

*Andrei calling~*

"Helloooo?"

"Leiryn, tara sa mall. Bili tayo ng mga pwede nating magamit para bukas"

"Okay sigeee, san tayo?"

"SM North nalang ulit, sunduin kita bawala umangal bye"

Yay!! Excited na talaga ako huhu. Buti nalang pinayagan ako ni Mama. She even gave me money para daw mas maenjoy ko yung Siargao. Excited din ako kasi it will be my first ever out of town with friends. Wala si mama dito sa bahay kasi andon sya sa mga high school friends nya kaya after kong mag ayos, nagsulat nalang ako ng note na kasama ko si Andrei.

*knock*

"Teka laaaaaang" nagsapatos na ko at tsaka lumabas.

"Parang good mood ka ah." Sabi nya habang nag lalakad na kami papunta sa kotse nila.

"Syempre no, first time ko and I really wanted to go there kasi napapanood ko lang sa mga vlogs yon eh. Can't believe na yung unggoy na yon pala ang makakapagdala sakin don yay!" I saw him smile pero parang may mali kasi hindi na ulit sya umimik eh. Oh well basta excited nako!!

.. Andito na kami ngayon sa mall

"Ay teka, asan sila Stacey?" Tanong ko sakanya

"Ha? Bakit naman bigla mo silang naalala?"

"Eh diba ganon naaaaman, everytime na aalis tayo niyayaya mo sila" I said pero pinisil nya yung ilong ko.

"It'll be just the two of us today." Sabi nya habang nakangiti at hinigit na ako. Una kaming pumunta sa h&m at tumingin tingin ng mga damit don.

"May nagustuhan kana ba?" Andrei. Tumango ako at pinakita sakanya yung hawak kong dress.

"Sa tingin mo okay ba? I dont usually wear this pero for the sake of pictures sana"

"You'll look good on that I swear. Teka lang, may kukunin lang ako jan kalang" tumango naman ako at naghintay lang sakanya at nung dumating na sya, meron syang hawan na polo na kakulay nung dress ko.

"Ikaw talaga baka mamaya hindi mo bet yung color edi nasayang la-"

"Eee kokontra kananaman eh. Gusto ko to para parehas tayo. Ano? May iba kapa bang gusto?" Aish, eto nanaman nafifeel ko nanaman. Heart, chill ka naman jan.

"Wala na, meron pa naman akong damit sa bahay eh" tumango sya at kinuha nya yung damit ko at dali daling tumakbo sa counter. Hindi ko sya hinabol kasi ang corny non baka mamaya may makakita samin no nakakahiya sabihin naman naghahabulan kami dito HAHAHAHAHA.

"Boi, magkano nga yung dress kooo?" Sabi ko habang hindi nakatingin sakanya kasi kinukuha ko na yung wallet ko pero inabot nya sakin yung paper bag.

"Regalo ko sayo"

"Ha? Hatdog ka, magkano ngaaa" natawa sya at pinisil ako sa mukha

"Cute mo talaga HAHAHAHA. Eto na nga eh, halika na samahan moko may mga bibilhin pakooo"

-

For the first time, para talagang nagdate kami ni Andrei ngayon. Kasi kaming dalawa lang tapos, basta we did what dating peeps usually do and im happy. 1 month nalang din naman yung papel ko sa life nya, maige ng sulitin ko gaya nung unggoy na Riley. Andito nako sa bahay at nag iimpake nako ng gamit ko. Si mama, may mga binigay na set of swimwear sakin. Hindi ko na sila chineck at nilagay nalang sa maleta. Okay, SIARGAO HERE I COOOOME!!

The Dating GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora