Kabanata 2: Elevator

8K 273 11
                                    

•CELESTE'S POV•

GUSTO kong maiyak at magwala nang makita ang mga nakahilerang six-inched high heeled shoes ni Celestina. Shoes that are designed and being customized for her from her sponsor. I don't understand what I am feeling. Gusto kong masuka sa mga nakikita. Hindi ko kakayanin ang six inches panigurado iyon.

"Hindi ko kayang maglakad gamit iyan," matindi ang iling ko na pinapahalata ang sobrang pag-ayaw. Dom, who is Celestina's bestfriend and manager just shrugged his shoulder. Tila ba ay wala siyang pakialam sa unos na mararanasan ko kung itatapak ko ang mga paa gamit ang matataas na sapatos na iyan!

"You could try," namilog ang mata kong hindi makapaniwala. Nahahalata ba nilang tindig panlalaki ako. The way I carry myself, it speaks manliness! I can't be a female again! I don't know already how to be one!

"Lester," kitang-kita ko ang pagnguso ng kapatid na nasa mahabang sofa. Malungkot ang mga mata galing sa kanyang binabasa sa kanyang Ipad. Kanina pa niya tintingnan ang mga balitang nagsilabasan na hindi raw siya makakadalo sa pageant dahil sa nangyari. Fans anticipated her to win the pageant. She will represent Lapu-Lapu City and she felt honored for it.

And this is her dream! But I don't have the guts to be her!

May tinawag si Dom na mga make-up and stylist team ni Celestina. Nasa studio kami ng bakla dahil dito raw kami mag-e-ensayo ng lakad. Candidates practiced their signature poses and aura for how many months and now, for three days, they will train me. Kakayanin ba 'yon? Imposible talaga!

"Please help me. I will owe you my life for this," patuloy niya. Tumayo siya, halatang napilayan nga siya, at dahan-dahang pumunta sa mga naka-linyang mga sapatos. Pinili niya ang kulay itim na may strap. Lumapit siya sa akin. "Bagay ito sa'yo. Tulungan mo ako, Lest."

Puno ng pagsusumamo niyang tugon sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. I love her but I really don't know how to make this possible. All the aspects in me are already programmed to be a man and to be a fully male specie someday.

"You're my sister and I love you. I needed the money and I do really want to help, Celest. Kaso, imposible ba ang tatlong araw para sa pageant? Ikaw nga, halos taon ang ginugol mo para ma-perfect lahat ng sa'yo," alinlangan kong sagot sabay tingin sa inabot niyang sapatos sa akin.

"I know. Ang ginagawa ko na lang ngayon ay magtiwala sa'yo na kakayanin mo, and of course, with Dom's magical powers," napabuntong-hininga ako sa kanya.

Her team looked very professional and expert about pageantry. Alam kong mapapaganda nila ako. They could make me look Celestina without making people doubt that I am the fake Celestina Marikit Lim. Magkamukha kami, oo, but this whole idea crept into me as ridiculous!

Mas gustuhin ko na lang sigurong mag-training na lang muna sa agency ni Senator Crexion Sanchez sa tulong ng kapatid kong naka-leave ngayon.

"I don't know how to talk like you. I don't know how to smile like a beauty queen. I don't know if I could have the guts to expose my body in a swimwear competition," iyon lang ang ibang aspeto na ini-reklamo ko.

"We could work out with that. Please, Lester," tinitigan ko na lang ulit ang mga mata ng kapatid ko. Her wound in her face got really obvious the longer I stared at it. Tumingin ako sa baklang nasa likod niyang minamasdan lang kaming mag-usap.

"Pinag-uusapan na ang kapatid mo sa mga inggatrang naiinggit sa kanya, Lest. And it's not about the reputation, it's about her dream. If we could have a way to heal her broken ankle, ginawa na namin," I sighed at Dom's words.

Kalaunan sa matindi nilang kumbinsi ay napapayag na nga ako. Kasalukuyan nila akong inaayusan para sa interview raw ng isang broadcasting company sa nangyaring aksidente sa akin. Dominika, the manager of Celestina said that I could let the accident look as a fake news and mga rumors lang iyon na gustong ipagkalat ng mga bashers ni Celestina.

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon