Kabanata 16: Wild

6.3K 262 54
                                    

[Typos and grammatical errors ahead.]

•CELESTE'S POV•

NAKARATING na kami sa isang modern resthouse dito sa Punta Ballo sa isang siyudad ng occidental. The resthouse could be considered as a famous luxury resort. Malalaman mong pag-aari ito ng mga Mariente dahil sa malaking tarangkahan na may nakalagay na apelyido nila.

Sa harap ng malaking mansion ay isang malawak na front yard na may naka-set up na mga tables and chairs and even a small stage. May mga colorful flags sa kawayan na itinirik sa mga gilid. Malalaman mong pinaghandaan talaga.

There's a large sea wall standing seven feet, protecting the whole two hectares seaside land. Kung tutungtong ka sa sementadong wall ay makikita mo ang white sand, malawak ito at malayo pa ng konti ang dagat. The sea stretching in front has five large pumboats and two fiberglass high speed boat. May mahabang boardwalk sa dagat at sa dulo nito ay isang malaking puting gazebo. I can see clearly from here.

Pinapalibutan ang buong lugar ng mga kahoy kaya pwede pa ring hindi maramdaman ang init sa paligid. My eyes were full of appreciation of the place as I saw the Mariente's maids and houseboys made their ways to the sand. Kumukuha ng pictures.

Tabi kami ni Augustina sa van kanina habang kinikwento niya na ganito talaga kapag kaarawan ng Lolo nila, binibigyan nito ang kanilang mga empleyado ng oras na maka-enjoy ng beach. Marami pa siyang sinabi pero hindi naka-focus ang utak ko. Nasa ibang bagay.

"Kuya Lester!" Napalingon ako kaagad kay Ythena. Papunta siya sa swimming pool area siya sa gilid ng malawak ng front yard. May three-stepped stone steps lang na humati sa front yard at swimming pool area. "Patulong!" May dala-dala siyang malaking food tray.

Agad ko siyang dinaluhan para kunin ang kanyang dala. May maliliit na tables sa gilid ng mga sun loungers.

"Ilagay mo sa mga mesa, Kuya. Pwede ka bang sumunod sa akin sa loob para sa ibang pagkain." Tumango ako at tumugon agad sa sinabi niya.

I made my way through the pathway connecting to the mansion. I have no mood for today though the place is breathtaking. Ang rason ay nakasulubong ko kaagad.

Si Celestina na tulak-tulak ang  wheelchair ng matandang Don Nicolau Mariente. Sa likod niya ay nakasunod si Cong. Nagtama ang tingin namin ng kapatid ko. She sweetly smiled like she used to smile to her fans, fake fans and fake supporters. Natural na maldita ako ay tumango na lamang.

Yumuko ako para bigyan ng galang ang matandang Don.

"Good morning po." Pangalawang pagkakataon ko na ito na makita ang matanda. Kagabi ang una nang isinabay ako ni Augustina sa hapunan ng pamilya nila.

"Magandang umaga," malambing na sagot ng Don. Maybe because of his age, he did not bother to know me more.

Tuluyang tinulak ng kapatid ko ang kanyang wheelchair papalabas. Tumabi ako para bigyan sila ng daan. I can feel Cong's deep stares at me. Para ako ang nahihiya sa titig niya kahit iniiwasan ko iyon.

Nagpatuloy ako sa loob na hindi siya pinapansin, at doon ko binuga ang pinipigilan kong hininga.

"This is crazy. Lalaki ka, Lester. Don't forget that." Binubulong ko iyon hanggang makarating sa malaking clean kitchen ng mansion. Naabutan kong nagsasalin ng lumpia si Catalina mula sa frying pan doon sa isang malaking bowl.

Si Ythena naman ay inaayos ang mga cupcakes sa trays.

"Ano ang maitutulong ko?," agaw ko ng atensiyon ng dalawang magkakapatid.

"Pakilagay ng mga pinggan at kubyertos sa labas, Kuya." Si Catalina sabay turo sa mga pinggan sa malaking island counter. "Sa mahabang mesa mo po ilagay. Katabi 'nong stage."

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon