Kabanata 10: Addicted

6K 230 19
                                    

•CELESTE'S POV•

NAKATINGALA ako sa maaliwalas na kalangitan na nakasandal sa hood ng sasakyan. Iniisip ang kabaliwan ni Congressman kanina pero dinadama ang gutom. Hindi pa ako nakapaghapunan dahil hinihintay ko si Cong na nasa loob ng restaurant para sa date niya.

I got my phone and typed a message for Celestina.

Me: Visit Mama tomorrow. Please!

Mababaliw ako dahil sa ideyang walang bibisita kay Mama. Hay! I never expected that Congressman will live in Manila!

Imbis na kay Celestina na mensahe ang matatanggap ko ay kay Cong ang dumating.

KingCong: Tapos na kami. Please, send Minerva to her condo.

Gusto kong umangal dahil gutom na ako kaso wala naman akong magagawa. Ang dali naman nilang matapos. Thirty minutes lang? Hindi ba sila mag-uusap. Maybe, stroll in a park or watch a theater play.

Kaka-boring ka date si Congressman!

Me: Ang dali niyo naman! Ilakad mo ang babae, Sir.

Hindi ko ito gawain pero may plano kami ni Augustina na dapat pag-igihan. We have goals here and we should find a way to achieve them!

KingCong: I have important matters to attend tonight.

Kunot ang noo kong nagtipa ng mensahe pero baka iisipin niyang nanghihimasok ako.

Me: Okay.

Ilang minuto ang lumipas pagkatapos ng mensahe ko ay lumabas ang isang babaeng naka-backless black strap dress. Si Minerva. Elegante at mala-modelo kung maglakad. She possessed beauty and intelligence.

She smiled at me sadly when she reached me. Pinagbuksan ko siya ng sasakyan. Wala siya sa mood na umupo. Agad naman akong sumakay at pinaandar ang sasakyan.

"All his topics are all about politics. I don't have interest about that thing. He's too serious unlike what other people say," buong pusong reklamo ng babae.

Tumaas ang presyon ko dahil sa kabaliwan na kongresista na iyon! Anong serious?! Pinaglihi nga iyon sa asar!

"Wala siyang mapagsabihan ng problema niya. He needs ears to hear them," malamig kong tugon.

May paghikbing nakatuon ang pansin niya sa kalsada. Umirap ako at pinansin na lang ang gutom na nararamdaman.

"Mabait ang amo ko, Ma'am. Seryoso talaga iyon minsan dahil maraming problema ang Pilipinas. You're intelligent looking. You should raise your opinions to him and maybe they can help. If you want relationship, you should have communications and expression of opinions. Anyway, mabait naman po si Cong," pangbebenta ko sa damuho na iyon. Dapat lang!

"Matagal na siyang mabait. Ang boring lang," napabuntong-hininga akong tatanggapin na lamang ang pagkatalo ng isang manok ngayong gabi. "Crush ko pa naman siya." Hikbi ulit nito na parang bata.

Wala na akong sinabi nang nahatid ko siya sa condo niya. Buntong-hininga ko lamang siyang tiningnan habang papasok ng building.

Nagtipa ako agad ng mensahe kay Augustina.

Me: Failed.

Sa mga agents kaya ako hihingi ng babae? Baka may mas kilala silang tutugma sa panlasa ni Cong.

Augustina: Fuck! Okay! Akala naman ni Tyvian ay tanga ako. Wait for the next, Lester.

Determinado akong nag-isip ng mga positibo.

Me: Okay!

Masamang budhi akong bumalik sa restaurant. Gusto ko siyang pagsabihan na itrato naman niya nang maayos ang mga babaeng e-de-date niya. He should show his true self. It's unfair if not!

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon