Kabanata 24: Wrong Car

6.6K 272 38
                                    

[Typos and errors ahead.]

TYVIAN'S POV•

"SIR." Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ng bago kong personal assistant na si Jameson at nakita ang paglapag niya ng folder sa mesa. "Sales report po ngayong buwan. Pinapasabi po pala ni Ma'am Augustina na ngayon ang screening para sa mag-a-apply bilang indorser ng Condesa. Your presence is a must, Sir."

Binuksan ko muna ang folder, sumulyap lang doon. Mamaya ko na ito e-a-analyze. I nodded slightly at him since I know I will be busy today.

"Susunod ako. E-follow up mo ang delivery ngayon sa café ni Aling Senya."

"Sige po, Co--Sir," he immediately corrected his mistake. I don't want people to call me a name from my last profession. It cringed my mind.

Kapag naririnig ko iyon, awtomatikong sumasalida sa aking isipan ang mga masasakit na alaala. Yes, it can't be forgotten but at least for once, I can be at peace or be in freedom from pain.

"Hatiran niyo ng pang-alas diyes na merienda ang mga trabahador. You check what the maids are cooking."

"Okay po, Sir."

"Kapag may pupunta rito na Mrs. Ybara ang pangalan ay pa-deritsuhin mo sa kompanya. Nandoon ang legal papers niya para sa kanyang annulment."

"Sige po."

"Makakaalis ka na."

When Jameson got out, I sighed massaging my temples. Then, resumed in making the blueprints for one of my client that wants to build a resthouse at the next town. Simula noong natapos ang pangatlo kong termino sa pagiging kongresista ay tumatanggap na ako ng mga kliyente na gustong kumuha ng aking serbisyo. Nagseserbisyo rin ako bilang abogado.

Last year had been my last term in the Congress and decided to stop politica for now. This year, I allocated most of my time in managing the whole coconut plantation and sat down as the president  of my Lolo's corporation which sold various coconut products.

Every year, we made new delicacy out of coconuts and launched it to the market.

This time we were releasing the coconut chocolate and thus, need an indorser for it. Nakakuha na kami ng limang taong gulang na batang modelo at maghahanap si Augustina ng new rising actress para gumanap sa role sa commercial concept nila.

Tumayo na ako nang matapos sa last part. Tatapusin ko na lang ito mamayang gabi.

An envelope in the open bottom drawer of my executive desk caught my eyes again. Laman niyan ang impormasyon kung saan si Lester or Celeste Himaya Salavier nitong mga nagdaang tatlong taon. Like before, I never opened it. Si Augustina ang nagpahanap sa kanya kaya hindi na mahalaga sa akin ang mga detalye.

Mas mahalaga sa akin kung paano matunton si Celestina. May malaki itong pananagutan sa batas. I wanted to put her to prison forever. Kung saan impyerno ito itinago ng mga magulang nito ay hindi ko sila tatantanan.

Alas nuweba pa lang at masakit na ang ulo ko sa mga problema. I will never be at rest unless I will find justice for my name and for my grandfather.

I made my way out from the office of my grandfather. May pagmamadali kong binaba ang hagdan. Binati ang mga katulong na nasa salas. Pagkalabas ay nandoon ang Ranger ni Augustina, naghihintay sa ibaba mismo ng entrance stairs.

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon