Kabanata 3: Crown

6.9K 271 24
                                    

•CELESTE'S POV•

ABALA ang team ni Celestina sa paghahanda ng dapat nilang dalhin ngayon sa last rehearsal doon sa colisuem ng pinakamalaking hotel ng siyudad. But before that could happen, they had me make over into Celestina's self. Dahil naging determinado na ako para sa patimpalak na ito ay I claimed it already that I have less mastered the signature walk of my sister. May pambabae pa palang kaluluwa na natira sa akin.

"This is Shakira," Dom handed me his cellphone with a picture of a girl. "Ang pinaka ingeterang nilalang sa balat ng universe. Siya ang presidente ng mga bashers ni Celest. I hate her to the core. Mag-ingat ka sa kanya. Show to her that what she did to your sister doesn't affect your determination to win the crown. Bukas na iyon. Waaah. Kinakabahan na ako para sa'yo, beh."

Pinag-kakatitigan ko ang babae. She has a Latina beauty. Iyong kagandahan na makikita mo sa mga website na ino-open ng mga lalaki kapag sinasapian sila ng kalibugan.

Too bad her attitude is rotten.

Malimit kong nginitian si Dom. Kung kinabahan siya nang sobra, paano naman ako? Ako iyong sasabak sa contest!

Nasa limousine kami ni Dom papuntang hotel. Mayaman ang bakla at nalaman kong designer siya at may ari ng pinakasikat na botique ng mga dresses sa bansa. Sa kanya nagpapatahi ang mga bigating artista sa industriya ng showbusiness. Bestfriend sila ni Celestina kaya siya talaga ang nagmamanage ng mga pageants ng kapatid.

"I have heard a news, Dom," ani ng kaibigan niyang hairstylist na nagscro-scroll up side down ng Ipad nito.

"Ano na naman iyang news na iyan, Chen? Last time na nakarinig ako ng news galing sa'yo ay nakakalaswa," madaldal na saad ng baklang Dom.

Wala akong balak makinig sa kanila kaya naging abala na rin ako sa pagscro-scroll sa cellphone ko para basahin ang rules and regulations ng iFloExo.

"Tinanggal daw si Congressman sa board of judges. The ex-vice governor replaced him. Since, maraming balita nitong nakaraan na na-li-link si Celestina kay Congressman kaya napagpasyahan ng organization na iwala siya. Para iwas bias daw," and that he mentioned again that irritating word, wala na tuloy akong naintindihan sa binabasa!

"Oh, Buti nga iyon. Para maipakita natin sa buong mundo na kayang-kaya ni Celestina na manalo kahit walang connection sa loob," napatingin ako sa iritasyon ni Dom. I can also feel it. He doesn't like Congressman being linked with my sister.

"Do you mean Lester? Siya naman ang sasabak, madam," Chen commented. His long shiny hair confused the hell out of me. Nagmumukha siyang lalaking nag-wi-wig.

"Yes. But remember Lester, eye contact with the judges. Lure them with your charming smile, confidence and beauty. Ipakita mo sa kanila na nandoon ka hindi lamang para sa korona, kundi para sa pangarap. Magkaiba iyon. Ang pangarap mo ay nakatungtong sa Binibining Pilipinas o sa Miss Universe-Philippines."

"This is not my dream," imporma ko sa kanila na malamig ang boses. Kinakabahan ako dahil ngayon ay naiisip ko na ang maraming taong dadalo doon. Hindi lamang mga ordinaryo kundi mga bigating mga pangalan sa kahit ano mang industriya.

I am afraid that I will ruin the image of my sister. Isang maling hakbang siguro ay mawawala na lahat ng commercials niya. Isang maling ngiti ay baka mawalan siya ng sponsors. Isang maling sagot ay baka masira ko lahat ng mga pinagkakaingatan niyang perlas. Her fame.

"But this is your sister's dream. You should be motivated by it if you truly love her and sympathize her," mahal ko si Celestina, okay. And I can do whatever that could make her happy but being a female again is not one of it. But still, I will consider it now from that 'everything' I am capable of doing for her.

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon