Kabanata 29: Kneel

7.4K 289 71
                                    

[Typos and grammatical errors.]
Kakatapos ko lang talagang isulat ito. Plano kong tapusin ang Kabanata kagabi kaso nakatulog, nagising ng alas tres at ngayon lang natapos talaga. Pagpasensiyahan niyo na ang typos at grammar. Enjoy!

I love you! God bless all!

•TYVIAN'S POV•

"GOOD morning," bati ko sa kabilang linya, kausap si Lester na nandoon hanggang ngayon sa China para makipag-usap sa Daddy niya. Nagkakarga ako ng mga relief goods sa sasakyan para sa mga nasunugan doon sa kabilang barangay.

"Good morning. Uuwi na kami ni Mama diyan mamayang gabi," I smiled widely upon hearing her voice. Noon, sobrang lamig nito sa akin, ngayon hulog na hulog na sa bitag ko. It's so fulfilling to be loved by someone you love so much.

Tatlong araw pa lang kaming hindi nagkikita pero nangungulila kaagad ako sa presensiya niya. Hindi na ako nasanay sa tatlong taon naming paghihiwalay.

May kulang sa pagkatao kapag mahal mo ang mawalay sa'yo.

"You sound so tired. How's your sleep?"

"Fine. I still can't believe that this is happening. I'm sorry," humalakhak siya. "Ikaw? Kumusta?"

Napaupo ako sa batong hagdanan ng main entrance ng mansiyon, nakangiti hanggang teynga. Lumilipad ang mga ibon sa tiyan. Lumiliwanag ang madilim na kalangitan.

August who is loading the goods to the back compartment just snobbed me.

"I'm always fine. Pagod ako kanina pero nang marinig ko ang boses mo, ay ayos na pala ako," itinawa ko iyon kahit seryoso naman talaha. I can imagine her glares. Ayaw niyang binabanatan siya pero namumula naman na parang kamatis, halatang kinikilig.

"Me too," ilang segundo akong nakanganga. Tumawa siya dahil natahimik ako. "Kinikilig ka na niyan."

Pagod ako kasi madaling araw na kaming natapos sa pag-re-repack ng mga goods. Mabibigat na nga ang talukap ng mga mata ko. Pero ayos na ngayon.

"Hindi. Nag-iisip ako kung gaano ka ka-gwapo ngayon." I smirked at Augustina who killing me with her eyes. May problema na naman ito kay Abiel. "My mistake, mi amor. You're now transformed as a beautiful sexy lady, pretty boyfriend."

"Kagigising ko lang, Cong. Hindi pa nakasipilyo at nakapagsuklay. Dami ko pang muta."

But, still she is lovable and gorgeous. Nakalimutan niya yatang bodyguard ko siya noon. How cruel she is!

"Gusto kong makita kung ano ang itsura mo pagkagising sa umaga. Gusto kong ikaw ang katabi ko sa tuwing gumigising sa umaga at natutulog sa gabi. I want you to be the start and the end of my days. In conlusion, I want you to be my wife. I want to covet your affection, 'cause it will fuel my existence. Pagmamahal mo lang, mabubuhay na ako..."

I heard her gasp, and the movement of the sheets in the bed.

"Kahit hindi ko alam na seryoso ka o nambabanat ka lang ay walang problema iyon, dahil mahal naman kita."

Hindi ko alam kung sinasabyan niya ba ang banat ko, o ano, dahil nagtatagumpay siyang sa pagpapakilig sa akin. Mahal na mahal din kita.

"At pag-uusapan natin ang kasal bukas. May problema pa ako sa Lolo ko, Tyv. I'll settle it first, okay," she continued.

"Mamanhikan naman ako. Sasabihin ko pa kina Daddy. I will formally ask your hand from your family, baby.."

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Where stories live. Discover now