Kabanata 20: Punish Me

6.7K 258 74
                                    

Warning: R18+
[Typo and grammatical errors.]

•CELESTE'S POV•

MAAGA pa nang ginising ako ng mga tilaok ng mga manok sa kapitbahay. Inaantok na bumangon buhat na rin sa kagabi. Matagal umuwi si Cong pero hindi kami nag-usap nang maayos. Sila ni Mama ang nag-usap, eh. Binibilinan ng mga kung anu-anong mga bagay.

Nakiusap ako sa kanya na rito muna tumira sa bahay namin habang ginagawa ang trabaho ko. Iyon ang pabor na hinihingi ko. Pumayag naman siya kahit medyo nalulungkot ang damuho.

Bumababa na ako ng kusina kahit kakasinag lang ng umaga. Medyo may kadilimanan pa dahil alas singko pa naman. Umupo muna ako sa silya ng maliit naming dining table dahil nakaramdam ako ng pag-ikot ng mundo.

I sighed staring at out old wall clock hanging on our wooden wall. Kulang lang siguro ako ng tulog. Medyo nahihilo nga ako kahapon pero nawala din naman. Ngayon ko lang naman naranasan ang mahilo at parang nandidilim ang paningin. All I had thought that I will have my period last night or today. Baka ngayong araw dahil lumagpas na ng dalawang araw ang schedule ng dalaw ng menstruation ko.

Tumayo na ako nang mahimasmasan at lumapit sa rice cooker na nasa gilid ng lagayan ng mga pinggan. Binanlawan ko iyon para sa pagsasaing.

Pagkatapos sa kusina ay sa sala naman ako para magwalis. Gawa sa kahoy ang mga mahahabang upuan namin. May center table na gawa sa kawayan kung saan nakapatong ang isang flower vase na may artificial na mga bulaklak. Gawa sa kahoy ang bahay namin maliban na lamang sa sahig na gawa sa semento. Iyong pangalawang palapag na may dalawang kwarto ay gawa rin sa kahoy. Iyong maliit naming bakuran ay hindi na gaanong naalagaan ang mga halaman dahil sa pagka-ospital ni Mama.

Lumabas ako para magdilig ng mga halaman nang matapos na ang loob ng bahay. Nagbomba ako sa poso ng tubig para makatipid. Nang mapuno na ang dalawang balde ay dinala ko iyon sa orchid's area para doon magsimula.

I repeated the work all over again until all the plants are watered.

Agad akong kinain ng pagod habang nagluluto ng ulam. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko lalagnatin ako tapos may kunting kirot sa tiyan.

Binaliwala ko na lang at naligo pagkatapos maluto ng tinolang isda. I grabbed the peach colored v-neck tee shirt, fitted jeans and my usual boat shoes.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Mama sa sala nanunuod ng umagang balita. Lumapit ako para yumakap.

"Papasok na ako sa trabaho, 'Ma. Nandito na ba si Gera?"

Iyong kapitbahay namin na inutusan kong bantayan si Mama ngayon. Mabuti at pinagkakatiwalaan ko ang dalagita.

"Oo. Nandoon sa kusina. Nagtitimpla ng gatas." Tumango ako na iniiwas ang sarili sa mga katanungan ni Mama na hindi pa nailalabas.

Pinuntahan ko si Gera na tumataginting pa ang kutsara sa paghahalo niyang gatas.

"Gera," tawag ko sabay kuha ng pera sa bulsa. "Suhol ko. Pambaon mo sa mga kapatid mo iyang iba." Tiningnan niya ang five hundred na nakaabot.

"Naku, Kuya, ang laki naman po niyan. Five hundred?"

"Tanggapin mo na."

Alinlangan siyang ngumiti. "Salamat po, Kuya. Malaking tulong ito. Aalagaan ko nang maayos si Nanay Cora," nahihiya nitong saad.

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon