Chapter 3: The Two Ex-girlfriend

8.9K 234 11
                                    

Lila






"Babe, are you okay?" Michael asked me.


Kanina pa kasi ako walang kibo at hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa babaeng 'yon! Kung bakit naman kasi pinagtagpo pa kaming muli!

"Nakakainis lang kasi babe eh!" Pagmamaktol ko sa kanya. "Alam mo' yong ayaw na ayaw mo na nga sa isang tao pero pinagtagpo parin kayong muli? Ang nakaka inis lang, kaibigan din siya ni Alice!"


Sandaling natawa si Michael bago ako tinignan. "Sino ba yang tinutukoy mo? At bakit ganyan kung inisin ang girlfriend ko?"


"That girl, Sarah Rodriguez!" Mapakla na bigkas ko sa kanyang pangalan. "I really hate her! From then until now, palagi nalang niyang pinag-iinit ang dugo ko."


"The supermodel?" Gulat na tanong ni Michael.

"Oo, bakit?" Mataray na sagot ko rito. "Kilala mo rin siya?"


"Babe, who else does not know her?" Oo nga naman. Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya. Eh halos buong mundo hinahangaan siya.


Hinawakan ako ni Michael sa kaliwang kamay bago ito maingat na inilapat sa kanyang mga labi.


"Tama na yan, babe. She doesn't deserve your time and energy." Pagpapakalma nito sa akin. "Sa ngayon, hihiramin ko muna ang isipan ng girlfriend ko, okay? Sa akin muna ang atensyon mo ngayon. Akin ka muna ngayon."


Mabuti nalang at nandiyan si Michael, dahan-dahan ko na lamang din na nararamdaman ang pagbabago ng mood ko dahil sa kanya.


Michael takes me to a fancy Restaurant. At doon na kami kumain ng aming panang halian. Sinabi ko na rin sa kanya na balak kong pumunta kina Breeze ngayong araw as a surprise visit sa kanilang mag-asawa. Pumayag naman ito at agad din akong inihatid kina Breeze pagkatapos. Magbabakasakali lang naman ako dahil Saturday ngayon, baka sakaling hindi ito pumasok sa kanyang Opisina.


Agad din na pinasibad ni Michael ang kanyang sasakyan pagkatapos akong ihatid. Huminge ito ng tawad dahil sa hindi na raw ako nito masusundo pa mamaya sa dahilang may importante itong meeting. Sinabi ko rin sa kanya na ayos lang at magtataxi nalang ako pabalik sa unit ni Alice.


Isang may medyo katandaan na babae ang bumungad sa akin sa gate bago ako tuluyang pinapasok. Sandali na iniwanan ako nito sa living room at tatawagin lamang daw nito ang mag-asawa.


While waiting for Breeze to arrive I couldn't stop looking around. Ganoon parin ang ayos ng kanyang bahay simula noon, may iilan na furniture nga lang ang napalitan na pero halos lahat, hindi nito binago.



Napatingin pa ako sa paligid at agad na naka agaw ng aking pansin ang kanilang family picture na nakalagay sa may malapit sa hagdanan paakyat sa second floor.


Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumapit dito. Isang ngiti ang agad na gumuhit sa aking labi nang makita ko kung gaano sila pinag palang mag-asawa, napaka dyosa nila pareho, kaya siguro ganoon na lamang din kaganda ang kanilang naging anak.


At si Jared, ang panganay na anak ni Breeze. Malapit na siyang mag binata at napa ka gwapo pa. Tiyak na maraming mapapa iyak at magkakandarapang babae rito katulad sa kanyang mommy Breeze at Daddy Rick.


"I wonder who just came by." Awtomatimong napa singhap ako ng marinig ko ang familiar na boses na iyon. God, I miss her voice!

Napa lunok ako bago tuluyang iniikot ang aking katawan upang harapin ang babaeng ilang taon ko ring hindi nakita. Isang malawak na ngiti ang ibinigay ko rito ng magtama ang aming mga mata.


HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon