Chapter 38: You And Me, Together

5.1K 193 58
                                    

Lila






It has been two and a half months since I left the Philippines for Sarah's favor. During that last month, I only went to six countries. Hindi pa ako nangangalahati, at mas lalong hindi ko talaga alam kung saang lupalop at kasulok-sulukan ng mundo ko siya mahahanap.




Masyado niya akong chinachallenge sa hininge niyang favor mula sa akin but of course, hindi ko siya uurungan. Dahil alam kong magiging worth it ang lahat ng pagod, gatos at pangungulila sa oras na natagpuan ko na siya.





In those countries, palagi akong umaasa at nananalangin na sana, kinabukasan pagising ko ay matagpuan ko na siya. Bawat minuto at segundo iyon lamang ang nais kong mangyari, miss na miss ko na siya. 'Yung mga tawa niya, namimiss ko ng marinig muli ang mga iyon. Sa araw-araw nalang na ginawa ng Diyos, wala akong ibang ginawa kung hindi ang maghintay ng message niya, na baka sakali bigla itong magparamdam sa akin, pero bigo ako palagi.



Alam ko naman in the first place na hindi madali itong ginagawa ko. Wala man akong superpower para mahanap kaagad siya, nandoon naman ang pagmamahal kong hindi nawawala, kaya iyon ang nag-iisang dahilan para muli kaming pagtagpuin ng tadhana.




Kahit minsan, hindi sumagi sa isipan ko ang sumuko nalang at hayaan na lamang siya. Dahil alam ko sa sarili ko, nandiyan lang siya, ang kailangan ko lang gawin ay ang hanapin siya. Pero hindi parin maalis sa aking puso ang pagkamiss sa kanya, gustong-gusto ko na siyang muling makita. Swear!




Right now, I'm in Santorini, Greece. I also don't know how I ended up here, as far as I know, I have to search every country and every place in it just to find the girl I love most.



The place is so beautiful, they say the stunning white and blue Santorini was named the second most romantic place in the world. Particularly its stunning view overlooking the entire ocean, including a stunning sunset every afternoon.

Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip na sana sa bawat lugar at bansang napupuntahan ko, nasa tabi ko rin si Sarah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip na sana sa bawat lugar at bansang napupuntahan ko, nasa tabi ko rin si Sarah. Sabay sana naming nakikita ang natural na ganda ng mundo. Minsan din naiisip ko, nang galing na kaya siya dito? Kahapon o nakaraang araw? O kung hindi naman, papunta rin kaya siya rito? Kahit na gustuhin ko man na mag stay sa isang lugar para hintayin kung darating din ba siya, hindi pupwede. Dahil alam kong hindi dapat ako nagsasayang ng oras, and I have to keep forward.




Habang pinanonood ang papalubog na araw mula dito sa kinatatayuan ko, hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin at makaramdam ng inggit sa ibang couples na turista na napapadaan sa harap ko. Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot at maging bitter sa tuwing makakakita ako ng magka holding hands at nagkikiss sa harap ko.



Agad na napayuko ako at napatingin sa aking hawak na cellphone nang bigla itong tumunog. Mayroon akong message na natanggap mula sa aking instagram account, kaya mabilis ko iyong binuksan upang tignan ang message.



HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon