Chapter 23: Doubts And Lies

4.4K 159 10
                                    

Sarah





Bagot na naghihintay ako kay Alice mula dito sa loob ng isang Japanese Restaurant, dahil nakakailang minuto na simula ng dumating ako, pero hindi ko parin ito natatanaw kahit na anino niya.



At ano naman kaya ang pakay 'non sa akin? Clueless na tanong ko sa aking sarili.



Umaga pa lamang kanina ay napatawag na siya sa akin. Gusto niyang makipag kita sa akin pagkatapos ng schedules ko ngayong araw. At ang mahigpit na ipinagbilin niya ay huwag na huwag ko raw itong ipagbibigay alam kay Lila. Kaya naman, wala akong choice kanina kung hindi ang magdahilan at ang magsinungaling sa kanya.



Sinabi ko na lamang na may kailangan lang akong puntahan at hindi ako magtatagal.



Napa tingin sa ako sa may unahan, agad na nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng makita ko ang paparating na si Alice.



"I'm sorry, na traffic lang." Paghinge niya ng tawad. For sure kagagaling lang niya mula sa kanyang trabaho.



"Nag-order kana ba?" Tanong pa niya.


Napa-iling ako. "I'm not hungry." Sagot ko bago siya tinignan ng diretso sa kanyang mga mata. "So, ano ba ang dapat na pag-usapan natin?"


Sandali na tumawag muna siya ng waiter at nag-order ng kanyang makakain. Noong makaalis na ang ito dala ang kanyang inorder, saka siya muling napa harap sa akin.



Mataman niya akong tinitigan sa aking mukha. Iyong seryoso na tingin na animo'y binabasa ang aking isipan.


"Tapatin mo nga ako." Sa tono pa lamang ng kanyang boses ay agad na napapalunok na ako. Tungkol na naman ba ito sa pag-amin ko sa kanya sa amin ni Lila?



Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik lamang na nakatitig rin sa kanya. Hinihintay ang katanungan na gusto nitong itanong sa akin.



"Ginawa mo ba talaga iyong ipinangako mo sa akin?" Napakurap ako ng ilang beses.

"What do you mean?" Pagmamaang-maangan ko sa kanya. Hindi nito napigilan ang hindi mapatirik ng kanyang mga mata.



"You know what I mean, Sarah." Pormal at seryoso parin ang boses at mukha niya. Isang malalim na paghinga naman ang pinakawalan ko atsaka tinitigan siya ng ilang segundo sa kanyang mga mata.


"Yes, Alice." Pagsisinungaling ko. "Are you doubting me?" Ganting tanong ko naman sa kanya.


Ay ang galing ko, pwede na akong umacting sa TV at maging ganap na drama queen. Tss!


"Of course not!" Mabilis na depensa nito. "I just want to be sure. Because I know you." Dagdag pa niya. Habang ako naman ay napapainom sa tubig mula sa baso na nasa aking harapan.



"Pero kung gayon na wala naman palang namamagitan sa inyo ni Lila, ibig sabihin, hindi ikaw ang taong namamagitan sa relasyon nila ni Micheal."



Halos maibuga ko sa mukha ni Alice 'yong tubig na nasa bibig ko na. Nagtataka na napatingin ito sa aking mukha.



"Are you okay?" Tanong niya atsaka ini-abot sa akin ang tissue napkin. Mabilis na napatango ako bago napatikhim.



"I'm fine." Tipid na sagot ko rito bago ibinaling sa ibang direksyon ang aking mga mata.


"W-what do you mean...may ibang namamagitan kina Michael at Lila? You mean, there's a third party? And Lila is the one who cheated?" Napatango si Alice.


HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon