Chapter 7: Night After The Party

6.7K 216 18
                                    

Lila




Lumipas pa ang maraming linggo, naging mas abala kami pareho ni Sarah sa kanya-kanya naming ginagawa. Ako bilang manager nito at siya, bilang model.

Photo shoot dito at doon ang karamihan sa aming ginagawa, sa aming dalawa? Syempre, ako ang mas laging drained ang bawat araw dahil pagkatapos ng schedule nito sa isang araw ay ihahatid ko siya sa bahay. Magpapalit lang ako ng damit sandali dahil may kailangan na namang puntahan na appointment.

Shampoo commercial, well-known clothing brands, expensive bags and jewelries, and other well-known companies in the country, halos lahat ng mga ito ay si Sarah ang kanilang napili bilang endorser. Kaya hindi na rin ako nagtataka pa kung bakit kaliwa't kanan ang schedule nito. At mas lalong hindi na ako nagtataka kung bakit halos ang makikita mong mukha sa mga commercial sa TV ay si Sarah.

So today, after being exhausted for several weeks, ang boyfriend ko naman ang aking binigyan ng oras at atensyon. At syempre, para na rin sa sarili ko. Bagay na hindi naman na tinutulan pa ni Sarah dahil may sariling lakad din daw ito ngayon. Kung saan man? Hindi ko rin alam.

Micheal invited me to attend his friend's birthday party. The theme of the party is quite elegant, so of course, I also have to adapt my outfit to the theme.

Pagdating namin sa loob ng venue, all eyes are upon us. Men who almost drown in my body and women who look at Michael like he is Adones.

Sinalubong kami ng isang matangkad at matipunong lalaki, maputi at hindi naman maitatanggi na may itsura ito at nagmula sa mayamang angkan na pamilya.

"Well, well, Michael." Komento nito nang huminto sa aming harapan bago nakipag bro hug sa aking nobyo.

"Happy birthday, man." Pagbati sa kanya ni Michael. Natawa ito at nagpasalamat pagkatapos ay agad na nagbaling ng tingin sa akin.

"And you must be..."

"Lila." Pagpapakilala ko naman ng aking sarili sa kanya.

"My girl." Dagdag ni Michael. Naramdaman ko ang marahan na paghawak nito sa aking balakang dahilan upang mapangiti ako rito ng matamis.

"Ugh, please." Saway nito sa amin, ngunit halatang nagbibiro lamang. "I'm Joseph." Pagpapakilala niya bago inilahad ang kanyang kanang kamay na agad ko namang tinanggap.

"Nice to meet you, Joseph. And happy birthday." Pagbati ko sa kanya. Muli itong nag pasalamat at pagkatapos ay nagpaalam sa amin ni Michael na maglilibot na muna upang salubungin at kamayan din ang iba pa nitong mga bisita.

The party went well, mas madami na rin ang mga bisita ngayon kaysa kanina. May mga iilan pa nga na celebrity ang nandidito at iba pang kilalang tao.

Rae Lewis is also here, she is singing in front of us now. She is one of the singers here in the Philippines that I admire so much. I can't believe I even saw her in person. Hindi lang siya maganda at talented, napaka bait rin nitong tao.

As we were dancing with Michael, a man approached him and whispered something. And then, nagpaalam rin ito sa akin na kailangan lang niya muna iyong kausapin dahil isa ito sa magiging client niya soon. Inihatid niya ako kung saang table kami naka pwesto kanina at bago pa man ito tuluyang makaalis ay binigyan niya muna ako ng isang halik sa labi dahilan upang mapapikit ako. Ngunit mabilis lamang iyon at hindi nagtagal pagkatapos ay tumalikod na siya mula sa akin.

When I opened my eyes, I saw a familiar woman's face. She stared at me in the distance, but she also immediately looked away before turning around and going to the other side of the venue.

HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon