Chapter 19: One Beautiful Night

6.5K 214 51
                                    

Lila





Malalim na ang gabi, tahimik na ang paligid. Pero heto ako, dilat ang mga mata at gising na gising parin ang diwa. Hindi man lamang magawang dalawin ng antok.


Kanina ko pa pinipilit na ipikit ang aking mga mata, pero hindi ko magawang makatulog. Bakit kaya? Dahil ba sa magandang dyosa na katabi ko ngayon?


Napangiti ako sa aking sarili ng maramdaman ang malambot na katawan ni Sarah sa aking tabi. She is now sleeping peacefully, habang ang kanyang braso naman ay ang siyang nagsisilbi kong unan.



Malaki ang pasasalamat ko kay Sommer, she did great earlier. Kung hindi dahil siguro sa ginawa niya, hindi kami magkakaayos ni Sarah. Hindi niya ako lalapitan at ilalayo sa lugar na iyon para lang magkaroon kami ng oras na makapag-usap. At bukas na bukas din, gusto ko siyang pasalamatan ng personal dahil sa ginawa niya.



Naramdaman ko ang ginawang pag galaw ni Sarah dahilan upang muling mapalingon ako sa kanya. Kahit na medyo madilim ang paligid, naaaninag ko parin ang kanyang magandang mukha mula sa liwanag na nagmumula sa labas.



My God she is so beautiful.



Wala ng mapaglagyan pa ang tuwa na nararamdaman ko ngayon sa tuwing mapapatingin ako sa kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala na umabot na kami dito.

Tumatalon sa sobrang saya ang puso ko kanina noong sabihin niya sa akin na mahal niya ako. Tila ba nakalimutan kong huminga kanina sa loob ng ilang segundo nang marinig ko iyon mula sa kanya.



I've been wanting this moment since the day I admitted to myself that I liked her. I've been dreaming, wishing for her to feel the same way I do right now. And now, it's finally happening. This is more than I ever imagined.



Bolts of electricity ignite through my skin from where her finger touch me as she grabs my hips, flushing her body against mine. At lalo pa akong napasinghap ng bumaba ang mga kamay nito sa mga legs ko at marahan na minamasahe iyon. I couldn't help but to close my eyes. She immediately climbed over my body and kissed me on my lips. A passionate kiss.



"Sarah..." Hindi ko mapigilang banggitin ang pangalan niya nang maghiwalay ang aming mga labi.



"Sshhh.." Ganting bulong niya sa akin at muling sinakop ang aking mga labi.



Akala ko ba tulog na siya?



Gumalaw ang mga labi nito na animo'y dinuduyan ako sa hangin. Nanghihina ang mga tuhod na gumanti narin ako sa kanya pagkatapos, ngunit hindi iyon nagtagal nang muli naman nitong paghiwalayin ang aming mga labi. Nararamdaman ko ang mabilis na pagpintig ng aming mga puso. At pati na rin ang pagtitig ni Sarah sa mukha ko kahit na madilim.



"What were your thinking?" Husky ang boses na tanong ko sa kanya. Umalis siya sa ibabaw ko atsaka naupo sa kama.


"Nothing. It's uhmm..." Napalunok siya. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.


Is she nervous?



Walang nagawa na napa bangon na rin ako ng tuluyan. Hindi ko alam kung anong oras na sa mga sandaling ito dahil hindi ko na rin gustong alamin pa.



"I can't believe it's all happening now." Dagdag niya. Shaky na ang boses niya. Iyong alam mong mayroon siyang gustong gawin ngunit pinipigilan niya.



"Alam mo ba na ang  'I love you' mo ang pinaka masarap sa tenga pakinggan?" Tanong ko sa kanya. "It's more than the thousands of sweet words I've ever heard, Sarah." Pag-amin ko pa.


HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon