Chapter 26: Please, Be Mine

4.6K 167 31
                                    

Sarah







I know, many of you don't like my behavior. Why despite all that Lila and I have been through, I still manage to get along with other women.


Can you blame me? Nasaktan ako. At patuloy parin na nasasaktan ako. Buong buhay ko, wala akong ibang hinangad kung hindi ang maghanap ng pagmamahal sa iba, na hindi naibigay sa akin ng mga magulang ko, simula noong sanggol pa lamang ako.



Pagmamahal na sa tuwing buong pusong ibinibigay ko sa iba, ay agad-agad din na binabawi sa akin ng mundo.



Wala na ba talaga akong karapatan na mahalin ng totoo? Iyong hindi ko na kailangang hiningin pa, para lang mahalin ako?



Whenever someone makes me feel loved, why does it always lead to tears and broken hearts?



Every morning, I wake up wishing this was just a dream and that I'd see her sleeping peacefully next to me. But now I just have to find a way to live with this heartache.


I love Lila. I really do! I love her so much more than you think. Kaya kong magbago para sa kanya, kaya kong iwanan ang lahat ng kalokohan na meron ako. Pero paano ko iyon gagawin kung alam ko sa sarili ko na hindi naman siya naging akin! Lalo na ngayon, mas lalo akong pinanghinaan ng loob dahil ikakasal na siya.



Kahit pa ilang beses pa niyang sabihin na ako ang mahal niya, nandoon parin ang katotohanan na ayaw nitong masaktan si Michael.



The truth is, ayaw ko siyang ipaubaya na lamang kay Michael. But sometimes I think, she better off without me. I mean, what can I give her? Nothing. I am nothing compared to a gentleman like Michael.




Michael could give all the things I couldn't give her. Kaya siya nitong bigyan ng normal na pamilya, ng maraming anak at iba pa.



Pero ako? Wala. Ang kaya ko lang na ibigay sa kanya ay ang mahalin at alagaan siya. Pero alam naman nating lahat na hindi iyon magiging sapat para sa isang relasyon. Hindi ko naman pweding ibigay lang sa kanya ng paulit-ulit 'yong puso ko na ilang beses ng nasugatan, 'yong sirang buhay ko na hanggang ngayon ay pilit ko paring binubuo ng mag-isa.




No. I couldn't give her that. Because I could just ruin her life. I love Lila but I can't risk everything just to be her. Hindi iyon ang derserve niya na buhay at mas lalong hindi niya deserve ang isang wasak at sira na kagaya ko.




Kaya ngayon, kahit masakit, kahit labag sa loob ko, kahit ang bigat-bigat na sa dibdib, ginagawa ko parin ang lahat ng makakaya ko para iwasan siya.




Sinasadya kong ipakita sa kanya at ginagawa ko ang mga bagay na ayaw niya at makakasakit sa kanya. Dahil ang gusto ko, panindigan niya ang naging desisyon niya. Ang gusto ko, piliin niya ang buhay na deserve niya. Hindi ko siya ginugulo, hindi rin ako nagmamakaawa sa kanya dahil iyon ang dapat at tama kong gawin dahil mahal ko siya.



I just really don't understand why destiny allowed some people to meet, when there's no way for them to be together. It's so unfair!



Habang nagmumukmok at naglilinis dito sa loob ng aking kuwarto, narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto. Hindi ko na kailangan pang tignan kong sino iyon, dahil alam ko na.



"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan, Sarah?" Agad na tanong nito sa akin. Hindi ko siya pinansin o tinapunan ng tingin, sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa.



"And now, a ticket? A ticket to where Sarah? Ha?!" Saglit na natigilan ako.



So alam na pala niya. Sabi ko sa aking sarili. Well, that's good. Para naman hindi na magulo pa ang isipan niya. Nagiging magulo lang naman kasi ang lahat dahil alam niyang nandito ako.



HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon