Chapter 17: The Concert

5.9K 201 38
                                    

Lila


Hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na hindi mapasulyap palagi kay Sarah. She's incredibly eye catching. At obvious naman na hindi lamang ako ang nakakakita noong sandali na makapasok na kami sa entrance ng venue, para sa aming tickets.

Halos lahat ng mga kalalakihan at kababaihan ay napapalingon sa amin, lalo na sa supermodel na kasama ko ngayon. Thankful ako dahil kahit papaano ay naka suot siya ng kanyang cap. I feel irritated as I watched them stare at Sarah lustfully and scanning her flawless legs.

Bigla naman akong nagulat at napasinghap nang bigla niya akong inakbayan at mas inilapit pa ang kanyang katawan sa akin. Amoy na amoy ko na ngayon ang kanyang perfume, hindi ko rin tuloy mapigilan ang hindi mapapikit.

"Ang liit mo pala talaga." Hindi ko alam kong compliment ba iyon na nang galing sa kanya o isang pang-aasar.

Palihim ko naman siyang siniko sa kanyang sikmura. Sakto lang at hindi naman kalakasan.

"Napaka mo talaga." Kunwari namang nainis na sabi ko. "Is it really necessary?" Tanong ko bago napatingin sa kanyang kamay na nasa aking balikat.

Napa iwas siya ng tingin at mabilis nagbaling sa ibang direksyon, hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero nakita ko kung paano namula 'yong mga pisnge niya.

"Oh my God!" Hindi ko mapigilang bulalas.

"What?" She asked. Her face still blushing.

"You're blushing..." May panunuksong sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa unahan at ng makahanap na ng aming magiging pwesto.

"I'm not." Pagtatanggi naman nito sa akin. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa.

"Yes, you are Sarah. Admit it---"

Hindi ko na naituloy pa ang aking sinasabi ng bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Kusa ko na lamang din naramdaman ang pang-iinit ng aking mukha, na animo'y isang kamatis na sa kanyang harapan.

"See? You are the one who's blushing, not me." Sabay ngisi na sabi nito sa akin. Napatikhim ako bago inilayo ng konti ang aking mukha mula sa kanya.

"I-I think I need a water." Palusot ko pa at tuluyan ng tinalikuran siya upang pumunta sa may pupweding mabilhan ng tubig. Ang init!

"Hey, you're not allowed to go anywhere without me." Narinig kong sabi niya mula sa aking likuran. "And I'll buy you some water. Just wait for me here." Bago pa man ako tuluyang makatanggi ay mabilis na tumalikod na siya at nawala sa aking paningin.

May choice pa ba ako?

Habang hinihintay na makabalik si Sarah, noon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na mapatingin sa buong paligid. Nakahanda na ang buong stage para sa pagdating ng LANY at may dalawang malalaking screen naman sa magkabilaan nito. Hundreds of young adults and old teenagers crowd around the stage, jumping and dancing with the beat of music. Sa loob ng venue, nandoon naman ang mga pupweding mapagbilhan ng pagkain at mga inumin. But take note, no alcohol allowed inside.

"Looking for me?" Tanong ng isang boses mula sa aking likuran. Awtomatikong napalingon ako rito at bumungad sa akin ang may medyo katangkaran at moreno na lalaki. Cute naman siya at mayroong maliit na dimple na lumalabas sa kanyang pisnge kapag nakangiti, pero masyado pa siyang bata para i-entertain ko.

"I'm Matt, by the way." Pagpapakilala niya. Dahil sa ayaw ko naman na maging bastos kaya tinanggap ko na ang kanyang kamay na nakalahad.

"Lila." Tipid na pagpapakilala ko sa kanya. He flirty smiled at me bago marahan na hinalikan ang likod ng aking palad.

HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon